~ tabi ~
The Drunk and Sober cafe is open twenty-four hours a day, seven days a week. Tatlo ang shifts ng staff ko. Kapag gabi ay nasa bar ako madalas. Tulad ng staff ko, I'm in my cafe uniform. I chose a white shirt and denim combination. My cafe should be relaxing and casual so I don't want too formal uniforms for us. Okay ng sa Greenhouse iyon.
"Good morning Madam!"
"Sup!" Sabi ko.
I want things casual with my staff. Feeling ko ay mas magaan ang atmosphere kapag ganoon. Alam naman ng mga staf ko kung kailan kami dapat seryoso. Wala naman ako masabi sa kanila dahil mas pinapadali nila ang buhay ko. Karamihan ay working student kaya wala masyadong tumatagal peor may iba na nananatili roon kahit tapos na mag-aral.
Tinignan ko ang mga report nila sa end of shift pati na rin ang mga inventory sa shelves. Dahil alas-diyes pa nagbubukas ang restaurant ni Sir Chael, maraming pumupunta sa cafe ko para mag-agahan. Maraming galing sa pagja-jogging at may iba naman doon na piniling magtrabaho.
I refilled the shelves with breads and pastries. Minsan ay ako ang tumatao sa cash register pero madalas ay nasa kusina ako. Depende kung saan ako kailangan, doon ako naglalagi.
Pinalitan ko ang menu namin ng araw na iyon nang mapansin kong may pumasok sa loob ng cafe. Awtomatiko naman akong napayuko. Hindi ko alam kung paano ba magbigay ng paggalang dito.
"Good morning Sir Caden!" Masayang bati ko.
The prince was a very serious guy. Kahit na ubod ng gwapo ito ay napaka-seryoso naman kasi kaya nakakatakot din lapitan. Kahit ilang beses ko na yata itong batiin ng masaya ay hindi nagbabago ang seryosong hitsura nito.
"I'll have my usual."
"Yes Sir. Ide-deliver na lang po namin sa table ninyo."
Mayroon kaming secret menu kung saan nakapangalan ang mga pagkain sa mga miyembro. A lot of them customize the food that we have in our menu at marami rin naman ang may gusto ng ganoong pagkain kaya ino-offer na rin namin.
"Thanks, Tabi."
I punched in his tab para agad ng maihanda. Sumunod naman dito ang isa pang prinsipe. Si Prince Rizky. The two royalties are like day and night. A mister grumpy and a mister sunshine. Kung gaano kadilim ang aura ni Sir Caden ay ganoon naman kaliwanag kay Sir Rizky.
"Good morning Sir Rizky! Sa iyo din Dani!" Bati ko rin sa personal assistant nito.
"Why are you always a bundle of energy?" Natatwang sabi ni Rizky sa akin.
Mula pa noong bata ako ay bibo na nga raw akong bata. Malapit at mahilig akong makipag-usap sa mga tao. Nakakahawa raw ang ngiti ko sabi ng ibang regular patrons namin. I am front of the house too so I must put up a smile.
"Parang matamlay tayo ngayon Sir ah." He doesn't look like his usual sunny self.
"Well, I just woke up that's why."
"What do you want to have?"
"I'll have my usual." Kaya nakalista sa amin ang 'usual' ng bawat member. Karamihan ay hindi talaga nag-oorder ng iba.
"Sige po Sir. Ikaw Dani?"
"Just coffee and pandesal." Seryosong tugon ng dalaga.
Nilingon ito ni Rizky. "Nagda-diet ka ba? You have to eat more."
"I'm good."
Rizky shrugged. "Pa-deliver na lang sa table ni Caden. Gigisingin ko lang iyung diwa ko sa kanya."
BINABASA MO ANG
Versailles Series Book 5: The Barista
RomanceTabi She has never been lucky in all things love But her romantic heart just keeps yearning for something to love it back Calhoun has been her best friend ever since Unbeknownst to him, her first love and her first heartbreak too Is she willing to c...