Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas na ako ng orphanage.Mom looked at me in confused."Ba't humihingal ka at pinagpawisan ka 'nak ?"
"Wa-wala to ma.Tumakbo kasi ako,hehe" Sabi ko pero 'di ko binanggit yung tungkol kay Brix baka hindi na naman niya ako paniniwalaan at pagtatawanan na naman niya ako.
"Ayan kasi ! Tatakbo-takbo ka pa , hihingalin din naman." Napailing na lang siya saka naunang naglakad sa'kin . Sumunod nalang ako kay mama.
Nang makarating na kami sa simbahan ay naging panatag na ang aking loob. Nawala na 'yung kaba na kanina pa bumabalot sa akin. Sakto namang tumunog ang batingaw sa lumang simbahan. Simbahan na gawa pa sa mga paring dominikano noon.I hurriedly cover my ears nang narinig ko ang tunig ng kampana. Ayoko kasing marinig ang tunog ng kampana kasi para itong tumatawag ng sakit.
Bago kami pumasok sa simbahan ay binati kami ng dalawang madre.I stared at their faces carefully at naalala ko naman yung pelikula na 'Valak'. I immediately looked away and greeted them back. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng simbahan. I look around the church at pansin ko na madilim din. Wala pa ang pare at kaunti lang din ang mga tao na nandidito sa loob at nagdadasal . They were all wearing black. Ako lang ata at si mama ang hindi nakasuot ng black.
"Ma , bakit nakasuot sila ng black lahat ?" Curious kung tanong.
"Broken hearted ata sila 'nak. Malulungkot ang kanilang mga puso." Sambit ni mama kaya tumango nalang ako. I roamed my eyes around. Ang mga tao'y nakaluhod habang ang mga mata'y nakapikit at yung mga labi nila ay walang tigil sa paggalaw.
Habang wala pa si padre ay napagpasiyahan ko munang magdasal din. Hindi ako lumuhod dahil medyo sumasakit yung tuhod ko. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata.
" God father, I thank you for the gift , blessings and the life you gave to me. Sana'y patawarin mo ako sa mga kasalanan kung nagawa. Pinagsisihan ko na po iyon sa buong buhay ko. Sana'y mapatawad mo po ako. Hindi ko na po iyon uulitin , pangako. Please Lord , sana gabayan niyo po ako. Huwag niyo po akong hahayaan na lunukin ng takot. Amen ✞︎"
Nang ibinuka ko ang mga talukap ng aking mga mata ay laking gulat ko nang makita ko si Brix na nakatayo doon sa harap ng altar at nakatingin siya diritso sa aking mga mata. Napatayo ako bigla at napasigaw. Pinagtitinginan ako ng mga tao at iyong iba ay nagsisimula ng nagbubulungan.
"Anak , anong nangyayari sa'yo ?" Nag-aalalang tanong ni mama.
Tiningnan ko si mama saglit pero ibinalik ko din kaagad yung atensiyon ko sa harap ng altar kung nasaan si Brix na nakatayo.
"Ano ba'yang batang 'yan , walang respeto !"
"Natatakot ata sa Diyos ?"
"Tingnan mo mare, nakatingin sa altar tapos parang natatakot."
Iyan yung mga naririnig ko mula sa mga tao na nandito sa loob ng simbahan. Pero , binalewala ko lang 'yon at patuloy na tinitingnan si Brix na humahalakhak na parang nasisiyahan.
"Ma , labas na tayo dito!"Kinalabit ko si mama.
"Bakit ?"
"Basta ! Haunted 'tong simbahan na 'to. Nakita mo ba 'yung bata sa harap ng altar.?" Sabi ko saka itinuro ang altar na kung saan si Brix nakatayo. Tumingin din si mama sa itinuro kung direksiyon.
"Anak , anong nangyari sa'yo? Wala naman ah. Nasapian ka ba ng masamang espiritu ?" Napatayo na din si mama. Nagsalubong na ang kaniyang dalawang kilay. Mukhang napalakas ata yung tinig ni mama dahil lahat ng tao ay lumingon at tumitingin sa akin at nagbubulungan na naman.
BINABASA MO ANG
I'm Coming Mama [ COMPLETED ✔️]
Mystery / Thriller( UNDER EDITING ) Sabrina , a young 16 years old girl loves to visit the kids in the old creepy orphanage. Every kids adore her for being kind to them except this young boy named Brix , who always says " I'M COMING MAMA " that makes Sabrina always t...