CHAPTER 1

9 1 0
                                    

Her pov,

Gosh nakakabored nanaman . Haynako paulit ulit na buhay,magigising para kumain at mag-aral tapos uuwi para matulog at gigising nanaman. Gosh bigyan niyo naman ng challenge buhay ko oh.

By the way high way, Ako nga pala si Maria Faith Havier,Oh mas kilala bilang Faith. So yun na nga halata naman diba? Sobrang tamad ko kaya ayun boring ang buhay ko.

"Faith! Gumising ka na d'yan at kumain ka na!!"Sigaw ni mama sa baba. Owemji si mudra talaga sobrang sakit sa tenga kung sumigaw daig pa ang nasusunugan.

"Yes my beautiful mother I'm coming don't you worry."Maarte na pambobola kong sabi sakaniya.

"Gisingin mo na rin ang mga kapatid mo Faith."Utos saakin ni mudra.

"Haynako heto na nga gigisingin ko na sila."Tamad kong sagot habang inaayos ang higaan ko at pumunta sa room ng dalawang bubwit kong kapatid.

"Ahhh!! may sunog!!!"Sigaw ko kaya yung dalawa halos magkandauga uga na sa pagbangon.

"Asan?!Asan yung sunog!"Kinakabahang tanong ni Gail, pangalawa saamin.

"Wahh!!yung cellphone ko asan! May sunog!" Sigaw naman ni Richie.

"Pfft!HAHAHAHA ang LT niyong dalawa,oh siya maligo na daw kayo at baba na tayo dahil may pasok pa tayo HAHAHA."Natatawa kong saad at tumakbo na sa aking kwarto. Binabato na kase nila ako ng unan.

"I hate you ate!"Sigaw nilang dalawa.

"Likewise my siblings."Pahabol kong saad sa kanila.

At pagdating ko sa kwarto ko ay naligo na ako dahil baka ako naman ang sigawan ni mudra.

Fast forward~

"Oh Faith pumasok na kayo at malelate na kayo."Sabi ni mama kaya tumingin ako sa relo at ayun boom 7:00 na at 7:15 na ang klase namin. Shuta late nanaman ako nito.

"Bye ma!Alis na po ako!"paalam ko kay mama at kinuha na ang bag ko sabay takbo.

Kung tatanungin niyo kung nasaan yung dalawang bubwit,mamaya pa ang klase nila. 8:00 pa kaya pachill chill palang sila sa bahay. Samantalang ako,heto takbo rito takbo roon,liko rito liko doon. Bakit ba kase ang layo ng bahay namin sa school!!

At after ng mahaba habang takbo nakarating na rin ako sa wakas sa gate  kaso 7:18 na pagtingin ko sa relo ko. Gosh!! Late nanaman ako nako terror pa naman teacher namin ngayon.

7:21 nakarating na ako sa room at shems ayun nakasara na yung pinto at nakakahiya. Pero bahala na yan.

Tok tok tok!

"Come in" sabi nung nasa loob.

Kaya binuksan ko na ang pintuan at ayun lahat ng mata ay nasa akin.

"Yes miss Havier? Why are you late?"Nakataas kilay na tanong ni ma'am.

'Paktay sabi na nga ba ehh masesermunan nanaman ako nito.'sabi ko sa isip ko.

"Ah heheee uhmm kase ma'am malayo ang bahay namin."Nakayuko kong sagot.

"Diba sinabi ko na sayo na kapag malayo ang bahay niyo,gumising ka ng maaga! Now go to your sit and  get one fourth sheet of paper! Number 1!"paktay ginalit ko ang dragon.

Kaya dali dali akong pumunta sa pinaka dulo sa may tabi ng lalaking di ko kilala at kinuha ang papel ko. Ngunit kung minamalas ka nga naman naubusan pala ako ng papel.

"pst"tawag ko sa katabi ko.

"pst" tawag ko ulit rito ngunit di ako pinansin.

'ina,famous ka kuya'saad ko sa aking isipan.

"Pst!"medyo napalakas kong paswit.

"Yes Ms. Havier what's your problem?!"tanong ni ma'am habang magkasalubong ang kaniyang kilay.

"Heheh naubusan po kase ako ng papel baka pwede pong makahingi sa mga kaklase ko."Saad ko kay ma'am habang kinakatay na itong kaklase ko sa aking isipan.

"Studyante ka pero wala kang papel? At ano hihingi sa mga kaklase mo bakit nanay mo ba sila?! Get one whole sheet of paper at gumawa ka ng essay about sa protecting mother earth!"Umay naman yan essay pa talaga.

"Ma'am ilan pong words?"Bored kong tanong.

"Punuin mo yung 1whole at back to back.That's will be your punishment for being late and for not bringing your paper."Sagot ni ma'am kaya naman kahit na ayaw ko ay wala akong magawa.

Padabog akong umupo at nagsimula na. Gosh nakakangawit pa naman.Oh diba terror sabi sainyo ehh hayss sana maubusan siya ng kilay kidding. At itong nasa tabi ko namang kuya ay natatawa na saakin.

"Humanda ka saakin mamaya."bulong ko sakaniya at sinigurado kong kaming dalawa lang nakikinig.

After 2hours!

Kring!!

Sa wakas! Tapos na rin ang pag-aaral. Well 2subjects lang ang pinag-aaralan namin tuwing umaga,at sa hapon naman ay tatlo.

"Huyy!!"tawag ko sa lalakeng nakaupo sa tabi ko.

He glanced at me. Shems si crush pala.

"What's your problem?"He asked.

"U-uhmm wala naman." Bulong ko

"Ok."Sagot niya at nagsimula ng maglakad upang lumabas.

"Saglit! Hindi pa ako nakakaganti sayo. Ng dahil sayo mas lumala pa parusa ko kanina."Paninisi ko sakaniya habang hawak ang kaniyang braso.

Tinignan niya ang kamay na may hawak sa kaniyang braso and he wear his playfully smirk. Darn! What a jerk!

"Kasalanan ko bang wala kang papel at nalate ka sa klase natin?"Mapaglarong tanong nito saakin.

"Whatever! Get out! Nandidilim vision ko sayo!"Naiinis kong tugon sakaniya at tinignan siya ng masama na mas nagpalawak ng kaniyang ngisi sa labi.

"Ok sabi mo eh."Saad nito at saka nagpatuloy na sa kaniyang paglalakad.

Darn! That man pasalamat siya at may awa pa ako sakaniya.

Padabog kong kinuha ang gamit ko at saka naglakad na palabas dahil ano pa bang gagawin ko sa room? Tutulala dzuhh.

Dumeretso na ako sa cafeteria para kumain pero bago pa ako makarating doon ay may nabunggo pa akong bakal este tao.Kaya ayan sumalampak ako sa sahig. Ansakit sa pwet!

"Miss are you ok?"He asked.

"Darn ansakit ng pwet ko! Ikaw kayang bungguin ko d'yan tapos sumalampak ka sa sahig magiging Ok ka ba?!"Naiinis kong sagot sakaniya.

"I'm sorry-"Paumanhin nito saakin ngunit pinutol ko na ito.

"Fine!Just go!"Sagot ko sakaniya sabay tayo at pinagpagan ang pwetan ko.

"Sungit"Bulong nito pero rinig ko naman.

Tinatamad na akong makipagtalo kaya hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.

PRECIOUS FORTUNETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon