𝐔𝐍𝐎: 𝐑𝐄𝐔𝐍𝐈𝐎𝐍

283 25 11
                                    

GWYLYNN POV:

"Mamita, uuwi na po ako ng Pilipinas?" Tanong ko kay lola, natapos kung maupo  dito sa may dining table. Kakain pa lang kami ng breakfast at nakahain sa harap namin ang iba't-ibang putahe tulad ng fried rice, longganisa, scramble eggs at tuyo.

"Oo apo, pinapauwi ka na nang mga magulang at namimiss ka na daw nila. Dito ka na lang daw kasi namamalagi parang ayaw mo na umuwi. Nagtatampo tuloy ang nanay mo. Alam mo naman yun masyadong pikunin" natatawang hayag ni angkong which is lolo ko.

Napangiwi na lang ako dito at nagsimulang magsandok ng fried rice at longganisa habang silang dalawa ni mamita ay nagkakape pa.

"Ehh, angkong ayoko naman umuwi dun kung di kayo kasama. Sino makakasama niyo dito? Mawawalan na po kayo ng magandang apo dito" Sunod-sunod na tanong ko dito. Napanguso na lang ako nung tumawa lang ito.

"Susunod naman kami ni Mamita mo doon, namiss ko na rin mga pinsan mo pati na rin mga anak ko. Ipapa-handle ko na lang muna yung business natin kay Butler Jang at Secretary Han" mahabang ani nito at patuloy sumimsim ng kape.

"Siguraduhin mo po angkong kung hindi magtatampo ako" nakasimangot na ani ko dito. Natawa na lamang ito at ginulo ang buhok ko.

"Oo naman bilisan mo na dyan para makapag-impake ka na ng mga gamit mo dahil mamayang 11:00am na flight mo. Ang alam kasi nang mga magulang mo at pinsan mo ay sunod linggo pa. I-surprise natin sila para magulat yung mga yun". Masayang saad ni Mamita sa akin. Nagpatuloy na kami kumain ng breakfast.

Bago ang lahat magpapakilala muna ako. My name is Gwylynn Amethyst Ashwell anak ng mag-asawang Cynthia Owen-Ashton at Craigh Ashton. Both of my parents are businessman. Isa ang pamilya ko sa top 10 richest in the world. Nagmamay-ari kami ng mga kilalang hotels, restaurants, airlines at car manufacturing company. Dalawa kaming magkapatid then bunso ako tapos ang panganay ay Kuya Blaster. Ako rin ang pinaka-bunso sa aming magpipinsan. Kaya naman over-protective silang lahat sa akin, kung hindi ay yari sila.

Matapos kumain ay umakyat na rin ako para makapagligpit na ng mga gamit. Pinasok ko na sa maleta ko ang ilang mga damit ko pati na rin mga sapatos. Pagdating ko na lang sa Pilipinas ako bibili ng iba pa na kakailanganin ko. Matapos kong magligpit ay naligo na rin ako at nagbihis ng varsity jacket, white shirt and cargo pants pati na rin ang sapatos kong nike air. Pinusod ko na rin ang buhok ko at nag-apply ng lip balm sa labi ko.

 Pinusod ko na rin ang buhok ko at nag-apply ng lip balm sa labi ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
𝐓𝐇𝐄 𝐔𝐍𝐒𝐀𝐍𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍𝐄𝐃Where stories live. Discover now