1: Personal Assistant

533 4 0
                                    

Kate POV

He's my boss, I am his P.A. or should I say personal assistant, kailangan niya kasi ng Personal Assistant for his daily needs, etcetera. As I can see, pwede naman ako sa langarin niya kaya nga lang his a politician, pero malayo sa naging course ko ng college.

I applied as a P. A. and I- interview ako agad guess what nakuha ako right away buti di ako nag-ibang bansa.

He has 2 brothers, bale 3 silang magkakapatid. Siya ang panganay sa magkakapatid. Matunog ang pangalan ngunit ayos lamang iyon sa akin.

Wala naman akong pake dun sa dalawa pero parang iba, gwapo rin naman kaso di sakto sa pagtingin ko.

Bumalik ako sa pagtratrabaho at inayos ang mga files na katabi ko, walang reklamo, tuloy-tuloy pa rin ako sa pag asikaso, naalala ko napagkamalan niya akong model nang first day ko dito, halos kumunot ang ulo ko nang pagkamalan niya akong model, siguro maganda masyado ang pagkatingin niya sa akin kaya niya iyon nasabi, napatitig lang siya sa akin then kalaunan is pinasimula na niya ako sa trabaho, swabe ang pagiging boss niya, hindi yung utos nang utos na walang hanganan.

"Can you hand me my jacket?" Sabi niya

"Right away, sir," Kinuha ako ang jacket sa drawer at tinulungan kong makapagsuot siya ng jacket

This is Xander, my boss, congressman nang first district (you know already)

Laoag ang basis niya, First District of Laoag. 

"Ok na po sir" ngiting saad ko nang natapos ko nang ayusin ang neck tie niya

"Thank you, Kate, you're awesome,"

"Gladly I made it, sir,"

"Of course you do," ngumiti lang ako sa kanya

"I have to go, later on paki handa yung mga gagamitin ko for the next meeting"

"Sure sir"

Umalis na yung boss ko, mabait siya at madaling lapitan, madami rin ang ginawa niya sa kanyang bayan lalo na sa mga nangangailangan nang tulong, agad siyang nanjan para tumulong kaya hanga ako sa kanya.

Agad akong naghalungkat nang suotin niya para sa susunod na meeting, nang nakita ko ang polo ay agad ko napagpasyahan na iyon na lamang ang kanyang suotin dahil mas komportable siya nito, medyo formal iyon at ayos lang kung yun ang gagamitin niya.

Ginawa ko na rin lahat ng pinapautos niya at tinapos na, nangangahulugan na ayaw mapagalitan pag bumalik siya.

After lunch pa ang next meeting, maaga natapos ang meeting malamang papunta na iyon dito kaya inayos ko na ang table niya para sakto, habang linilinisan ko ang table niya ay sakto niyang binuksan ang pinto, ngumiti lang ito ngunit may kinakausap

"I need to catch up, ok, ok bye" Sabi niya sa phone

"Damn, exhausted, Kate can you give me water please" Kumuha ako nang tubig at ibinigay sa kanya ang bottled water na Absolute
"Here sir," Agad niyang kinuha ang bottled water sa akin

"Cut that sir, Xander nalang or Sandro." 

Bale siya yung tipo na boss na ayaw sa formal, sa informal niya gusto, even ganun mataas pa rin ang respect ko sa boss ko.

"Ok, Xander."

"That's good" tumango siya at ako itong nahihiya

Siya ang nagbigay nang pangalan na sasabihin ko, wala akong magagawa, karamihan dito ang tawag sa kanya ay "boss" o di kaya "Sir sands o mas kilalang "sandro". Paano eh sobrang simple, saan ka pa hahanap nang boss na ganito kung siya ganito na. Lord pa survive naman dito oh!

Tumahimik nalang ako baka ano pa masabi ko.

Eto lang naman ako simple pero sa ganung itsura mapapawow ka nalang

Crush ko ba ito o delusions lang? Hirap kasi sa panahon ngayon kunting kibo parang ang hirap hulaan.

Napaka assuming ko naman, sino ba ako sa kanya eh empleyado lang naman tingin niya sa akin.

Ano ba sa tingin niyo?

Kung ako, hindi, hindi ko crush yan

Eh sana nga hindi ka ma-fall sa kanya self, mahirap na 🤭

Sa taas pa nga nang boss ko kaya malabo, may nababasa rin ako sa mga pocketbooks pero alam ko naman na fictional lahat yun eh.

A/N: I added scenes here. Enjoy reading.


























































































I accidentally in love with a politician (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon