Chapter 10

4 0 0
                                    

Yes! He liked the video that I tagged. I'm so happy but when I saw the post of the other girl I found it irritating. I hate the girl! I hate Samuel!

He just liked my post while the girl's post, he commented on it.

Aaaah!

Hanggang kalian ba ako masasaktan dahil sa'yo Samuel?

Christmas, I greeted him on facebook and text. But sad to say, walang reply at seenzoned!

Nasasaktan na talaga ako. Paskong- pasko umiiyak ako sa isang lalaki.

Oo, iniyakan ko talaga siya.

Siguro nga ganito ko kamahal ang crush kong ito.

Pero wala akong magawa dahil hindi naman kami.

Crush nga lang diba?

Sasabihin ko na lang kaya sa kanya ang nararamdaman ko?

Kaso parang hindi ko kaya ang magiging resulta nito.

Haist!

"Hoy! Nakatulala ka na naman diyan. Ano na naman ang pinoproblema mo?" panggugulat ni Roshee.

Nandito kasi kami sa hallway nakatambay. Vacant pa kasi namin.

"Oo nga, kanina ka pa tulala." Dagdag ni Joanna.

"Haay naku. 'Wag niyo ng itanong kung ano o SINO ang iniisip niyan dahil obvious naman noh." Sabi ni Clai at tinigasan niya pa talaga ang pagsabi ng sino.

Ganoon ba talaga ako ka- obvious?

"Mga baliw. Wala 'to noh." Sabi ko na lang.

"Speaking of, ayan na ang laman ng isip mo." Turo ni Joanna.

Napatingin kami sa tinuro niya at ayun nga si Samuel papalapit sa direksyon namin.

Pauwi na siguro siya.

Kakausapin ko na ba siya?

Magtatapat na ba ako sa kanya?

Papalapit na talaga siya at kailangan ko na ng lakas na loob.

Bahala na!

Tumayo ako ng malapit na siya.

"Ahm.. Samuel!" pagharang ko sa kanya.

Ngumiti siya.

Aalis na sana siya. Akala niya siguro tinawag ko lang siya para mapansin niya ko. Pero nagsalita ulit ako.

"Pwe.. Pwede ba.. tayong.. mag.. mag- usap?" utal- utal kong tanong.

Bwisit naman kasi oh.

Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko.

Kinakabahan kasi talaga ako.

"O sige. Anong bang pag- uusapan natin?" naguguluhang tanong niya.

Nabibigla siya siguro dahil ngayon ko lang siya kinausap ng personal.

Ang mga kaibigan ko?

Ayun, tulala. Nagulat din siguro sa ginagawa ko ngayon.

"Ahm.. pwede bang.. doon tayo... doon tayo sa..gilid?"

Naglakad nga kami sa gilid ng hallway. Sa hindi maririnig ng karamihan.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

Makikita naman sa mukha ni Samuel na naguguluhan siya. Parang nagtatanong ang mga mata niya.

Syete naman oh!

"Samuel, gusto ko sanang makinig ka lang muna sa sasabihin ko. Alam mo naman sigurong crush kita. Simula ng makasabay kita sa jeep. Alam kong hindi mo 'yun natatandaan kung saan tayo nagkasabay dahil sino nga ba ako para tandaan mo. Pero ako, tandang- tanda ko ang mukha mo at kung saan ka bumaba ng jeep. At nakita kong schoolmate tayo dahil sa suot- suot mo ang iyong ID. Simula noon, hinanap kita sa AU. Una, hindi pa kita Makita. Paano nga naman eh ang laki- laki ng school na ito at ang raming estudyante. Pero kakampi ko  nga siguro ang tadhana na makita kita at sa tulong ng kaibigan ko ay nalaman ko pati full name mo. Ang saya ko noon kasi for the first time ngumiti ka sa amin. Hindi nga tayo magkakilala pero ang ngiti mo ay totoong- totoo. Nadagdagan ang paghanga ko sa'yo. Minsan lang kasi may ganyang lalaki. Hanggang sa nabigla ako ng sumali ka sa mga pageant. Sa una ko kasing kita sa'yo parang loner ka at weird. Sa ganoon kasi kita nagustuhan. Pero todo suporta ako sa'yo sa mga sinalihan mong pageant. Kung minsan nga nasasaktan ako kasi parang hindi mo napapansin ang mga ginagawa ko. Pero sige pa rin ako ng sige. May time na sinasabihan ako ng mga kaibigan ko na umaasa lang ako sa wala. Hindi ko 'yun iniisip dahil alam kong makikita mo din 'yun sa huli. Hanggang sa nagseselos na ako sa mga babaeng kinakausap mo, sa mga close sa'yo. Tinatanong ko nga minsan, kalian kaya kita magiging close? Pero, siguro hindi nga 'yun mangyayari kasi ngayong sinabi ko na sa'yo ang nararamdaman ko hindi ko alam kung ano ang magiging resulta nito. Dahil siguro ako mismo ang lalayo sa'yo."

" Nakikita ko naman talaga ang mga ginagawa mo para sa akin May. Pero hindi ko pinapakita sa'yo 'yun kasi ayokong umasa ka lalo. Alam ko kasing gusto mo ko. At nakikita ko 'yun. Kapag binigyan ko kasi ng pansin 'yun at kinakausap kita baka lalo ka lang masaktan dahil sa akin. And I don't want to do that. I'm thankful that you're always there for me. Thanks for the efforts, supports and of course for loving me. Pero, hanggang ganito lang siguro tayo. May gusto na kasi ako at nililigawan ko na siya."

Pagsabi ni Samuel sakin na may mahal na siya parang sinampal ako ng todo- todo.

Ang sakit- sakit pala talaga na sa kanya manggaling.

Napaluha lang ako bigla at tumakbo ako.

Narinig ko pa ngang tinawag niya ako. Pati mga kaibigan ko tumatawag din.

Pero gusto ko munang mapag- isa.

Gusto ko munang iiyak ito ng todo.

Ang sakit talaga.

Parang sinasaksak ang puso ng paulit- ulit.

At paulit- ulit sa pandinig ko ang mga salitang binitiwan ni Samuel.

Ayoko na!

Pero makakalimutan ko nga ba siya?

Bwisit talaga 'tong puso ko.

Sana nakinig na lang ako sa iba.

Na ang crush ay hanggang crush lang dapat. Hindi na hihigit pa doon.

Because a crush can make your heart crushed into a million pieces.

= The End=

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

crush? or CRUSHED?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon