Tumingala ako sa isang malaking building na nasa aking harapan. Napangiti ako ako sa aking nakita . This is it.
Pumasok ako sa building . The receptionist approach me and smiled.
" How may I help you maam ?" She asked.
Kinuha ko yung maliit na papel mula sa aking bulsa at ipinakita iyon sa kaniya. The receptionist nodded and gave me instructions.
I thanked her and left. Dali-dali akong sumakay ng elevator.Nandito na ako ngayon sa rooftop ng malaking building. Tumingin ako sa baba at napangiti ako sa aking nakita. Eh pano ba 'yan , ang 'liit kasi ng mga sasakyan . Parang mga langggam lang. Sumungaw ulit ako nang biglang may humila ng damit ko. Napatingin ako sa taong humila sa akin and it was none other than Atty. Young ( Justine's private Atty.)
" Hi ms. Young !" bati ko. She nodded.
" Jusko , anong ginagawa mo dito ? Akala ko tatalon ka na sa building !"
" Ahm , I came here to see you po !" Magalang na sabi ko. Sabi kasi ng receptionist na nandito ka sa rooftop kaya pumunta ako dito. Tumango siya.
" Ahm ms. Young , about sa pagkakakulong kay Justine. I came here to help you po to solve the case." Panimula ko. Atty. Young became serious.
She started interrogating me at ibinulgar ko lahat ng sekreto ko na gustong malaman ni Atty. Young , and she was shocked also. At first ayaw niya maniwala but I convinced her. Napaniwala ko naman siya.
" So , kailan tayo pupunta sa lugar na tinutukoy mo ?" Tanong ni Atty. Young .
" Ngayon po sana if hindi po kayo busy !" Sagot ko na lamang. She nodded at iniligpit ang kaniyang laptop. Bumaba kami mula sa rooftop. Nauna akong lumabas ng building at hinintay siya sa labas.
After a few minutes , ay lumabas din ng building si Atty. Young. She is wearing a hoodie jacket and a facemask. May kasama siyang dalawang body guard.
Sumakay kami sa kotse niya . We were now heading to the forest na kung saan kami nag -camping noon.
Nang makababa na kami ng sasakyan at inilibot ko ang aking paningin. The forests looks calm and relaxing. Mga huni ng ibon ay parang musika sa iyong mga tainga at ang mga berdeng dahon ay kahalina-halina. Suminghot muna ako ng preskong hangin bago kami nagpapatuloy sa aming paglalakad.
Nauna akong naglakad sa kanila ni Atty. Sumunod naman ang isang body guard sa akin. Tapos si Atty. at saka yung isang body guard sa huli.
Dumaan kami sa pinagtatayuan ng tent namin noon at biglang kumirot ang aking dibdib. Biglang umagos ang aking luha ng maalala ko na naman ang mga pinaggagawa ko noon.
Binilisan ko ang aking paglalakad. Halos tumakbo na nga ako. Pinagpawisan na din ako sa likod pero I don't care. Ang importante ay makarating na kami sa lugar na pupuntahan namin.
After a few minutes ay nakarating kami sa ilog. Yes , dito ko sila dinala. Hinanap ko yung bag ko na itinapon ko dito. We traced the path of the river. Ngunit halos isang oras na ang nakalipas ngunit hindi pa din namin nakikita ang bag na itinapon ko dito noon. Atty. Young gaved up but me and her two bodygurads continued searching.
" Baka nadala na sa baha talaga ang bag na iyon !" Sabi ni Atty. Young habang pinaypayan ang kaniyang sarili saka umupo sa may malapad na bato. We continued searching at parang pinutol yung leeg ko sa sobrang sakit dahil sa kakayuko. Nababasa na nga ang aking pantalon na suot dahil sa malakas na agos ng tubig but still wala pa din kaming nakita.
Nagpahinga muna ako at umupo din sa isang malapad na bato. I stretched my back . Tinignan ko yung kamay at paa ko at namumuti na ito dahil nga isang oras na kaming nakababad dito sa tubig. I looked at Atty . Young and she is now catching fishes. Napailing nalang ako .
After a few minutes , ay naagaw yung atensiyon ko nang sumigaw ang isang bodyguard ni Atty. Young . I look at him , pati si Atty . Young ay napahinto sa pagdakip ng isda. Tumingin din ito kay kuya bodyguard.
" Ito ata ang bag na hinahanap natin !" Banggit nito habang naglalakad patungo sa kinaroroonan namin ni Atty. habang bitbit ang maitim na bag. Atty . Young looked at me feels like she was searching an answer from me. Tumango ako sa kaniya.
She immediately wore her gloves atsaka binuksan ang bag. She was shocked . Napatingin din ang dalawang bodyguards sa loob ng bag at pareho sila ng reaksiyon. Tumingin silang tatlo sa akin kaya umiwas ako ng tingin.
" I... ahm... we... we need to take this bag . This bag is such a big help! " Nauutal na sabi ni Atty. Young. The two bodyguards nodded at dinala ito.
Naglalakad na kami pabalik ngayon sa sasakyan. Habang naglalakad kami ay di ko maiwasang kabahan . Kinakabahan ako sa maaring mangyari sa akin bukas. Kinakabahan ako sa maaring mangyaring kaparusahan.
" Okay ka lang ?" mahinang tanong ni Atty. Young. I nodded slowly.
" Huwag kang matakot , okay. I'm so proud of you for being brave. Huwag kang mawalan ng pag-asa , okay ! Natural lang ito. Tayong lahat ay nakagawa ng pagkakamali at kasalanan kaya kailangan natin itong bayaran. " Atty. Young hugged me and showered a comforting words. Di ko naman napigilan ang paglalandas ng aking mga luha. I hugged her back.
For the first time , someone feel proud of me. Someone truly believed me . Someone accepted me even though I am a criminal .
" Atty. , natatakot ako sa consequence ng aking mga ginagawa !" Hagulhol ko. Hinagod naman ni Atty. yung likuran ko.
" Shhh , it's okay. Lahat tayo nagkakamali. Walang perpekto sa mundo. I'm glad that you realized and accepted your mistakes. Huwag kang matakot , okay ? Kung kailangan mong matakot ay sa Diyos lamang. " She said and smiled , tumango ulit ako.
Pumasok na kami sa loob ng sasakyan . Pina-andar na ito ng isang bodyguard ni Atty. Buong byahe ay tahimik lamang kami at tanging pag-andar lang ng makina ang iyong maririnig. Wala ni isang nagsalita sa amin. Nakatulala lamang ako sa kawalan pati din si Atty. Young ngunit panay silip din ito sa akin minsan.
☾︎༒︎ Rivs_Styler༒︎☽︎
Thank you ulit sa pagbabasa guys. I hope na nagustuhan niyo ang chapter na ito. Feel free to vote and comment your opinion , thanks and God bless. See you sa next chappy.
BINABASA MO ANG
I'm Coming Mama [ COMPLETED ✔️]
Misterio / Suspenso( UNDER EDITING ) Sabrina , a young 16 years old girl loves to visit the kids in the old creepy orphanage. Every kids adore her for being kind to them except this young boy named Brix , who always says " I'M COMING MAMA " that makes Sabrina always t...