Thirteen
“Si De Luna pala 'yung Mr. Tolosa sa BM department?” Sabi ng isa kong kaklase, kasalukuyan kasing break namin kaya ito nag chika-chika muna upang magpalipas ng oras. Narito kami sa canteen, kumakain. Napatingin ako room sa kaklase ko, hindi ko alam iyon na Mr. Tolosa candidate pala itong si Hanzo. Siya lang naman ang kilalang famous na De Luna sa school at sa Business Management department.
“Yung taga-sundo ni Kassie?” Nagtatakang tanong ni Jonnabelle isang ka-block mate ko. Tumango naman ang kaklase kong nag simula ng topic. Lahat naman ay napatingin sa akin.
“Oh, anong ginawa ko?” Turo ko sa sarili. Nagkibit balikat lang ang ilan sa naging tanong ko. Hindi ko alam kung saan pupulutin ang usapang ito pero sana naman ay hindi nito pag-usapan ang tungkol sa amin wala ako sa mood para sumagot.
“Matalino daw iyon, diba Kass?” Tanong ng kaklase sa akin, tumango na lamang ako. Kahit naman naiinis ako sa lalaking iyon, hindi ko parin makakailang gwapo at matalino ito. Pasok na pasok ito sa pageant standards. Ewan ko lang sa IT department kong anong meron.
“Sino representative dito sa'tin?” Tatakang tanong ko, ang alam kong hindi sa section namin. Agad naman si Paul ang naunang sumagot.
“Haidee at si Jacob.” Pwede na. Lintaya ng isip ko, tumango tango naman ako sa sagot nito. Attractive naman sila, kilala ring matalino. Medyo kilala ang dalawang iyon sa department tsaka sa mga ibang department din. Napakagat na lamang ako ng pagkain sa harapan kon ng biglang sumulpot si Hanzo sa mga mata ko dahil mapaubo ako at mabulunan.
Agad naman nataranta sina Paul at hinampas-hampas pa ang likod ko. Binigyan agad ako ng tubig, ng mainom ay agad ako nakahinga ng maluwag. Nahuli kong nakatingin si Hanzo sa deriksyon ko kung saan kasama nito ang mga kaklase nito siguro.
Ako na ang unang nag-iwas ng tingin sa aming dalawa. Kinakabahan naman ako baka may makapansin sa titug ni Hanzo, napakasama non, walang sariling napatingin ako kay Paul siyang katabi ko. Napangiwi ako dahil panigurado nambabakod na naman ang lalaking 'to. Mapang-angkin akala mo may label.
Pambihira naman o.
Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko sa lamesa kaya kinuha ko iyon. Napakurap naman akong si Hanzo iyon tumatawag. Sumilip pa ako rito kung nasaan mariin itong nakatingin sa akin.
'Answer it.' He mouthed. Napalunok naman ako at sinagot iyon ngunit hindi na ni-loud speaker. Nakatingin ako rito habang sinagot iyon, ganon din ito.
“Can I punch him?” He asked making me confused. Hindi ko alam kong saan ito galit pero alam ko kung sino ang tinutukoy nito. Alam kong si Paul iyon. Nako naman, tahimik na umuupo si Paul dito sa tabi ko tapos itong nalalaking 'to makaselos akala mo jowa.
“Problema mo?” Asik ko nang mahina.
“Lumipat ka ng upuan, nandidilim ang paningin ko sa lalaking 'yan.” Walang hiyang amin nito sa akin, aba ang lakas ng loob. Tulad ko ay nag uusap-usap din ang mga kasama nito.
“Alam mo pumikit ka nalang kung nandidilim ang paningin mo. Kung ako ang mandilim ang paningin sa tingin mo saan ka matutulog?” Banta ko dahil matahimik ito sa kabilang linya. Para kaming mga tanga, nasa kabilang lamesa lang ito hindi nalang kami nag usap ng matino. Tsk.
YOU ARE READING
Bed Clash
General FictionKassandra and Hanzo been enemies since highschool. Kassandra being a transferee while Hanzo being the cool guy of the campus, she somehow grow a hate to the guy. She got bullied a lot because of her small height, but Hanzo would save her and silentl...
