Harold Pov.
Pagkagising ko sa umaga ay tumulala agad ako. Hindi ko alam kung paano kikilos sa isiping wala na kami.
Ang daya ni tadhana, akala ko siya na, pero hindi pa rin pala. Akala ko siya na ang panghabang buhay ko, pero may katapusan pa rin pala.
"Anak, kain na. Bumaba ka na d'yan at baka malate ka pa." Tawag ni dad saakin. Wala sa sariling bumangon sa higaan at nagpakawala ng bundong hininga.
"Sana panaginip nalang ito." Mahinang usal ko saka ngumiti ng mapait at bumaba na.
"Goodmorning nak,how's your sleep?"Tanong ni dad nung nasa hapagkainan na ako.
"Ayos lang dad."Simpleng sagot ko saka ako kumuha ng mga pagkain at umupo.
"Oh I see, how'bout your studies?" Tanong niyang muli.
"Ayos lang rin, maganda 'yung school na nilipatan ko and I hope that was the last school for me." Pabalang kong sagot.
"Ray, alam mo naman kung bakit tayo lumilipat diba?" Parang nagsusumamong tanong saakin ni mom and yes I know that.
Hindi nalang ako sumagot at nagtuloy-tuloy lang sa pagkain. Pagkatapos ay bumalik na ako sa kuwarto upang maghanda papuntang school.
"May idadagdag pa bang sakit ito?" Wala sa sariling tanong ko.
Habang nagbibihis ako ay biglang tumunog ang cellphone ko. Kaya tinignan ko kung sino ang tumatawag at sinagot ito.
"Hey Dude! Kumusta? Namimiss na kita pre bumalik ka na dito." She's Anica Ivan my bestfriend since we're kids.
"Wala akong magawa, lumipat kami ng tirahan. And by the way, wala na kami ni Zein." Sagot ko saka binalita na rin ang pagkawala ng relasyon namin ni Zein.
"Wait, are you ok? Gusto mo bang puntahan kita d'yan sainyo? May ipon pa naman ako para makapagbyahe papunta d'yan." Anica said.
Anica is always been here for me. She's always care about me, she giving me comfort whenever I need and she's been my buddy since when.
"Ayos lang ako, at saka may pasok ka pa kaya bakit ka pupunta dito? Don't worry about me, parang kagat lang ito ng langgam. Ako pa ba?" Sabi ko habang pinapalakas ang loob ko.
"Sabi mo eh, pero kung gusto mo ng makakausap, andito lang ako." Sagot niya kaya napangiti naman ako.
"Thanks Anica by the way I'll go ahead, Papasok na kasi ako." Paalam ko rito saka pinatay yung tawag at hindi na hinintay pang makasagot siya.
Masyado siyang madaldal baka nahuli na ako sa klase kung aantayin ko pa yung mahaba niyang paalam.
Pinagpatuloy ko na ang pagbibihis saka bumaba na at nagsimula ng magtungo sa school.
"I'll go ahead mom,dad!" Paalam ko sakanila habang naglalakad.
"Ingat!" Mom last shout before I left our house.
Habang naglalakad ako, may dalawang tao akong nakita sa malayuan. Hindi ko alam kung bakit pero kusang tumulo ang luha ko ng makita ko siya. Gusto ko siyang habulin o kaya nama'y tawagin. Nakita ko siya, nakita ko si Zein at alam kong siya yun kahit na hindi pa kami nagkikita sa personal. Kamukhang kamukha niya ang babaeng nasa may dulo ng kanto habang kahawak kamay ang isang lalakeng matagal ko ng pinagseselosan. Pero ang nakakapagtaka ay kung bakit nandito siya. Samantalang ang sabi niya saakin ay nasa dulong parte sila ng bansa.
Alam ko na siya ito, Ang dami kong gustong sabihin sakaniya ngunit naduduwag ako dahil sa alam kong hindi na ako. Alam kong masakit ang bawat sagot na galing sa kaniyang labi. At alam kong walang magbabago kung magtatanong man ako sakaniya.
BINABASA MO ANG
PRECIOUS FORTUNE
Novela JuvenilThe genre of this story is teen fiction.I'll dedicate this to someone who special to me. Naniniwala ka ba sa hula? Then dito siguradong mapapaniwala ka.