Chapter 135: Tears

66 6 0
                                    

Lhezandra Pov:

Kinuha ko na ang gift ibibigay ko na Kay Dave bago magsisayawan.

Pansin namin na nagmamadaling umalis mom ni Dave na parang may urgent na pupuntahan.

"Oh Lhezandra? What are you waiting for? Hanapin mo na si Boyfie mo wala na ung dragon haha!" Usap ni Gael.

Napakamot ako sa batok.

"Cge na Liza. Baka nasa taas. Hanap well haha!" Natatawang usap ni Mawi.

"Gusto mo samahan Kita Miss bestie.. AW!"

Pft! Binatukan kasi ni Gael.

"Maninira ka na naman ng moment!" Tudyo ni Gael.

"Go.. Lheza..u can do it" Cheer up ni Kenly na mas nagpalakas ng loob ko.

Napangiti ako.

Dugdug

Inhale! Exhale!

Di ko na pinansin ang mga tao sa paligid.

Dahan2x akong umakyat ng stairs para hanapin si Dave.

Dugdug
Dugdug

Sana magustuhan ni Dave regalo ko.

Inhale! Exhale!

Inilinga ko ang paningin ko sa paligid.

Ang Ganda dito! Ang lawak! Tsaka halatang mga mamahalin ang mga gamit dito.

'Nasan kaya si Dave?'

Dugdug
Dugdug

Tinitignan ko bawat part ng Lugar baga Makita ko Si Dave.

Dug dugdug

"Wahh! He's so handsome!"
"OMG!! I hope he like our gifts!"
"Ofcourse girl!"

Napalingon ako sa nag uusap.

Galing sa kanang part it means nandun sya.

Mabilis na akong tumungo roon.

Inhale! Exhale!

Napangiti ako ng tuluyan ko ng makita. Meron pa syang kausap sa cp.

"Da..."

"ZACK!!!"

Naudlot ang pagtawag ko ng Makita ko Si Himarih na lumapit.

Para akong napako sa kinatatayuan ko.

Dugdug

Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.

"Oh? Himarih" Usap ni Dave tsaka binaba na ang cp..

"Happy birthday Zack!"
Napaiwas ako ng tingin ng muling mag beso si Himarih sa kanya.

Dugdug

"U don't have to do it every time we see each other"

Nabuhayan ako ng loob sa narinig mula Kay Dave.

"Sorry Zack"

Muli ko silang tinignan.

"Here Zack! My gift for you!"

Binuksan na iyon ni Dave.

Wala sa sariling nangilid mga luha ko ng Makita ang gift ni Himarih.

It's penguin stuffed toy too.

"Oh! You still remember it?"

Napahigpit ang hawak ko sa paperbag at naitago sa likuran.

Dugdug

Book 2 (WTCHMTSG): When The Campus Hearthrobs Fall In love with the simple girlsWhere stories live. Discover now