Chapter 6

5 0 0
                                    

Busy kami ngayon for our project. We need to make an advertisement then we'll exhibit in our school field.

Sabado ngayon pero nandito kami sa AU magtetaping ng aming advertisement. Hindi lang naman kami ang nandito. May pasok pa kasi ang mga freshmen at ang ibang courses.

'Nasaan na ba kayo?'

Text ko sa mga groupmates ko. Ako pa lang kasi mag-isa at ang sabi nila 8 am pero malapit ng mag- alas nuwebe. Haist!

'Marami na ba kayo diyan?' reply ng isa kong kagrupo.

Haay naku! Hihintayin pang dumami bago pumunta dito. Nag- iisa pa naman ako sa hallway. Dito ako tumambay kung sa ganoon eh makita ko sila agad.

Oh sheet!

Nakita ko na naman si Samuel!

Ano kaya ang ginagawa niya dito? May pasok kaya sila?

But he didn't go to their building. Instead, he went inside of the room where the students who joined the search for Ms. and Mr. Intramurals stay.

Wait!

Is he joining the search?

I need to know! Sheet!

"Josh!" I called.

Josh was my classmate last semester. He's an irregular student.

"Yeah?" he said.

"Si Samuel ba ang representative sa search ng kanilang unit?" I asked him because he's from that room.

"The guy who just went inside the room?"

"Yes! Engineering student."

"Ah, yes. He's the representative of their unit."

"Wow!"

"I'll go ahead."

"Ah, yeah, yeah. Thanks."

I was right. He joins! OMG!

"Abby, saan ko 'to ilalagay?" tanong ko sa kagrupo ko.

Busy kami ngayon sa pagdidisenyo ng booth namin sa field. Ngayon kasi ang exhibit ng project namin.

"Diyan na lang siguro."

"May, bibili siguro ulit tayo ng balloons at pins. Kulang pa kasi." Si Roshee.

"Okay."

"Guys, bili na kayo! 10 % off na 'to lahat." pagkukumbinse ng mga kagrupo ko sa mga estudyanteng dumadaan sa booth namin.

Binibenta kasi namin ang mga libro na ginawan namin ng advertisement. At habang nagbebenta, pinapalabas namin sa gilid ang ginawa naming advertisement.

Ganito lang kami buong araw. Benta dito, at paminsan- minsan pumupunta kami sa ibang grupo. May free taste kasi sa iba, pagkain naman kasi ang sa kanila.

"May! Si Samuel!"

Sheet! Nabigla ako sa sigaw ni Joanna. I quickly glanced at my back where my friend is looking.

Si Samuel!

With his partner for the search.

They're having a photoshoot. At sa field pa talaga.

Heaven! :P

"Jo! Magpapapicture na talaga ako sa kanya." sabi ko na confident pa talaga.

"O sige." pagsang- ayon naman niya.

"Basta, kayo ang magsabi."

"Baliw! Oo na."

"Nahihiya ako eh." natatawa kong sabi.

Hapon na at kailangan na naming magligpit ng mga gamit namin. Masaya nga kami't marami ang bumili.

Pero.. Hindi pa ako nakakapapicture kay Samuel.

"May! Ayan na si Samuel!" tawag ni Alym.

"Gora na May, magpapicture ka na." pilit naman ni Abby.

"Ayoko! Nahihiya na ko."

Ang rami- rami kayang tao tapos nandiyan pa ang ibang contestants. Pero nakita kong hinarangan ni Joanna at Roshee si Samuel.

"Samuel! Picture naman kayo ng kaibigan namin oh." silang dalawa.

Oh! Sheet!

Bahala na nga!

Pumunta ako sa tabi ni Samuel pero hindi gaano kalapit. Nahihiya talaga ako eh.

Nang matapos ang pagkuha ng litrato, Nagpasalamat ako sa kanya na hindi nakatingin.

I can't take it anymore. I felt my face burning.

Pero hindi ko talaga magawang hindi tumingin sa kanya kaya pasimpleng tumingin ako at.. Sheet!

My heart beats fast!

I can't breathe!

Nakangiti na naman kasi siya.

Aaaaaahhhh! Kinikilig talaga ako!

"Waah! May! Ikaw na talaga!"

"Nakikilig talaga ako sa inyo!"

"May! Sheet!"

Mga sigaw ng mga kaibigan ko sabay hila ng buhok ko.

"Araay!"

Mga baliw talaga 'to. Sobra pa sila sa akin kung kiligin.

Hanggang kailan ko kaya 'to mararamdaman kay Samuel?

Hanggang kailan ko makikita ang mga ngiti niyang nagpapatibok nang ganito sa puso ko?

Aaahh! Basta!

For now, I will love this Feeling!

crush? or CRUSHED?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon