Chapter 165: Thoughtful & Caring BF

66 7 0
                                    

Cleress Xiashin Pov:

Grvi naman pati si Besh dinamay ni Alixia!

Dapat ba akong maawa o mas lalong mainis sa kanya?!

Napatitig muli ako sa kuwentas bago isinilid sa blazer ko.

Kay Alixia ata Yun. Isasauli ko na lang sa kanya pag nagkita kami.

Kumuha ako ng baby wipes sa bag ko tsaka pinahiran ang mga luha ko na halos natuyo na sa pisngi ko.

Muli akong napasandal sa pader.

I sighed.

"Baby?!"

Napalaki ang mga mata ko at napalingon sa direksyon. Mas lalong kumabog ng mabilis ang puso ko.

Halata ang gulat sa mga mata nito ng mapagmasdan ako.

Luh! Nandito sya?

Naka complete uniform ito, kumikinang pa ang pawis sa makinis at mapuputi niyang balat kaya halatang kagagaling lang sa practice. Pati ang buhok nito ay basang basa na parang kagagaling lang sa pagligo.

Pero teka. May aircon dun bat naman sya pagpapawisan ng subra? Tumatakbo ba sila sa practice nila?

"What happened?"

Nabalik ako sa ulirat at natigil sa pag-iisip ng mabilis na pala itong nakalapit.

Napalunok ako ng mabilis ako nitong kinabig at niyakap.

Amoy na Amoy ko na lalo ang napakagarang pabango nito.

'Pero pano nya ko nahanap dito? Bakit sya nandito?'

"Baby what happened?!!" Muling ulit nito sa tanong na kinulong na ang mukha ko sa mga palad nito.

"A-ano po k-kasi.."

"Why are you crying?! Who made you cry?!" Seryusong tanong nito habang sinusuri ako.

"A-Ah h-hindi ano po.."

"Tell me! Who made you cry!? Don't wait for me to find out in my own way, I don't know what I can do to anyone who does this to you!"

Mas lalo akong kinilabutan. Lalo na ng Makita na nakakuyom na ang mga kamao nito at halata ang galit sa boses.

Parang bumabalik ung kinakatakutan ng lahat na Prince Ashler Kei Lee.

Dala ng takot para na akong nawalan ng boses.

Napalaki ang mga mata ko ng akma na itong tatawag sa kung sino. Mabilis ko itong hinawakan sa braso para pigilan.

"H-indi Azhi w-wala pong nangyari!" Mabilis nang usap ko dahil lagi nyang pinuputol sasabihin ko.

Buti nalang talaga may lumabas nang mga salita sa bibig ko.

Dugdug
Dugdug

Seryuso itong lumingon sakin.

"Don't try to lie to me just to cover up whoever hurt you Shayne!" Seryusong usap nito.

Napasimangot na ako.

'Ano kala nya sakin sinungaling?!!'

"W-wala naman po talagang nangyari eh. May tinulungan lang po ako kanina na umiiyak" Nakayuko nang usap ko habang nanatiling nakahawak sa braso nito.

"W-What did you say?"

Naramdaman ko ang paghawak nito sa mga kamay ko na nakahawak sa braso nito at dahan dahan tinanggal sa pagkakakapit ko sa braso nito tsaka hinawakan.

"Nag comfort l-lang po ako" Muling usap ko na nanatili paring nakayuko.

Ayuko nang sabihin ang mga nalaman ko tungkol sa panloloko na ginawa ni Alixia kay bestie. Marami nang inaasiko si Azhi dadagdag pa ba ako? Tsaka labas naman dun si Azhi.

Book 2 (WTCHMTSG): When The Campus Hearthrobs Fall In love with the simple girlsWhere stories live. Discover now