Eight
Awkward.
That’s how I describe our atmosphere, halos walang tumitingin sa mata ng isa’t isa. Nothing happened that night, sa totoo ay muntikan lang. Ngayon ay kapwa kaming parang tangang hindi makatingin sa isa’t isa. Ang tahimik ng buong kusina, ayokong mag salita dahil sa kahihiyan. Imagine I kissed him back, we were both wild that night, kulang nalang maghubaran kami. I mean, naka-bra nalang ako bago naming marealize nasa ayon na.
Isa iyon ang masasabi kong what the fuck moments sa buhay ko.
Punyeta nakakahiya! Kung kumain lang ang lupa aba’t kanina pa ako nag pakain sa lupa. Umalingawngaw ang tunog ng pagkahulog ng kutsara, napatingin ako doon, ganon rin siguro si Hanzo lalo na’t iyon lang ang nag inggay sa buong kusina sa sobrang awkward.
Agad akong yumuko para kunin ang kutsarang nahulog, ngunit para akong nakuryente ng magdikit ang balat namin ni Hanzo halos sabay pa kaming dalawa napatingin sa isa’t isa. Agad akong tumayo at napahimas sa batok at umiwas ng tingin dito bago sumipol bilang palusot.
Tangina.
Dali dali akong umalis sa kusina, bahala na hindi na Lang ako kakain baka mamamatay pa ako sa kahihiyan. Nakakahiya talaga. Nang makarating ako sa kwarto ay walang sariling kong pinaypayan ang sariling mukha. Umiinit na ang mukha ko, putangina.
“Laplap pa Kassandra.” Pamaktol ko sa sarili, I groaned and stump my feet in frustration. Putanginang buhay ‘to! Puro landi ang alam! Anong mukha nalang ang ihaharap ko kay Hanzo?! My god!
Humiga na lamang ako sa kama ngunit hindi pa nag limang minuto ay nagreklamo na Ang tiyan ko sa gutom. Napanlabi ako at napaiyak ng parang batang dahil sa inis.
“Ah! Yawa! Huhuhuhu! Putanginang landi!” Iyak iyak ko pang Sabi bago napilitan na bumango dahil sa gutom at pumuntang kusina kung saan nadatnan ko si Hanzo na nag aayos ng mga naka-jar na kung ano ano na makikita mo sa kusina tulad ng asukal at iba pa.
Nangunot ang noo ko dahil inilagay nito ang mga bagay na iyon sa pinakatuktok kung saan hindi ko abot.
Nakalimutan ba ni Hanzo na pandak ako? Hayop ang gago.
“Hoy! Ginagawa mo?! Hindi ko maabot iyan ibalik mo.” Sita ko rito, napatingin naman ito sa akin mukhang batang nagtatampo, tinignan ako nito na nakanguso bago iniwas ang paningin nito sa akin. Aba.
“Iyon na nga, para ka humingi ng tulong sa akin mamaya…” Pahinang sabi nito, wala akong maintindihan sa bulong bulong nito. Nasisiraan na ba siya ng ulo?
“Nananadya kaba Hanzo? Alam mong hindi ko maabot iyan, tapos inilagay mo pa sa tuktok.” Naiinis kong sabi, mas humaba ang nguso nito sa akin. Aba! Mukha siyang pato!
“Edi humingi ka ng tulong sa akin.” Ani nito parang ang kapal naman ng mukha ko. Nakakahiya na nga ang nangyari kagabi tapos may mukha pa ba akong ihaharap rito. Baliw ba siya?!
Mas lalong nagkasalubong ang kilay ko dahil sa sinabi nito. Hindi ba nito mapansin na hiyang hiya na ako sa nangyari tapos hihingi pa ako ng tulong rito? Aba ang kapal ko naman masyado! Kung dati ang kapal ng mukha ko ay nasa dictionary lang ngayon ay magmumukha pang encyclopedia sa pinagsasabi ng isang 'to.

YOU ARE READING
Bed Clash
Ficción GeneralKassandra and Hanzo been enemies since highschool. Kassandra being a transferee while Hanzo being the cool guy of the campus, she somehow grow a hate to the guy. She got bullied a lot because of her small height, but Hanzo would save her and silentl...