~ tabi ~
A year later...
Sobrang pagod akong umuwi mula sa bar kanina kaya nang may humampas na unan sa mukha ko, muntik na akong magsalita ng mga makukulay na salita. Siyempre, isang tao lang naman ang pwedeng gumawa niyon dahil dalawa na lang kami sa apartment ngayon.
"What the-"
"Iyung phone mo kanina pa tumutunog! Utang na loob sagutin mo na!" Sigaw ni Marceline sa akin.
Doon ko lang narinig na tumutunog nga ang cellphone ko. Agad ko namang kinuha iyon sa bedside table ko. Handa na akong sigawang kung sino man ang nasa kabilang dulo niyon. "Sino ba-"
"Gising ka na ba?" Sabi ng baritonong boses sa kabilang linya.
"Obvious ba? Ano nanaman ba?" Inaantok na ungot ko rito.
"Cook me breakfast, please." How can a fucking 30-year-old man sound like a whining 3-year-old?
"Calhoun-"
"Thanks! My door is open."
I gritted my teeth when I heard the dial tone as he hang up on me. Damn this asshole. Alam ko na kapag hindi ako pumunta ay pepestehin nanaman ako nito ng tawag. Tulad ko ay pagod din si Marceline at ayoko namang madamay ito dahil sa hindi makuha ni Calhoun na tulog pa ang mga tao ng ganitong oras.
I removed the silk turban that's protecting my soft curls and put on long sleeves and yoga pants. Si Calhoun lang naman ito at hindi naman si Prince Rizky. Hindi naman niya deserve ang maayos na hitsura ko lalo na at ginising ako nito pagkatapos kong makatulog ng tatlong oras.
Kahit tamad na tamad ay tinakbo ko na lang papuntang bahay nito. Mula noong ma-diagnose ako ng PCOS o Polycystic Ovary Syndrome, mas sinikap kong maging mas active para hindi bumilis ang paglaki ng katawan ko. Siyempre, hindi alam ni Calhoun iyon o kahit na sila Mama. It was one of the struggles I decided to battle on my own.
Nang makarating ako sa bahay ni Calhoun ay tahimik ang buong bahay. Inilibot ko ang tingin sa bahay ng best friend ko. Calhoun loved natural light hence the high ceilings and big windows. His living room is dominated by white to cream-coloured pieces of furniture and decorations. No matter how much he tried to make me stay with him, I can't bear the thought of him taking home women here and I am there to witness it all.
Naglakad na ako papunta sa kusina nito. Bumalik siguro sa tulog ang mokong pagkatapos ako tawagan. Hindi naman na ito bago. Kapag narito sa club si Calhoun ay 'naglalambing' ito na lutuan ko sa umaga. Hindi ko alam kung hindi na lang ito pumunta sa cafe ko at doon kumain.
I started brewing coffee and cooked some rice. Calhoun loves his rice in the morning. Kahit lutuan ko ito ng pancake, naghahanap pa rin ng kanin sa umaga. Gym buff din naman ito kaya kahit ilang baso ng kanin ang kainin nito ay kinukuha pa rin itong mag-modelo ng isang sikat na underwear brand.
Binuksan ko ang ref nito. Tumaas ang kilay ko. In fairness naman sa best friend kong ito, marunong mag-grocery. Mula noong pinagsabihan ko ito noong minsan na kung magpapaluto ito sa akin, siguraduhin nitong may laman ang pantry nito.
Nagluto ako ng tapa, longganisa, at steamed egg. By the time I was done, I prepared the table for him. Contrary to my annoyance at him for waking me up, I enjoy doing this for him. I enjoy preparing anything for the people I care for and Calhoun, being my best friend, gets to have that perk.
His three-storey house is a dream to live in. I always appreciate how the light shines through this time of the morning. May gumaganda ang loob ng bahay nito dahil doon. Nasa pinakamataas na palapag ang kwarto nito. The guest rooms, mini-gym, and indoor jacuzzi are on the second floor while the living room, kitchen, and entertainment rooms are on the first floor.
BINABASA MO ANG
Versailles Series Book 5: The Barista
RomanceTabi She has never been lucky in all things love But her romantic heart just keeps yearning for something to love it back Calhoun has been her best friend ever since Unbeknownst to him, her first love and her first heartbreak too Is she willing to c...