CHAPTER 14

4.3K 155 7
                                    


~ tabi ~


"Anak?"

Nalingunan ko si Mama na nasa likuran ko. Tatakas na ako papunta sa kabilang bahay dahil ayoko namang makaabala sa reunion nila Mama, Papa, at Ate.

"Bakit po?" Tanong ko na lang din dito.

"Saan ka pupunta?"

"Kay Mama Sierra lang po. Ttuulungan ko po siya magluto."

Nakita kong nalungkot ang mukha nito. "Bakit ayaw mong dumito muna?"

"Wala naman po akong gagawin dito."

"Ayaw mo bang makipag-kwentuhan muna sa amin? Na-miss ka namin, anak. Hindi ka na umuuwi rito."

"Busy po ako sa negosyo ko, Ma."

"May mga inuwi ang Ate mo-"

Umiling ako. "Mamaya na lang po, Ma. Sige po. Pupuntahan ko lang po si Mama Sierra."

Umalis na ako bago pa ito makasagot. All those days when I needed them, they weren't there for me. Call me immature but the wound shouldn't even be there in the first place. A family is all about love and belongingness and I have neither from my own family.

Naabutan ko si Mama Sierra na naghahanda ng salad. Wala si Calhoun sa paligid kaya baka nagpapahinga sa taas.

"Tulungan ko na po kayo."

Ngumiti ito hinayaan akong tumulong. Bumaling ito sa ibang lulutuin.

"Bakit narito ka na? Hindi mo ba gustong maka-bonding ang mama mo? Nami-miss ka na niya. Lagi niyang sinasabi sa akin."

I smiled sadly. "I know...she tells me."

She looked up from her lashes. "Do you still feel bad?"

Tumango ako. "Wala naman po silang ginagawa para maayos kami, Mama Sierra. Napagod na akong ayain sila sa restaurants ko kasi hindi naman sila pumupunta. Na sa isip nila ay hindi successful ang business ko at si Calhoun lang ang tumutulong sa akin. Pinaghirapan ko po lahat ng meron ako."

Hinaplos nito ang likod ko. "Proud sila sa iyo. Pumupunta kami lagi ng mama mo sa Tasteful Trails. Gustung-gusto niya ang pagkain doon. Hindi niya alam na sa iyo pala iyon noong una naming punta."

"Kung pumunta po sila noong opening ko, alam po sana nila na sa akin iyon."

"Hindi sila makapaniwala na mga ganoon kalaking tao ang nagbu-book sa restaurant mo. Proud na proud sila sa iyo, Tabi."

"Hindi naman po nila sinasabi, Mama Sierra. Kanina nga po sabi ni Papa na mamili ako sa mga pasalubong ni Ate kasi hindi naman ako nakakabili ng mga ganoon. Lagi na lang nila akong kinukumpara kay Ate. Pero kapag may achievement ako, ni hindi man lang nila tinatapunan ng pansin."

Nginitian ako ni Mama Sierra. I can see where Calhoun got his endearing eyes and smile. They felt warm and comforting like her son's.

"Bigyan mo lang sila ng pagkakataon, anak. Alam kong nagtatampo ka at may sama ka ng loob. Marahil ay pakiramdam mo na sila dapat ang lumapit sa iyo. Pero kung isasara mo ang pinto mo, paano nila magagawa iyon?"

"Susubukan ko po, Mama Sierra." Luminga-linga ako at kunwaring hinahanap si Calhoun. "Si Calhoun po?"

"Ah umakyat muna sa kwarto niya. Baka nagpapahinga. Maaga yata ang naging biyahe niyo?"

"Oo nga po. Natulog lang ako sa biyahe."

"Hindi mo pa ba sinasabi sa kanya?"

Napangiti ako na umiling. My reasoning for that is so pathetic. Only Mama Sierra knows I can drive aside from my restaurant employees. I have a professional driver's license and I can drive manual and automatic transmissions.

"Hayaan niyo na, Mama Sierra."

"O sige na nga. Ano nga pa lang plano niyo sa birthday niyo?"

I shrugged. "Hindi ko pa po alam eh." I sighed. "We're turning thirty. Gosh, we're old." Natawa ako.

"Parang kailan lang noong nagtatakbuhan pa kayong dalawa dito sa bahay. At lagi ko pa kayong nilulutuan ng pancit canton noon 'di ba?"

"Na pinapalaman sa tinapay. Miss ko na nga po iyon, Mama Sierra. Kaso hindi na mahilig sa pancit canton si Calhoun ngayon. Nakatikim lang ng kaunting karangyaan ang lalaking iyon..."

Natawa ang ginang. "Pinapaluto na niya iyung fresh na pancit canton. Naku minsan, naglambing sa akin. Ayun, dinalhan ko sa set nila ng pancit canton. Gusto nga din ni Asia ang gawa ko. Naku, napakabait na bata."

Nag-alangan akong tignan ito. "Kapag po ba naging girlfriend ni Calhoun si Asia, okay lang sa inyo."

"Oo naman. Napakagandang bata. At napakabait ha. Pero ilang beses ng binanggit sa akin ni Calhoun na wala siyang balak ligawan si Asia. Magkaibigan lang sila."

Parang kami.

"Pero kahit sino ang mapusuan ng anak ko, mamahalin ko rin."

"Wala po ba kayong nagustuhan sa mga dating nobya niya?"

"Hindi naman niya naipakilala lahat. Pero iyung mga nakilala ko, okay lang naman. Mabait sila sa umpisa. Habang tumatagal lumalabas ang tunay na kulay nila. Hindi ko nga alam kung anong nakita ng anak ko sa mga iyon."

Natawa ako. "Hindi naman po kasi puso pinapagana ni Calhoun."

Umiling ito pero natawa rin. "Iba na ngayon ang anak ko. Sabi niya sa akin na ang susunod niyang nobya ang babaeng pakakasalan na niya."

Nabitiwan ko ang panghalo ko ng salad. "Ay...sorry po." Kumuha ako ng bago at naghalo ulit.

I felt Mama Sierra's eyes on me.

"Tabi?"

"Po?"

"Ikaw ba, magiging masaya kapag nakilala mo ang magiging nobya niya o mapapangasawa niya?"

Napalunok ako. "Oo naman po. Best friend ako ni Calhoun. Kung saan siya masaya, doon ako. Basta ba...hindi siya sasaktan ng mapapangasawa niya."

"Akala ko nga noon, kayo ang magkakatuluyan."

"B-bakit naman po? Hindi naman po kami nag-date kahit kailan."

"Sa totoo lang Tabi, ayokong ipagkatiwala ang anak ko sa iba. Kung pwedeng ikaw na lang ang makasama niya, hindi na ako mag-aalala para sa anak ko. Nakita ko kung paano mo alagaan ang anak ko at ganun din siya sa iyo."

Naramdaman kong uminit ang pisngi ko. "Ganoon naman po dapat kung matalik na magkaibigan 'di ba po?"

She smiled knowingly. "Oo. Ganoon dapat." Kinuha na nito ang sandok mula sa akin. "Silipin mo nga si Calhoun kung natutulog pa siya. Magpapabili sana ako sa kanya."

"Ako na lang po ang bibili."

"Malayo ang convenience store dito. Si Calhoun na lang at kailangan niyang mag-drive."

Umiling ako. "Ako na po, tita. Hayaan na po natin siyang magpahinga."

"Sige na nga. Kunin mo na lang ang susi ng sasakyan ko."

Versailles Series Book 5: The BaristaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon