Six
“Welcome po.” Agad na bati sa amin ng ilang staff, nakita ko rin ang isang istudyante doon na tulad ko ay nag aaral sa VSU. May mga nakikilala ako pero mga mukha lamang hindi ang mga pangalan nila. Given naman ‘yon kasi nag aaral ako d’on.“Hala ikaw si Hanzo diba? Anak ni Madam Lusile, tama?” Kumpirma ng isang staff doon, tumango naman si Hanzo at mabait na ngumiti. Lihim ako umingos. Psh. Kunyari mabait. Tsk.
“Girlfriend mo?” Tanong nito na kinalaki ng mga maya ko, agad kong itinaas ang kamay sa at mabilis na umiling.
“Hindi niya ho ako girlfriend.” Agad na depensa ko, napakurap nalang ito at tumango.
“Nga pala nabanggit na ba ni Mama na dito mag tra-trabaho si Kassandra?” Tanong ni Hanzo upang maiba ang usapan, mabuti nalang ay inawa nito baka maging awkward pa.
“Ikaw na ba ‘yon?” Tanong nito at tumingin pa sa akin, magalang naman akong tumango. Mabilis naman kami nitong iginiya kung saan at ano ang mga gagawin ko. Mabilis Naman akong naruto lalo na’t nag tra-trabaho na ako noon sa Javier ng mga tulad nito bilang side line.
“Bukas ka nalang mag simula, medyo late na. Maiintindihan ko naman lalo na’t college student kana.” Anito, nalaman kong Greta ang pangalan nito, ito rin ang pinaka-manager sa café. Tumango naman ako, kung iisipin ay may ilang taon lang itong agway ito sa edad ko. Hindi ko tuloy naiwasan mag Tanong kung nag aaral pa ba ito o hindi.
“Nag aaral pa ho ba kayo?” Umiling naman ito, “tapos na ako, nag hihintay ako sa taonang exam para sa Lisensya ko.” Nanlaki naman ang mata ko, makapagtapos na ‘to ang galing!
Kung ikukumpara si Greta sa unang fresh graduate diyan ay iba ito, imbis na mag pahinga ito pagkatapos ng mahabang college life ay nag trabaho ito para may pera na bago pa mahanap ang taonang exam para sa license niya.
Iba rin itong si Greta, hindi napapagod. I hope future me would be like her, will not get tired on everything I hold and dream of.
NANG MAKAUWI sa bahay ay, pagod na umupo sa sofa si Hanzo at nakabuka pa ang dalawang paa nito at ganon din ang mga kamay nito, at parang pagod na nakasandal sa sofa. He groaned loudly, I just ignored him to cook dinner.
Simple lang ang niluto ko, iyon ang Pasiw na manok.
Masagana naman kumain si Hanzo animo’y ilang buwan hindi nakakain, kulang nalang ay mabulunan ito sa bilis ng pagkain nito.
“Magdahan dahan ka nga.” Saway ko rito, napatingin naman ito sa akin at ngumiti lang bilang paumanhin.
“Ang sarap mo talaga mag luto Kassandra! Pwedi kana mag asawa!” Anito, nalukot ang mukha ko. Kapag masarap ba mag luto pwede na agad mag asawa?
Sa panahon ngayon dapat ‘marami na ang pera mo Kassandra! Pwedi kana mag asawa!’ Dapat ganon na, hindi lang yung puro luto na masarap.
Mindset dapat bago.
Tulad ng ginawa namin ni Hanzo ay, maghugas ng sariling kinainan (pinggan). Ako naman ang nauna kaya umakyat na ako sa kwarto at napag-desisyonan kong mag half bath lalo na’t on mood ako.
Nang makatapos naman ay nadatnan kong naka-indian sit itong si Hanzo sa kama, walang sariling napatingin ito sa akin ng makitang akong nakalabas. Pinupunasan ko rin ang ilang hibla ng buhok kong saan nabasa kanina.
“Arat netflix and chill.” Hindi pa naman ako inaantok kaya inanyayahan ko na lamang ang gusto nitong ni Hanzo. Mag pupuyat na parang walang trabaho bukas. Weekend naman bukas wala rin nabanggit si Maam na papasok kami mabuti nalang ay wala dahil simula na bukas ng trabaho ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/307032184-288-k152595.jpg)
YOU ARE READING
Bed Clash
General FictionKassandra and Hanzo been enemies since highschool. Kassandra being a transferee while Hanzo being the cool guy of the campus, she somehow grow a hate to the guy. She got bullied a lot because of her small height, but Hanzo would save her and silentl...