Chapter 152: Comparison

69 9 0
                                    

Lhezandra Feign Pov:

"Besh ok ka lang?" Maya't maya'ng tanong ko ki besh di kasi masyadong kumikibo di tulad nung dati na pag sama sama kaming tatlo puro kalukuhan lng.

Napatango lang si Besh at pilit ngumiti.

Nandito kami sa V mall, bibili kasi si Besh ng mga dadalhin nyang food's and drinks para sa pag visit nila sa ALIC museum. Next week kami naman.

"Ano ba kasing nangyari Jan?" Bulong ni Mawi.

Napalingon ako Kay besh na busy na pag pili ng mga bibilhin.

"Huh? Ewan ko nga rin eh.. Di naman nag kukuwento" Nakasimangot na tugon ko.

Mabilis naglakad patungo sa direksyon ni Besh si Mawi. No choice akong napasunod.

"Hoy Clarissa, Anung nangyari?" Taas ng isang kilay ni Mawi.

"Huh? Anong nangyari na ano?" Walang ganang tugon ni besh.

"Himala ata di sumama si Prince ngayon" Pranka na usap ni Mawi.

Oo kadalasan kasi laging sumasama si Prince pwera na Lang kung girl's mingle. Pero di lng nagpapahalata na kilala kami para sa kaligtasan ni besh syempre. Nasa di kalayuan lang nagmamasid at pasimpleng kukunin mga pinamili ni besh.

Ang sweet tlga ni Prince. Pero ngayun ano kayang nangyari?

"Oo ngà besh!' sigunda ko rin
"Huh? Ano busy ata.." Usap ni besh at nag focus lng sa pagkuha ng mga biscuits.

"Anong ata? Bakit di ba nagsabi sayo?" Pangungusisa ni Mawi.

"Yaan mo na Yun, tsaka di naman Yun nakaparamdam kahapon pa" Nakangiting usap ni besh pero halata ko ang kalungkutan sa mga mata nito.

"Bakit nag away ba kayo? Hoy Clarissa anong nangyari?"

"Teka besh, Dahil ba Kay Lance Clyde?" Gulat na tanong ko.

Oo nung time na nag pasama ako Kay besh sa mall sakto daw magkikita sila ni Lance Clyde.

"Baka naman kasi di ka nagpaalam Kay Prince" Usap ni Mawi.

Napayuko lang si Besh.

"Hala! Besh.." Hinawakan ko na si Besh sa braso."Ok ka lng?" Muling tanong ko.

"Oo anu ka ba haha! Yaan mo na Yun" Pilit na tawa ni besh.

"Clarissa naman kasi bat di mo sinabi? Hay naku! di ka na single Clarissa tandaan mo may jowa ka na, kaya dapat ingat ka na sa mga kilos mo. Tsaka aware ka naman na may gusto sayo si Lance diba?" Pawang panenermon ni Mawi Kay besh.

Walang naging sagot si Besh nanatili lang itong nakayuko.

"Ang swerte mo nga Clarissa understanding ang Bf mo. Sya nga bawat lakad pinapaalam sayo tapos ikaw Basta Basta ka nlng nagdedesisyon khit wala syang alam" Pagpapatuloy pa ni Mawi.

"M-awi.." Pigil ko na habang nakahawak na ako sa kamay ni besh.

"Hindi kasi, ang akin lng dapat alalahanin mo rin mararamdaman nya Clarissa hindi yung puro lng sarili mong kasiyahan o sa ikasasaya ng Iba ang inaalala mo. Diba magaling kang mag advice?.."

"Alam ko naman Mawi ehh.. Dap-at tlga pinaalam ko muna" Namamaos na tugon ni besh.

Halata ko na ang pamumula ng pisngi nito.

"Clarissa hindi sa sinisisi kita ah, pero dapat alam mo Iba na ang kilos ng single sa taken, hindi laro ang pakikipagrelasyon Clarissa. Dapat kung papasok ka Jan siguraduhin mo muna na handa ka na" Pagpapakahulugan ni Mawi.

"So-rry" tanging lumabas sa bibig ni besh.

"Wala namang ginagawang masama si Besh Mawi..Tsaka di nya naman Yun sinadya na di ipaalam Kay Prince lahat" Usap ko.

Book 2 (WTCHMTSG): When The Campus Hearthrobs Fall In love with the simple girlsWhere stories live. Discover now