𝐂𝐈𝐍𝐂𝐎: 𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒

111 10 5
                                    

Today is the first day of school kaya excited akong naghanda para sa pagpasok. Nakaligo na ako at nakapag-bihis na rin kaya bumaba na ako. Nadatnan ko naman si Manang Leng na naghahanda ng almusal.

"Good Morning Nay, nasaan sila Mom and Dad?" tanong ko kay Manang Leng bago naupo.

"Nauna na sila nak, may emergency daw sa company niyo" sagot nito kaya napatango na lang ako at nagsimula ng kumain. Inaaya ko naman si Manang Leng na sabayan akong kumain kaso tapos na daw ito.

Matapos kumain ay ni-ready ko na ang mga kailangan ko at lumabas na. Agad naman akong nakita ni Manong Bert kaya dali-dali na niyang kinuha ang sasakyan.

"Good Morning po Ma'am, ang aga niyo po ata ngayon?" bungad nito sa akin nang makapasok na ako sa sasakyan.

"Ayaw ko po kasi ma-late at tsaka maglilibot muna para di na po ako maligaw" sagot ko dito. Kaya naman pinaandar niya ang makina at umalis na kami.

Saktong 7:30 na nang nakarating  kami, kaya pumasok na ako. By the way, Axviel Morrist University pala ang name nitong school na pinapasukan ko. Based sa sinabi ng pinsan ko, Kilala daw tong univesity hindi lang  dito pati na rin sa international. Mostly mga anak ng kilalang tao ang mga nag-aaral dito pero meron din namang hindi. Ayos na ayos rin ang quality of education nila dito at nag-ooffer din sila ng mga scholarship for some students na hindi kaya ang napakamahal na matrikula dito sa university.

Habang naglalakad sa may school ground, nagulat ako nang may dumamba sa may likuran ko. Kaya nawalan ako ng balanse at natumba. Bumungad sa akin ang mga salarin na kala mo umakyat ng bundok dahil hingal na hingal ang mga ito.

Nilibot ko ang paningin ko at halos lahat ng nandito sa ground ay nakatingin sa amin. Kaya inis kong binalingan ang may gawa nito sa akin.

"Ano bang ginagawa niyo!" mahinang bulyaw ko sa dalawang pinsan ko. Si Ether at Astra lang naman po ang salarin kung bat kami pinagtitinginan.

"Kanina ka pa namin tinatawag pero di mo kami pinapansin" paliwanag sa akin ni Astra at napakamot sa kilay niya.

"Edi dapat kinalabit niyo na lang ako para lingunin ko kayo, nakasunod lang naman kayo sa akin" sagot konaman sa dalawa. Tumayo at pinagpag ko na rin ang likuran ko baka may duming dumikit.

"Paano ka namin kakalabitin, eh ang bilis mo maglakad tapos may suot ka pang airpods sa tenga mo" sagot nito.

"Sorry na! Alam niyo namang-" naputol ang sasabihin ko ng biglang may sumabat sa paguusap namin. Aba bastusan ata dito ah. Jwk.

"Anong oras na bat di pa kayo pumapasok sa room niyo? Malapit na mag-bell." singit ni Prof. Ahrsia na pinsan rin namin, kasama niya sina Prof, Zharifa, Prof. Ashanti, Prof. Gryll at yung pinsan ni Lucian na professor din.

"Papasok na rin kami, nagpapahinga lang. Pinagod kami ni Gwy, eh!" sagot ni Ether dito na kala mo nagpapa-awa pa sa Ate niya. Anak sila ni Tito Clein which is kapatid ni Daddy kaya parehas kaming Ashton. Panganay nila si Kuya Sapian, Kuya Khalil sunod si Ate Ahrsia then ang kambal na sina Ether at Astra na.

"Di mo ko madadaan dyan sa pagpapa-awa mo, kaya tumayo na kayo dyan. Baka pagkamalan ka pang pulubi" sagot ni Prof. Ahrsia, kaya napatawa ako.

"Ate naman! Nakakahiya ka" sagot ni Ether dito, tapos sa akin naman bumaling. "Gwy, tawa-tawa ka pa dyan, kung tulungan mo kaya kami dito"

Dali-dali naman akong lumapit sa kanila at tinulungan silang tumayo. Nakita ko namang 8:00 na sa orasan ko, kaya dali-dali kong hinatak ang kambal.

"Tara na mali-late na tayo!Bilis!" sabi ko sa dalawa at tumakbo.

Nakarating na kami sa room kaya umupo na ako sa dulo dahil may bakante pa dun tapos sumunod naman ang dalawa sa akin.

"Hala! Gwy, di tayo nakapag-paalam kanila Ate" Sabi ni Astra. Napakamot na lang ako sa ulo dahil nakalimutan ko.

"Oo nga pala, mamaya na lang" saad ko dito. Nilibot ko ang paningin sa buong room at masasabi kong ayos na rin dahil mukha namang mababait ang mga classmate ko.

Maya-maya lang ay may narinig kaming tapak ng takong na papalapit dito sa room.

"Andyan na si Miss, kaya umayos na kayo" sabi ng isang babae na bagong pasok sa room. Sa tingin ko siya ang president namin. Nakwento kasi sa akin, netong kambal na block section daw sila. Kaya huwag na daw ako magugulat kung close na daw ang lahat at may mga officers na rin.

Biglang bumukas ang pintuan na siyang gumulat sa akin kaya napalingon ako sa gawi nito. Bumungad sa akin ang napakagandang mukha ng aming professor. Naglakad ito palapit sa lamesa at nilapag ang mga gamit na bitbit niya.

"Good Morning" kahit pa kasama siya palagi si Prof. Zharifa, hindi pa rin ako nasasanay sa lamig ng boses niya at di ko pa rin Kilala kung sino siya. Nakakalimutan ko kasi magtanong.

"Good Morning Prof. Aucian" bati naman ng mga kaklase ko dito.

"Yun pala ang pangalan niya" mahinang bulong ko at pinagmasdan siya habang nagsusulat sa blackboard. Ang ganda at sobrang ayos niya talaga tignan sa formal attire niya. Ngayon ay nakasuot siya ng black pants at white trousers. Nakalugay din ang buhok niyang ashgray.

Humarap siya muli sa amin at nagtama ang mga mata namin. Agad-agad din akong yumuko para makaiwas sa tingin nito.

"Before we start our lesson, I would like to know who are the transferees. Please raise your hands" sabi ni Miss. Aucian sa amin. Kaya inangat ko Ang kamay ko.

"So, we have two transferees here. Introduce yourself so we can know you. Let's start with you Mr." sabi ni Prof. Aucian at naupo sa harap ng kanyang desk.

Binaling ko naman ang tingin sa  lalaking nasa unahan. Nagsimula na siyang magpakilala ang sarili kaya ako naman ang sunod.

"Good Morning, Gwylynn Amethyst Ashton, 17 yrs old" maikling saad ko at naupo.

"Now, let's start our class in General Biology" saad nito at bumalik na sa harap para mag-umpisa na sa lesson niya.

Halos lahat ay sa kanya lang nakatutok. Sobrang galing at nakakahanga siya pagdating sa pagpapaliwanag ng mga lesson. Hindi ka mabuburyo kung siya man ang nasa harapan niyo.

"That's all for today Guys, you can take your break now and please be ready for the quiz tomorrow" sabi nito bago tuluyang lumabas.

"Ano ba yan! First day pa lang may quiz na agad" sabay na Sabi nitong kambal.

"Hayaan niyo na, Tara!" Sabi ko sa dalawa at nauna nang lumabas sa room.

To be continued.....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝐓𝐇𝐄 𝐔𝐍𝐒𝐀𝐍𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍𝐄𝐃Where stories live. Discover now