Chapter 14

82 15 9
                                    


Andito na ako ngayon sa cementery kasama si mama , sila Justine , aking mga classmates and schoolmates , mga guro at yung mga family and relatives ng mga aking kaibigan. The cemetery was all filled with sadness and mournful cries habang nagsisindi kami ng kandila. Napaiyak na din ako habang niyayakap yung mga kabaong ng aking mga kaibigan.

" Alam kung hindi niyo ako mapapatawad pero sa tamang panahon ay bibigyan ko kayo ng hustisya. "

Napupuno yung cemetery ng kalungkutan. Everything was black except sa mga candles na hinahawakan namin. Pati yung panahon ay sumasabay din  sa kalungkutan dahil ang lakas ng ulan at yung ulap ay sobrang  kapal at ang itim.

Nagsisimula nang nagbibigay ng mga kani-kaniyang speech yung mga family ng mga kaibigan ko at di ko mapigilan ang paglalandas ng aking mga luha sa aking pisngi nang marinig ko yung mga hinanakit nila.

Nang matapos ng nagsalita ang lahat ay naglalakad ako sa harap. They all stared at me . Yung iba ay nagsi-iyakan pa din. Kinuha ko yung microphone at nagsalita.

" Alam ko na magkapareha tayo ng nararamdaman ngayon. Walang ibang damdamin ang nangingibabaw  sa ating puso kundi ang kalungkatan. Masakit na isipin na wala na sila pero alam ko na mabibigyan din ng hustisya ang kanilang pagkamatay. Rest in peace Rhea , Steph , Abby, Cid and Bea. " I said habang isa-isang nilalapitan at tinitingnan yung mga kaibigan ko na nakahiga sa mga kani-kanilang kabaong.

Nang matapos nang ilibing yung mga kaibigan ko ay nagsisimula ng nagsi-alisan yung mga tao pati yung mga pamilya nila.

Kami nalang dito ni mama ang natira sa cemetery. Mom hugged me tight.

" Halika na anak. Uuwi na tayo. "

" Mauna kana ma. Susunod nalang ako." Sagot ko. Mom nodded and left.

Mag-isa na ako ngayon dito sa cemetery. Basang-basa na ako sa ulan pero wala akong pake. Patuloy pa din ako sa pag-iiyak at halos hindi na ako makahinga dahil nga ay nababara na yung ilong ko sa sipon.

Medyo dumidilim na yung paligid . I guess , alas sais na ngayon ng gabi pero wala pa din akong balak na umuwi. Nakarinig na ako ng mga kakaibang tinig pero wala akong pake . Kung mamatay man ako ngayon ay mas mabuti para matapos na ang lahat na ito at para na din mabigyan ng hustisya yung mga kaibigan ko.

Hinihintay ko na may mangyari sa akin pero wala . I looked at the surroundings and I see Brix there standing with a wide creepy smile. Nakasuot ito ng mataas at maputing damit. He slowly walk towards me.

" Hindi na ako natatakot sa'yo Brix. Ano bang kasalanan ko sayo at ginugulo mo ang buhay ko. Ano bang nagawa ko sa'yo ?" I asked at tumawa lang ito sa akin.

" Ano pa  bang kailangan mo sa akin . Ginawa ko na ang lahat ng utos mo. Pinatay ko na ang aking mga kaibigan kapalit ng kaligtasan ni mama . Ano pa bang kailangan mo ?" Naiiyak na tanong ko. He stopped walking . Tumalikod na naman siya sa akin at naglalakad papalayo sa akin.

" Sagutin mo ako , Brix. Huwag kang duwag. Huwag mo akong talikuran . Simula palang noong una ay tinatakot muna ako doon sa orphanage. Pinatay mo pa yung aso ko na si Garlic. Ano ba yung dahilan mo , bakit ginagawa mong miserable ang buhay ko. Bakit inutusan mo akong patayin yung mga kaibigan ko!"Galit na sabi ko. He turn his back at tiningnan ulit ako. Naglalakad na siya patungo  sa akin hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit sa akin.

" Ginawa ko lang ang lahat kung ano ang nararapat. " Malamig na sabi niya.

" Sa tingin mo , karapat-dapat yung ginawa mo ? " Sigaw ko . My tears started flowing down on my cheeks again. Wala na akong pake kung mauubos na yung luha ko sa kakaiyak.

" They were all demons like you. Demons should be killed in order to find peace. " He said in a high pitch. Umakyat lahat ng dugo ko patungo sa aking tainga ng marinig ko ang kaniyang mga pananalita.

" Sa tingin mo , tama yung pagpatay ng mga inosente ?" I said saka ininuyom yung kamao ko. He looked at me. His face became red due to anger. He shouted louder at napatakip ako sa aking tainga.  Pagkatapos niyang sumigaw ng napakalakas ay umiyak na naman siya. Maya-maya, bigla niya akong hinawakan sa leeg. I froze.

I look at her eyes at wala akong nakitang ibang emosyon  kundi ang  galit. Ang lamig din ng kaniyang mga kamay at ang dumi. Ang baho din niya. He smells like blood at parang amoy ng nabubulok na katawan ng isang tao.

Halos hindi na ako makahinga dahil sa higpit ng kaniyang pagkakahawak sa aking leeg. Ang lakas niya kahit bata pa lamang siya.

" Hindi ako duwag , mama. Ikaw yung duwag." Tawa niya . His laugh sounds like  a giggling  3 years old baby. 

" Sa tingin mo din , tama yung pagpatay ng mga inosente ?" Balik niyang tanong sa akin. I was shocked by his sudden outburst.

" Ang bata mo pa , ang sama-sama mo na!" I said while gritting my teeth.

" And so you are , mama." He said . I was taken aback.

" Stop calling me mama . Hindi kita kaano-ano !"

" What did I do to y-you ?" Tanong ko . Halos hindi ko mabanggit yung huling salita dahil nahihirapan ako sa paghinga. He smiled creepily again that gave me goosebump. The cold air started to blow and my skin started to form goose pimples.

" Follow me. Para makita mo kung ano ang ginawa mo ." He said saka binitawan ang aking leeg mula sa pagkakahawak at naglakad papalayo sa akin. I slowly followed him. Nanginginig na yung buong katawan ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Marami kaming nadaanan na mga nitso. I heard many creepy sounds , parang may mga batang umiiyak  , may tinig ng isang matanda na umuubo pero nilakasan ko pa rin yung loob ko at binalewala ang mga tinig na iyon  kahit nanginginig at parang lumalambot na yung tuhod ko.

Huminto ang bata sa harap ng isang puntod. I was shocked nang mapadpad ako sa lugar na ito. Ito yung lugar na ayaw kung balikan sa buong buhay ko. Tiningnan ko kung ano ang pangalan ng namatay at wala iba kundi ang pangalan ng bata na nakatayo sa harapan ko.

__________________________________

ఌ︎  In Loving Memory of

BRIX  XIAN  DEL ROSARIO

✞︎DATE DIED : MARCH 22,2019

✞︎DATE OF BIRTH: MARCH 22,2019

__________________________________


Nang mabasa ko ang pangalan ay bigla akong napaiyak. Mas lalo akong nanlambot. Paulit-ulit ko itong binasa pero tama talaga lahat ng aking nakikita. I stared at him while crying . He cried too.

" Y-you are ...



☾︎༒︎ Rivs_Styler༒︎☽︎



Please don't forget to vote if you like this chapter. Please comment your opinion also. I badly craving for it.  Please share this to your friends also. Lovelots.


I'm Coming Mama [ COMPLETED ✔️]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon