End of Flashback
Yun ang mga nangyari na ayaw ko na muling alahanin
Masakit kaso sinusubukan tumayo
Labis na pighati ang nararamdaman ko sa tuwing naalala ko siya
Pakiramdam ko mag-isa na lang ako
Walang karamay, Walang kasama
Natutunan kong bigyang pagmamahal ang sarili kaso Di pa ako buo
Isang pagkakamali ang naging desisyon ko at yun ay ang mahalin siya
Masakit sa loob-looban ko, di naging madali, pinalipas ko ito at itinuon nalang ang pansin sa mga requirements
Napasa ko na rin ang bar exam ko at oath taking na namin ngayon
Abogada na ako
Kakatapos ang oath taking namin ay agad kaming dumiretso sa isang restaurant para icelebrate ang araw na ito
Ngunit di ko akalain na nandito pala si Sandro
"Congratulations Atty." Sabi ni Vinny
"Congratulations din Ate este Attorney" sabi ni Simon
"Congratulations Atty. Kate" Sabi ni Sandro
"Congratulations hija" sabi ni tita at tito
"Salamat po sa inyong lahat, kain na po tayong lahat"
Kumakain na kami at biglang napatanong si tita liza
"Hija, ano na plano mo ngayon?" Tanong niya
"Babalik na po ako sa ilocos, may aasikasuhin lang po ako doon"
"Ano iyon?" Tanong ni Simon
"Mga papeles lang po" Sabi ko
"Ganun ba? O sige sabay ka nalang sa amin pauwi" sabi ni tito
"Sige po tito"
Tahimik si Sandro at si Vinny
Binuksan ko ang cellphone ko
Nakita kong nag chat si Sandro
Conversation:
Sandro: Musta?
Hindi ako nagreply
Sandro: Still Mad?
Sandro: Sorry
Sandro: Talk to me KateBinaba ko na yung phone ko
"Mauna na po ako, may gagawin pa po kasi ako" pagpapaalam ko sa kanila
"Ihatid na kita" Sabi ni Sandro
"Wag na Sandro kaya ko na sarili ko"
"Hindi Ihahatid na kita"
"Wag na Sandro, kaya ko mag-isa"
Kaya ko mag-isa na wala ka
BINABASA MO ANG
I accidentally in love with a politician (COMPLETED)
FanfictionWhen I met him, it was unexpected, he was a politician while I was still at the senior high-grade level, I chose not to come closer to him but this was just an accident, Laoag and La union, far but destined together. "I will never be in love with a...