Chapter 8

5 0 0
                                    

Tumakbo pa din kami sa stage. Unit kasi namin ang nanalo.

Oo, tama ang nabasa niyo. Hindi nanalo si Samuel pero okay lang 1st runner up naman siya eh.

At magpapapicture pa din ako sa kanya syempre. Minsan lang ang chance na 'to. J

We're looking for him and unfortunately, marami ang nagpapapicture kasama siya.

Haist! Marami na akong kaagaw sa kanya. Sheet!

"May, ayan na si Samuel oh. Magpapicture ka na sa kanya! Dali!" biglang sabi ni Juna sa akin.

"Sandali lang. Nahihiya na 'ata ako eh. Nandiyan kasi mga kaklase niya."

"Dali na. Baka umalis na siya maya- maya."

"Oo na!"

Nang papunta na ko sa kanya para magpapicture , biglang sumulpot mga kaklase ko at nauna pang pumwesto katabi ni Samuel.

Nakakainis naman! Nakisali pa sila sa moment ko!

"Drey, ako naman diyan oh." Pakiusap ko sa isang kaklase ko.

"Diyan ka na lang, nauna na ako dito eh." Sabi niya.

Whaaaaat???

Sandal! Diba ako ang may crush sa kanya bakit sila pa ang gumanito sa akin?

Ang eepal naman oh! Grrr!

Kainis!

Pagkatapos ng magpicture kasama namin, aalis na sana siya pero..

"Sandali! Picture muna tayo. 'Yung tayong dalawa lang." pigil k okay Samuel.

Kinapalan ko na talaga ang mukha ko. Hindi pwedeng  wala kaming litratong dalawa. Haha!

Nabigla siya, pero nagawa ka na 'to eh kaya go na lang ang pagkakapal ng mukha ko.

"Sandali lang talaga." Ulit ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin.

Sheetee na man oh! Aaaahhh!

Lakas loob akong kumapit sa braso niya. Pero bigla kong binawi at sa likod niya kumapit.

Para- paraan mehn!  :P

"Samuel! May banner siyang ginawa para sa'yo oh." Sabi ni Alym sabay turo sa dala kong banner na nakatupi na.

Napatingin naman bigla si Samuel. Pero tinago ko sa likuran ko. Nahiya ako eh, parang sira- sira na kasi.

"'Wag mo nang tingnan. Wala lang 'to." Sabay ngiti ko sa kanya.

Pagkatapos magpalitrato kasama niya, kinuha ko ang mga kamay niya.

"Salamat ha at congrats sa'yo." Sabi ko ng nakangiti at shinake hands ko siya.

"Thank you!" sabi niya sabay nakangiti.

Aaaahh!

Hindi pa ako kontento sa pagshake hands sa kanya, kinuha ko ulit kamay niya at shinake hands ulit. Haha!

Kulit ko noh! :P

Pagkagising na pagkagising ko, nagfacebook agad ako. Sabado kasi ngayon at gusto kong emessage si Samuel.

Naalala ko naman kasi kagabi ang mga nangyari, isa na doon ang mga kabaliwang pinaggagawa ko. Haha!

'Congrats again Samuel! =D'

PM ko sa kanya. Pero hindi siya online kaya hindi siya nakapagreply.

Tambay- tambay lang ako ngayon sa bahay at ngafefacebook- facebook. Walang magawa eh. Feeling bored kapag walang pasok.

Ooops! May message 'ata ko. Matingnan nga!

.........

Aah! Si Samuel!

'Thanks :D'

Waah! Kinikilig ako! Ano kaya ang pwedeng ireply para humaba pa ang aming convo?

'Welcome. Pero para sa akin ikaw talaga ang winner. =P'

'Hahaha. Thanks again. It was the winner time siguro to win. And the tastes of judges were different. Haha!'

'Maybe. Okay lang 'yan, dadating din ang time na ikaw naman siguro. Hahaha. Support lang uli ako. :D'

'Hahaha. Thanks. Try mong pumunta sa District bar every Friday. Tumutugtog kami, tambay- tambay lang.'

'Wow ha! O sige. I'll try, pumupunta rin naman diyan minsan mga cousins ko.'

That's the end of our conversation.

Kilig na kilig talaga ako habang magkachat kami.

'Yun ba ang feeling na parang pasmado ang mga kamay mo sa pagtatype kung ano ang irereply mo. Ahahahaha!

Pasmile- smile pang kasama! Aaaah!

So kilig!

crush? or CRUSHED?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon