Chapter 191: Suffering

80 6 0
                                    

Cleress Xiashin Pov:

"~Blurppp! *Cough! Cough!*~"

Naalimpungatan ako ng may bumuhos na napakalamig na likido sa ulo ko.

Napapungaspungas ako. Namalayan ko na nakahiga ako sa matigas at malamig na bagay. Di ko alam kung ilang Oras na ako nakahiga dito. Sinubukan kong ikilos ang sarili pero di ako makagalaw, ang sakit din ng katawan ko, nanghihina ako. Parang wala nang anumang lakas ang natitira sa katawan ko. Subrang hapdi din sa may parteng ulo ko.

Wala akong makita dahil may nakatakip sa mga mata ko kaya di ko maidilat ang aking mga mata. Di ko rin maigalaw ang mga kamay ko dahil nakatali sa likuran ko, at di rin ako makasigaw dahil meron ding nakasiksik na bagay sa bibig ko.

"Hmpff!!!" Pilit na sigaw at pagpumiglas ko habang patuloy nangingilid na mga luha ko.

Tulungan nyo ako please!!

"HAHAHA! OH! Gising na toh! Panu ba Yan? Dito na ba natin Yan tutuluyan?"

"Wag muna mapapakinabangan pa natin Yan mamaya"

"Gusto ko Yan naiisip mo haha!"

Mas lalong nagsitindigan ang mga balahibo ko sa narinig na nag uusap na mga lalaki na di ko kilala ang mga boses.

Natatakot na ako ng subra.

'Azhi! Tulungan mo ako!'
'Kuya!!! Mama!'

Mas lalo akong napahagulgol ng iyak.

Ngayon lang ako natakot ng ganito sa buong buhay ko.

Jusq tulungan nyo po ako please!!!

"Hmppfff!!!" Pilit na sigaw ko para makahingi ng tulong.

"Hoy! Tumigil ka Jan!!"

*Boghhs!*

Napadaing ako ng maramdaman na may bagay na tumama sa tiyan ko na naging sanhi para mamilipit muli ako sa sakit.

Ang sakit! Nakapanghihina ang sakit!

'Azhi!!!'

Wala na akong lakas.

Mas lalo akong napahagulgol nang maalala ang nangyari.

🔆FLASH BACK 🔙

Habang papunta ako sa likuran ng building. Nanginginig ang mga kamay ko na kinuha ang cellphone ko.

Kinakabahan ako.
________________________________________________
To: Bestie 😘
'Besh kina Mawi ka muna matulog ngayon. Sorry po talaga . Sinundo kasi ako ni kuya. Emergency lang po. Sinabihan ko na si Mawi. Love you 😘😘'
________________________________________________

Bumagsak ang mga luha ko sa di malamang dahilan.

Di ko alam kung anong mangyayari. Pero gagawin ko ang lahat para mabawi iyon.

Natatakot ako.

I-cocontact ko sana si Azhi pero muli kong naalala ung text message.

_______________________________________________
From: UNKNOWN

( 'If you still want to get your necklace back, Let's meet at the back of IT building at exactly 6 pm. Never let others know about it! You should come alone or else you will regret!' )

(' Try to let anyone know about everything, Especially Prince. I will destroy your most treasured necklace!')

Napatingin nalang ako sa gallery kung saan bumungad sakin ang picture ni Azhi na nakangiti.

Maingat kong hinaplos ang mukha nito sa litrato pero parang may sariling buhay ang luha ko na pumatak mismo sa screen.

Pinahid ko na ang mga luha ko at inayos ang sarili.

Book 2 (WTCHMTSG): When The Campus Hearthrobs Fall In love with the simple girlsWhere stories live. Discover now