𝐓𝐑𝐄𝐒: 𝐄𝐍𝐑𝐎𝐋𝐋𝐌𝐄𝐍𝐓

142 17 6
                                    

GWYLYNN POV:

Maaga akong nagising dahil ngayon ako sasamahan ni Ate Zharifa para magpa-enroll sa bagong school na papasukan ko. Incoming grade 12 na rin ako that's why i decided na dun na lang sa university na pinagtatrabuhuhan niya pumasok. Both senior high and college rin kasi ang meron dun.

Nakagayak na ako ng susuotin ko ngayong araw kaso di ko sure kung bagay ba talaga sa akin kaya bago lumabas ay sinipat ko muna ang sarili  ko sa harap ng salamin at nang makuntento na sa ayos ko ay nagpasya na akong bumaba.

Nakagayak na ako ng susuotin ko ngayong araw kaso di ko sure kung bagay ba talaga sa akin kaya bago lumabas ay sinipat ko muna ang sarili  ko sa harap ng salamin at nang makuntento na sa ayos ko ay nagpasya na akong bumaba

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Ctto)

Nagtungo na agad ako sa may kitchen. Nakita ko agad ang mga magulang ko na maganang kumakain ng breakfast.

"Hi Mom!"

"Hi Dad!"

Masayang bati ko at  humalik sa pisngi nila. Naupo na ako sa harapan nila at nagsimulang magsandok ng fried rice at bacon sa plato ko.

"Nasaan nga pala si kuya, Mom? Anong oras na ah? Di pa rin ba gising?" tanong ko at tumayo saglit para kumuha ng gatas ko sa ref.

"Hinatid na si Ate Sophie mo sa company nila, maaga kasi ang photo shoot niya para sa new magazine cover" paliwanag sa akin ni mom. Tumango na lang ako dito at nagsimula na kaming kumain.

"Anak, ano oras ba kayo pupunta ng school ng ate mo? tanong sa akin ni dad habang kumakain ng pandesal.

"Siguro po pagdating niya, aalis na rin kami baka kasi may need pa siya gawin sa school." sagot ko naman dito at ininom ang gatas ko.

"Ayusin mo ah, tawagan mo lang kami kung may problema" sabi ni Dad at tumayo na rin dahil pupunta na siya sa company namin.

"Bye Hon!"

"Bye Baby Gwy!"

Humalik sa pisngi namin si dad bago tuluyang umalis. Maaga daw kasi meeting niya with the new investor. Nagpatuloy na kami kumain ni Mommy at nung matapos na kami ay nagpaalam na rin ako dahil pupunta pa ako sa bahay nila Tito Claude kapatid ni Mom. Siya rin ang father nila Ate Zharifa.

"Good Morning po Ma'am, alis na po kayo?" tanong sa akin ni Manong Bert na driver namin. Matagal na rin siyang naninilbihan dito kaya di na rin siya iba sa amin.

"Opo tay, maaga kasi punta namin sa school kasi enrollment daw" sagot ko naman dito at pumasok na sa sasakyan.

"San po tayo Ma'am? Diretso na po ba tayo sa university?" tanong sa akin ni Manong Bert.

"Daan na po muna tayo sa bahay nila Tito Claude" sagot ko kay Manong sabay ngiti. Sumaludo na lang ito sa akin at nagsimula ng mag-drive.

𝐓𝐇𝐄 𝐔𝐍𝐒𝐀𝐍𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍𝐄𝐃Where stories live. Discover now