CHAPTER 13: KISAKI MIYAKO

12 1 0
                                    

Kai's POV

On that day we just attended the ceremony and we headed straight to our dorm. Pagdating ko sa kwarto ay may malaking maleta na sa kama ko. Mga gamit na pinadala namin bago ang araw na ito. Sa closet ay may unifrom na nakasabit. Sinuot ko ang long sleeve na top at itim na checkered skirt. May necktie na itim at isang silver pin na nakasuot rito.

Overall, I like it. Simple lang siya. Sa kaliwang dibdib ay ang logo. Ang pinagtataka ko lang ay ang boots na hanggang tuhod. Black and white rin ito. Diba dapat school shoes? Si no nag design nito pero kahit naman ganuon.

"I look so good on this!" sabi ko habang sinusuot ko ang itim na shorts ko. Bigla namang may kumatok sa pinto. Nilapitan ko iyon at sinilip kung sino man iyon.

"uhm.." napanganga naman ako sa uniform ni Luca.

"Ang ganda naman!" hinila ko siya papasok sa kwarto at pinatyo siya sa harap ng salamin. "We look great." nakangiti kong saad sa repleksyon namin sa salamin. Tiningnan ko naman siya sa salaminat nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Agad naman siyang nag iwas ng tingin. Nakita ko naman sa salamin kung papaano siya namula.

Napatingin na ako sa kanya ngayon.

This boy... I think...

"Kai!"Pareho kaming napatingin sa pinto kung saan nakasilip si MIa. "Oh?! Him too?" Nagtago siya sa pader at sumilip ulit. Mukha lang niya nakikita namin. "Let's go."sabi niya.

Ngumiti naman ako at kinuha ang kamay ni Luca para hilahin siya. Kinuha ko naman ang kamay ni Mia sa gamit ang kabilang kamay ko.

"Let's go!"

Hinila ko naman sila at sabay naman silang naglakad katabi ko.

"Mia, bat mataas yang palda mo? Hanggang ankle mo nayan, ah." Siya lang ata ang may uniform na ganyan.

"Mas komportable ako dito." sagot naman niya.

Bumalik kami sa main building kung saan kami magkikita-kita. May pa tour kasi si sir Yuno. Nang nakarating kami ay nandoon na ang kambal at yung lalaki na nerd.

Anong pangalan niya?

"Hey, what's your name?" Di naman ako nahiya na itanong ang pangalan niya. Inayos niya ang glasses niya at nag iwas ng tingin.

"I don't talk to a peasant."

"Me too but I talk to an insect."

Napatingin naman siya sa akin sa pagkakataon na ito.

"I just want to know your name, okay? Huwag kang pakipot."

Bumuntong hininga siya. "Kisaki Miyako." sagot naman niya. Natigilan naman ako.

"Japan?"

Ngunit di na niya ako sinagot at nilagpasan na ako. Napatingin naman ako sa kanya.

That guy...

I can't believe it, di ko inakalang na magtatagpo kami ng mas maaga sa inaakala ko.

Sa araw na iyon ay wala kaming ginawa kundi libutin ang buong campus. Buong isla talaga ang nilibot namin kaya naabutan nalang kami ng dilim. Kumain lang kami ng hapunan tapos bumalik na kami sa kanya-kanyang kwarto.

Hinubad ko ang pendant ko at nilabas ang blue flame sa kamay ko. Tuwing gabi ay sinasanay ko ang sarili na kontrolin ang blue flame. Sa mga nakaraang buwan na pag iihensayo ko, natutunan ko na itong kontrolin ngunit di ko pa alam ang mga skills at technique nito.

Baka kaya ko ring gawin ang fire ball ngunit di ako makaka-practice kapag nanatili ako sa kwarto. I need some space!

------

ReLIFE: The PlundererWhere stories live. Discover now