Chapter 9

5 0 0
                                    

Bumabyahe na naman ako papuntang AU. Habang bumabyahe nagdedaydream na naman ako.

Katulad na lang na dadating ang araw na magugustuhan ako ni Samuel. Magkaholding hands at napakasweet niya sa akin.

Ako na siguro ang pinakamasaya sa buong mundo. Pero syempre, daydream lang 'yun. Alam ko namang hindi 'yun magkakatotoo ngayon pang sumikat na siya sa university.

Masakit man ang katotohanan pero kailangang tanggapin. Nahuhulog na nga talaga ako sa kanya. Nasasaktan na nga ako eh.

Hindi pwede! Kailangan ko talagang kontrolin ang emosyon ko. Nasasaktan lang ako eh.


Pagkadating ko sa AU, sinalubong agad ako ni Cha- cha.

"May! May! Alam mo bang si Samuel ang representative ng AU sa Regional Search?" bungad niya sa akin.

"Talaga!? Paano mo nalaman?"

"Nagkasama kasi kami kanina kaya tinanong ko siya."

Naging close na kasi sila ni Samuel dahil nagkasama sila ng intramurals.

"Kailan daw 'yun?"

"Hindi ako sure eh. Basta this December."

"Ah, sige- sige."

Tatanungin ko na lang siya mamaya sa text. Aha!

Susuporta na naman kasi ako sa kanya. Ang huli ko kasing sinabi sa kanya ay sa susunod na may sasalihan siya, susuporta ako. :D

Kaya kakapalan ko na mukha ko para malaman ko lang kung kalian ito gaganapin.

Para- paraan na lang 'to noh!

' Hi Samuel. When and where is the Regional Search? Thanks. Good PM! =D '

Sabi ko sa text.

15 minutes...

30 minutes...

Hinihintay ko ang kanyang reply.

2 hours...

Hanggang sa nakatulog ako.


Nagising ako sa tawa ng mga kaibigan ko. Dito kasi tumambay sa bahay ng isa kong kaibigan.

Chineck ko ulit ang cellphone ko kung nagreply na ba siya. Pero  wala pa rin. Ang sakit naman oh!

"Guys, mauna na akong umuwi sa inyo ha." Paalam ko sa kanila.

"O sige- sige May. Text- text na lang tayo."


Nanonood ako ng TV ng biglang umilaw ang cellphone ko. May nagtext pala sa akin. Inopen ko ang message. GM na naman siguro 'to eh.

' Hello, good PM. Sa 21, 7pm @ Victory Coliseum. Thanks :D '

Ha? Ano 'to?

Hmm.. Tiningnan ko kung kanino galing.

My love?

Oh, sheet! Si Samuel!

Aaaaaahhhh!

Nakalimutan kong My love pala ang pangalan niya sa contacts ko. Haha!

' Ah, sige Samuel. Thanks. See you there! =D'

Agad kong reply pero syempre hindi na ako aasa sa reply niya.

Pupunta talaga ako. Ganoon ko na siya kagusto na kahit malayo- layo ang lugar ppupuntahan ko.

'Kaibigan! Samahan mo naman ako sa sabado oh. Sa Victory Coliseum. Haha. '

crush? or CRUSHED?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon