𝐃𝐎𝐒: 𝐏𝐎𝐎𝐋 𝐏𝐀𝐑𝐓𝐘

165 21 5
                                    


GWYLYNN POV:

Nagising ako dahil sa malakas na ingay na nagmumula sa pool area ng bahay namin. Kaya naligo muna ako at nagpalit sa komportableng damit.

Maya-maya ay bumaba na rin ako at bumungad sa akin ang nakapatay na ilaw ng sala. Kaya nagtataka ako kung anong oras na ba, sumilip naman ako sa wall clock na nakasabit at nakita ko na 11:00 pm na pala. Nagpasya akong pumunta sa may pool area para tignan kung bakit sobrang ingay naman. Naabutan ko ang mga pinsan ko at mga kaibigan nila na nagpa-party.

Hindi na ako lumapit sa kanila at pinagmasdan na lang sila dito sa may glass door. Nakita ko sila Ate
Zharifa at ibang pang girls na nagtatampisaw sa may pool. Sila Kuya naman nandun sa may cottage banda at nag-iihaw ng mga barbeque at hotdogs. Sila Kuya Whein naman hinahanda ang mga alak na gagamitin ata nila. Meron din ibang bagong mukha akong nakita na naka-upo dun sa may cottage, mga nasa 4 sila. Tumalikod na ako para pumasok sa bahay dahil nagugutom na ako.

Hindi ko pa naiihahakbang ang paa ko ng tinawag ako ni Kuya.

"Gwy, halika dito. Bilis" sigaw ni Kuya sa akin. Napa-ikot na lang ako ng mata at pumihit pabalik sa pool area. Dire-diretso lang ako pumunta sa kinaroroonan nila.

"Bakit ba? Nagugutom na ako!" Sabi ko dito at sumalampak paupo sa upuan sa tabi nito.

"Dito ka na lang kumain dahil wala na mag-aasikaso sayo sa loob" saad ni Kuya sa akin at ginulo pa ang buhok ko. Tulog na kasi sila dad kaya nagpapahinga na rin ang mga kasambahay namin.

"Ehhh, marunong naman na ako ahhh" sagot ko naman dito at inayos ang buhok na ginulo niya. Natawa na lang ito at nagpatuloy sa pag-iihaw. Maya-maya ay lumpait sa akin si Ate Zharifa at tumabi sa inuupuan ko.

"Hey, bakit di ka pa kumakain?" Tanong nito sa akin sabay subo ng hawak niyang hotdog.

"Ayaw ako paalisin ni Kuya dito, sabi ko sa loob na lang ako kakain" sagot ko naman dito. Napatawa na lang ito at tumayo. Nagpunta si Ate Zharifa sa mga pagkain at kumuha ng plato. Nilagyan niya ng kanin, barbeque at iba pang ulam. Inabot nito sa akin ang kinuha niyang pagkain.

"Oh, kumain ka na para makapagpahinga ka na. Antok na antok pa yang mga mata mo". ani nito sa akin at inabot sa akin ang pagkain. Kinuha ko naman ito at nagpasalamat sa kanya. Magana akong kumakain habang nagkukwentuhan kami ni Ate Zharifa. Maya-maya ay lumapit rin Sina Seviel, Skyler, Cassian, Astra at Ether dito sa pwesto namin.

"Gwy, San ka mag-aaral ngayon niyan?" tanong sa akin ni Astra.

"Wala pa ako naiisip eh, pero baka dun na lang sa school na pinagtuturuan ni Ate Zharifa" sagot ko dito habang ngumunguya sg inihaw na hotdog.

"Ayaw mo sa school namin Gwy-gwy?" ungot naman sa akin ni Cassian at sumiksik pa dito sa tabi ko.

"Pwede din naman, kaso sabi nila mom at dad dun na lang din ako sa school ni Ate Zharifa" mahabang paliwanag ko dito kaya napabuntong hininga na lang si Cassian, Seviel at Skyler. Silang tatlo lang daw kasi nahiwalay ng school na pinapasukan. Sa Maxian University daw kasi sila pinasok nila Tito at Tita para tumino, masyado kasing mga pasaway.

𝐓𝐇𝐄 𝐔𝐍𝐒𝐀𝐍𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍𝐄𝐃Where stories live. Discover now