Chapter 3

282 34 19
                                    


I sat carefully sa tabi ni mama . She is still sleeping peacefully. I look at her face , she looks like an angel while sleeping yet she became devil when awake. Hay buhay!

Hinihilot-hilot ko muna ang aking sentido bago tumayo at uminom ng tubig. I calmed myself at tumingin ulit ako sa itaas at laking pasasalamat ko ng mawala na si Brix. Is he a ghost or something ?

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga . Umupo ulit ako sa tabi ni mama. Tiningnan ko ang orasan at pasado alas dos na pala ng maaga. I decided not to go back to my bedroom to sleep dahil baka naman ay babalik doon si Brix. Dito nalang ako matutulog sa tabi ni mama , para safe.

Pasado alas-sais ng maaga ay nagising ako sa hilik ni mama. I immediately stood up at pumunta sa kusina. Magsasaing nalang ako.

Kinuha ko ang lighter sa aking bulsa. Napatingin ako sa lalagyan ng kahoy at napabuntong-hininga na lamang ako nang makita ko na wala na kaming kahoy. Dali-dali kung kinuha ang aming bolo at nagsibak ng kahoy sa labas. Ibinuhos ko lahat ng lakas ko sa pagsibak ng kahoy at pinagpawisan talaga ako . Mabuti at 'di ako nasugatan , ang tigas pa naman ng kahoy na mahogany.

Pagkatapos ay kinuha ko na ang limang piraso ng kahoy at inilagay ito sa abuhan namin. Binabahay-bahay ko muna yung mga kahoy na nasibak ko bago ko sinindihan yung mga scratch paper .

Pagkatapos kung magsaing ay bigla ko naman naalala yung mga nangyayari sa akin kagabi . I immediately wipe those thought out of my head.

Dali-dali akong lumabas sa bahay namin upang manguha ng mga mangga  para ibigay sa mga bata. Umakyat ako sa puno at nagsimula ng nanguha. Expert to sa pag-akyat te. Plano ko kasing bibisitahin ngayon yung mga bata at plano ko ding  kakausapin si Brix. I'm sure kapag bibigyan ko si Brix ng mangga ulit baka magiging mabait na siya sa akin.

Pagkatapos kung manguha ng mga mangga ay hinugasan ko muna ang mga ito bago isinilid ko isinilid ang mga ito sa basket . I hurriedly went inside our house. Mom was already awake.

"Sabrina , nag-init ka na ba ng tubig ?" Tanong ni mama habang hinilot-hilot ang kaniyang sentido.

"Me-meron na po , ma !"

"Timplahan mo nga ako ng kape. Ang sakit ng ulo ko." Utos niya . Tumango nalang ako at nagmamadaling pumunta sa kusina upang ipagtimpla siya ng kape.

"Ito na po ma." I hand her a coffee.

"Ma , okay lang ba na pupunta ulit ako ngayon sa orphanage ?" Tanong ko kay mama . Natigilan naman siya sa pagsipsip ng kaniyang kape.

"Diba kakapunta mo lang kahapon?"

"Ma , there is something unusual happen to me lately and ..." Pero bago ko ituloy yung sasabihin ko ay nakatanggap na ako ng malakas na sampal sa pisngi galing kay mama. Tiningnan ko siya at 'kita ko na naman sa kaniyang mga mata ang galit .

"Ilang ulit ko bang sabihin sa'yo na huwag kang makipagrelasyon ! So ano ngayon, buntis ka?" Singhal niya habang nagtatagis ang kaniyang bagang.

"Ma , wala po akong karelasyon at mas lalong hindi po ako buntis." Paliwanag ko and her expression suddenly became soft.

"Sorry anak, " yumuko ito habang ipinagpatuloy ang pag-inom sa kaniyang kape " So ano pala ang nangyari sa'yo ?" Nag-alalang tanong niya habang 'di pa din nakitingin sa akin . I told her everything about doon sa pagdalaw ko kahapon sa orphanage pati yung mga panaginip at yung totoong nangyayari sa akin kagabi.

Mom was holding her stomach while laughing. She laugh, feels like no tomorrow.

"Ma ! seryoso po ako."

I'm Coming Mama [ COMPLETED ✔️]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon