One
KINAGABIHAN ay naligo ako, nauna na si Hanzo naligo kanina, nang matapos ako hinanap ko ang blower na hawak pala nito. Napasimangot ako dahil medyo dry na ang buhok nito panay blower parin! Ang tagal!
"Ako naman."
Sumulyap ito sa akin at ngumisi, at itinaas ang blower dahil nangunot ang noo ko. Ginagago niya ba ako?
"Abutin mo muna," nang aasar niyang sabi, sa tangkad niya ni pag tip toe ko ay hindi ko ito maabot lalo na't napakatangkad nito! Sinumpong na naman ng kabaliwan ang lalaking 'to! Bwesit talaga!
"Ano ba, aapakan kita kapag hindi mo ibigay yan." Inis kong sabi, tumawa naman ito at hinawakan ang bewang ko, nagulat ako doon hindi pa ako nakabawi ng buhatin ako nito ng isang kamay lamang at itaas ako upang maabot ko ang blower sa kamay nito.
Ngunit hindi nasa blower ang atensyon ko kundi dito, gulat ako, nakatingin sa mukha nito, mukhang napansin nito na hindi ko inaabot ang blower ay tumingin ito sa akin dahilan na mag tama ang mga mata namin.
Parang sinasaniban ako ng kung ano at nag sitayuan ang mga balihibo ko, parang tangang dumagundong ang puso ko, mabibingi ako. Ilang beses pa kaming napakurap, hindi nakabawi sa kapit ng mga mukha namin, kahit mga hininga ko ay tinatamad sa mukha nito. Nararamdaman ko rin ang pagtulo ng buhok ko sa likuran ng damit ko.
"A-Ang p-pangit mo..." sabi ko para iwasan ang titig nito at mabilis na inabot ang blower at bumababa sa pagkahahawak nito. Hindi parin makagalaw si Hanzo, hindi makabawi. Nag iwas ako tingin at hindi ko magawang mag blower sa buhok dahil nanginginig ang kamay ko, animo'y nangangatal ang buong kalamnan ko.
Napansin iyon ni Hanzo, tahimik itong lumapit, nakatinginan pa kami sa salamin, sabay pa kaming nag iwas tingin. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, nanginginig ako at kinakabahan pero hindi ko alam kong para saan at sa ano.
"A-Ako na." Tulad ko nanginginig rin ang boses nito ngunit tumikhim ito parang inayos ang lalamunan, hinayaan ko ito at kinuha nito ang blower sa kamay ko, nasagi pa nito ang balat ko, parang kung anong kuryenteng dumaloy doon dahilan na mapalunok ako.
Ayokong tumingin sa salamin, ayoko makita ang mats nito, ayoko makita ang itsura nito. O kahit anong reaksyon dahil kinakabahan ako. Sa unang pagkakataon ay hindi ko alam ang nararamdaman at hindi na ako sigurado kong ano na 'to.
Kahit anong pilit ko ay sumilip ako sa salamin, nakatingin ito sa akin ng mataimtim, habang nag blo-blower sa basa kong buhok. Napalunok ako muli dahil nararamdaman ko ang paghaplos nito sa buhok ko. Ramdam na ramdam mo sa bawat balat ng anit at buhok ko.
Fuck! What's happening to me?!
"T-Tama na 'yan. It's dry already. Tulog na tay-ako." Tayo sana ang sasabihin ko kaso parang ang awkward naman.
Sabay pa kaming lumundag sa kama, at tama si Hanzo napakaliit ko halos si Hanzo ang mag ayaw ng kalahati ng kama, parang bata ang katabi nito. Jusme, ang liit ko pala!
Para kaming baring dalawa nakahiga sa kama, nipaghinga lang nag naririnig ko, walang gumagalaw, straight na straight ang paghiga. Napaka-awkward ng katahimikan, pinilit kong pumikit at tumalikod rito, sinubukan kong matulog at itulog ang sarili.
Naramdaman ko ang paggalaw ng katabi ko, sa gulat ko ay yumakap ang braso nito sa bewang ko at hinala ako kunti palapit dito. He even move the comforter up to cover me, hugging me under the blanket. Pinilit kong hindi umigtad ng bumuga ito ng hininga sa batok ko.

YOU ARE READING
Bed Clash
General FictionKassandra and Hanzo been enemies since highschool. Kassandra being a transferee while Hanzo being the cool guy of the campus, she somehow grow a hate to the guy. She got bullied a lot because of her small height, but Hanzo would save her and silentl...