Chapter 5

9 1 0
                                    

“Oh! Anong nangyari ‘nung Friday? Umattend ka ba?” sunud- sunod na tanong ng mga kaklase ko.

Lunes na lunes pero ang topic naming ay ang tungkol sa pagyaya ni Samuel sa akin. Lahat nakakaalam. Ganyan kasi ako ka- open. Haha!

“Hindi nga eh. Hindi naman kasi siya nagtext pero pumunta talaga kami kaso nahiya kaming lumapit kasi nag-uumpisa na sila.”

“Sayang naman.”

“Oo nga eh. Nahiya kasi talaga kami.”

Nababahala nga ako ngayon. Anong gagawin ko kung magkasalubong kami? Matatandaan niya kaya kami?

“Roshee, nahihiya talaga ako sakaling makasalubong natin siya.” Alala kong sabi.

“’Wag kang mag- alala. Akong bahala.” Ang lakas talaga ng loob nitong kaibigan ko.

Nag- isip nga kami ng mga rason kung sakali. Katulad na lang ng nag- ayos pa kami para sa acquaintance party namin o ‘di kaya ay nahiya kaming lumapit kasi ang lalim na ng pinag-uusapan nila.

Napaisip nag ako na ang feeler ko naman para mag- isip ng mga rason samantalang hindi naman dapat. Hindi naman siguro big deal sa kanya na hindi kami nakapunta.

It hurts but that’s the truth.

Martes na pero ‘yun pa rin ang iniisip ko. Ano nga kaya talaga ang gagawin ko sakaling magkasalubong kami? At papansinin niya kaya kami kung sakali?

Haay! Bahala na nga.

“So, ano na ang plano?”

Nandito kami ngayon sa library nag- iisip tungkol sa groupwork namin.

“’Yun na nga, magreresearch  tayo isa- isa tapos babasehan natin kung ano ang tama.” Pag-eexplain ni Roshee.

“Okay. Uwi na tayo?” tanong ni Clai.

Uwian na kasi namin at nauna na si Joanna.

“Halika na!”

Habang pababa na kami ng hagdan, nakita kong masasalubong namin si Samuel.

Sheet! Red alert! Red alert!

“Uy! Ayokong sumalubong.” Pagmamakaawa ko sa dalawa.

Pero asa pa kong susunod sila.

Dirediretso sila sa pagbaba at ako nakasunod lang sa likod.

Habang papalapit ng papalapit si Samuel, pabilis ng pabilis rin ang tibok ng puso ko. ‘Yun bang sumasakit na hindi ka makahinga.

Natatakot lang siguro ako.

Tumigil ako sa gilid ng hagdan. Hinihintay kong dumaan siya bago lumakad. Nanghihina kasi ang mga paa ko.

Tumingin ako sa kanya at tumigil yata ang mundo ko. Parang nawala ang mga nasa paligid ko at siya lang ang naiwang imahe na nakikita ko.

Aaaahh! Sheet!

For the first time! Nginitian niya ako!

“Waah!”

“Uuuy!”

Mga tinig ng mga kaibigan ko ang nagpabalik sa akin. Sabay pa nila akong tinulak at muntik ko nang mabangga si Samuel.

Mga baliw talaga! Mas grabe pa sila kung kiligin! Haha..

“Waah! May, ikaw na talaga!” kilig na si Roshee.

“Uuuy! “ sabay kurot ni Clai sa tagiliran ko. “Kinikilig talaga ako sa inyo.”

Ako? Heto, ang lapad- lapad ng ngiti. Ang saya!

“Lumelevel- up ka na talaga May.” Sabi uli ni Clai.

“Sheet! Hindi ko talaga akalain na papansinin niya ‘ko.” Hindi makapaniwalang ako.

“Natatandaan ka na niya May.”

“Panong hindi matatandaan eh kada- salubong natin sa kanya ay nandiyan kayo nakaturo sa akin sabay sigaw ‘ Samuel! Si May! Crush ka niya.’ diba.”

Tawa kami ng tawa palabas ng AU.

Hanggang nakauwi ako nakangiti pa ‘ata ako sa saya!

‘Yung feeling na kumpleto ang araw mo dahil sa taong gusto mo. Paulit- ulit na bumabalik ang mukha niyang nakangiti sa utak ko.

I think I’m in love! Grr!

crush? or CRUSHED?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon