Chapter 173: Secretly Jealous

54 8 0
                                    

Cleress Xiashin Pov:

Hanggang ngayon di parin ako maka get over sa nangyari kanina. Natatakot ako baka ano nang Iniisip nung Lolo ni Azhi samin kasi naabutan kami doon.

'The party is about to start what else are you doing here?'

'Keiyen! Your muse is already waiting for you, Why won't you go with her?'

Kapag naiisip ko iyong mag salita di ko parin maiwasang manginig. Bawat lumalabas sa bibig nun ay puno ng authority.

Para lang Yung nababasa ko sa Wattpad. Pero Iba parin talaga kapag totoo na, mas nakakatakot.

Inisa-isa kaming tignan ng Lolo ni Azhi kanina. Para bang may kakaibang kahulugan yung tingin nayon. Para bang Iba na Iniisip samin.

Baka nag ooverthink lang ako. Pero di naman yun matanggal sakin lalo na at alam ko na wala dapat kami sa sitwasyon na ganon. Buti nalang talaga dumating sina baby Aya at Ace kanina kaya naibsan ang kaba na nararamdaman ko.

"Cler?"

Nabalik ako sa ulirat at napalingon sa partner ko.

"Are u ok?"

Nagpilit akong ngiti at napatango2x.

Dinig na dinig ko na Ang love songs mula sa loob.

Nag sisipasukan na ang iba for 4th year event lng naman ito. Kasu nasa hulihan kami.
May pa special entrance din kasi ang mga hearthrobs pero dahil sa kami ang mga partner nila kaya kasama na kami. Pero sina Azhi talaga at Zandy ang main couple of the event kaya nasa pinakalast sila para solo nila ang floor haha!

Ang pinakaunang pumasok ung mga guests. Family ni Azhi.

Huminga ako ng malalim. Ang ganda2x ng paligid parang nasa fantasy ako ngayon! Well organized and sa mala kingdom talaga ang theme.

Napatingin ako sa gown ko. Ang Ganda! Ang sarap sa pakiramdam na mag mukhang Prinsesa dahil sa suot.

Ito na ung pangarap ko. Pero parang kulang..

Wala sa sariling napalingon ako sa likuran ko di kalayuan.

Nakangiting kumaway sakin si Zandy kaya napangiti din ako.

Ang ganda2x nya! Subra2x!

Nakawhite long gown sya ngayon. Nakaayos ang buhok at merong suot na crown. Para talaga syang isang tunay na Princess.

Napalingon ako sa tabi nito

Ang perfect nya.. May crown for Prince narin pala syang suot. Ngayon ko lang rin napansin na meron na pala xang suot na white gloves. Para syang isang tunay na Prinsipe kung saan kapartner na nya ang tunay na Prinsesa.

Nakakapit na si Zandy sa braso ni Azhi.

Para akong totoong nasa fantasy. Dahil para Ako ngayong may kaharap na totoong Prinsesa at Prinsipe.

Bagay na bagay sa kanya ang pagiging Prinsipe. Bagay na bagay...sila ..

Merong gumuhit ng kunting kirot sa puso ko.

'I love you' He mouthed na naintindihan ko naman.

Napalaki ang mga mata ko at mas lalong bumilis tibok ng puso ko.

Mabilis kong naibalik sa unahan ang tingin ko

'Bat mo Yun naintindihan self!?'

Napakagat ako sa labi para pigilan ang pag ngiti.

Woy! Di ako kinikilig nuh!

Malapit na birthday ni Azhi. After birthday ni YaGael sa kanya na kaya excited ako na kinakabahan!

Book 2 (WTCHMTSG): When The Campus Hearthrobs Fall In love with the simple girlsWhere stories live. Discover now