CHAPTER 3

3 0 0
                                    

Pagkarating ko sa classroom eksaktong kararating lang rin ng teacher namin kaya pumunta na ako sa aking upuan sa bandang likod at baka mapagalitan pa ako.

"Ok good afternoon class,get one fourth sheet of paper."Bati nito saamin. Napaka gandang pabati pampasagad utak nanaman.

"Number one! Magbigay ng isang manunulat na nakapagsulat na ng isang Nobela."Unang tanong palang hindi ko na alam. Utak gumana ka naman ayokong maging kulelat ngayon.

Dahil wala akong maisip na sagot ehh lumingon ako sa dalawang katabi ko. Pero wrong move! Dahil ang mga katabi ko ay yung dalawang nagpapainit ng dugo ko.

'Wait kaklase ko pala tong nakabungguan ko. Akala ko nasa star section toh.'Takang tanong ko sa aking sarili.

'Punyemas naman oo.'Usal ko sa aking utak.

"Wala kang sagot?number 3 na ah. Linis naman ng papel mo." Mahinang pang-aasar saakin ni Andrei. Peste tong lalakeng tohh kala mo kung sino porket may sagot lang siya eh.

Inirapan ko nalang siya at tumingin sa harap. Ilang sigundo lang may naramdaman akong nahulog na papel sa kanan ko. Dun naman nakaupo yung nakabungguan ko kanina.

Pinulot ko yung papel at nakita ko na may nakalasulat. Binasa ko ito at napag-alamang sagot pala ito.

Tumingin ako sakaniya at nakayuko lang siya. Kaya ngumiti nalang ako at bumulong.

"Thank you."

"And last number,Ano-ano ang bahagi ng nobela?" Sabi ni ma'am at alam ko ang sagot dun.

"Ok exchange paper with your sitmate."Sambit pa nito.

"Akin na papel mo/give me your paper."Sabay na sabi ng dalawang katabi ko.

Oh oh,Kanino ko ibibigay papel ko?

Tumingin ako sa dalawa at sinamaan sila ng tingin.

"Kayong dalawa kanina pa kayo ahh!Magsilayas nga kayo sa paningin ko!"Malakas na ani ko na siyang kinalingon ng mga kaklase ko pati ni ma'am.

"Miss Havier,Mr. Warth and Mr.  Tamiente,Anong problema niyo dyan?" Tanong ni ma'am habang masamang tumingin sa aming tatlo.

"Ahm nothing ma'am sinipa lang po nila yung upuan ko."Palusot na sagot ko rito.

Lintek! Napapahamak ako sa dalawang tohh. Hayss kung pwedeng lang lumipat ng upuan.

"Oh magpalitan na kayo ng papel."Utos ni ma'am saamin.

Kaya binigay ko yung papel ko kay Andrei at kinuha ko naman yung papel ng isa pang asungot tapos kinuha naman niya ang papel ni Andrei.

'Rey Harold Warth'Basa ng isip ko sa pangalan n'ya.

Ang angas ng name kaso sakit sa ulo. Haynako makapag check na nga.

Ilang minuto lang ang nakalipas at natapos na rin kami sa pagchecheck.And ackk!! Kinikilig ako sa score ko. 18/20 not bad pero yung si Harold naka perfect sa quiz namin. Parehas pala sila ni Andrei na perfect rin. Oh diba ang tatalino ng mga unggoy.

"Let's proceed for our topic,Ang nobela. Ano nga ba ang nobela?"Tanong nito saamin pero di ako nakinig.

"Any one?" Nagtaas ng kamay ang iba kong kaklase. "Ok miss Havier pwede mo bang maibigay saamin ang kahulugan ng Nobela."Pero sa kamalas malasan ako pa talagang nananahimik dito ang nahanap ng mga mata ni ma'am.

Tumayo naman ako at alanganing ngumiti sakanya.

"Ang nobela ay isang kuwento."Taas noo kong sagot na siyang nagpatawa sa mga kaklase ko.

"Grabe ka talaga Faith."
"Idol!! HAHAHAA"
"Ibang klaseng sagot."Papuri  ng mga kaklase ko.

"Siyempre ako pa ba?"Proud kong sagot na mas nakapagpalakas ng kanilang tawa.

"Idiot."Bulong ni Harold.

"Tanga."Bulong naman ni Andrei.

"Inggit lang kayong dalawa."Mataray na sabi ko sakanila.

"Jusko kang bata ka,Umupo ka na nga."Sabi ni ma'am.

Ang galing ko talaga.

"Anyone?Sino magbibigay ng matinong kahulugan ng Nobela."Tanong ni ma'am at siya namang nagtaas ang dalawa kong katabi ng kanilang kamay.

"Oh,Mr. Warth."Turo ni ma'am kay Harold.

"Ang nobela ay isang mahabang kuwento na siyang may mga kabanata na naihahalintulad ng isang sining gamit ang matatalinhagang salita."Sagot nito at pumalakpak naman si ma'am.

"Good answer Mr. Warth,How'bout you Mr.Tamiente."Turo naman nito kay Andrei na nakasimangot sa tabi ko.

"Ang nobela ay nagpapakita ng isang pangyayare sa pamamagitan ng balangkas."Bagot na sagot naman nito.

"Good answer too."Nakangiting papuri ni Ma'am sakanila. Edi sila na.

"Ang nobela ay bla bla bla."Hindi na ako nakinig sa tinuturo ni ma'am dahil wala rin naman akong interes rito at inaantok pa ako.

Hindi ko na namalayan na katulog na ako at paggising ko'y tapos na pala ang dalawa kong klase. Tinignan ko ang oras at 4:45pm na pala. Jusko ang haba ng tulog ko at bakit hndi man lang ako ginising kanina!

"Are you done stearing at the board?"Sabi ng kung sino sa gilid ko. Pagtingin ko may tao pala at si Harold pa.

"Uhmm bakit di niyo ko ginising kanina?"Tanong ko.

"Tulog mantika ka. Kanina ka pa ginigising pero hindi ka magising."Sagot nito.

"Ahm bakit andito ka pa? Diba kanina pa ang uwian?"Inaantok na tanong ko rito.

"Inantay ka,Delikadong iwan ka ng mag-isa dito. Baka kung anong mangyare pa sayo." Sagot nito na siyang nagpagising ng diwa ko.

"Inantay? Bakit naman?" Tanong kong muli.

"Tss,Daming tanong tara na at baka masarhan pa tayo dito."Aya niya saakin at nauna ng umalis.

Ayos na sana ehh kaso pinagana nanaman ang kasungitan. Kalma self hinintay ka nyan.

Sumunod na din ako sakaniya at baka bumuga pa ng apoy.

"Thank you pala Harold." Pasalamat ko sakaniya habang sinasabayan siya maglakad.

"Welcome."Sagot niya saka umuna na sa paglalakad.

"Sige at jan na ako sa kabilang daan."Paalam ko sakaniya ngunit di ako nakatanggap ng sagot kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papunta sa bahay.

Hays ang layo pa ng lalakarin.

Tumingin ulit ako sa likod ko at hindi ko na siya nakita kaya dumeretso nalang ako.

Pagdating ko sa bahay ayun na si Mudra aandar na ang ratrat niya.

"Oh! Saan ka nanaman galing bata ka?! Kung saan-saan ka napapadpad aba! Mamaya makita na kitang lumulutang sa ilog!"Sermon ni mudra kaya ayun rindi nanaman ako.

"Ma,nakatulog lang ako sa school kaya nalate akong umuwi at naglakad na rin ako kase nakalimutan kong sumakay."Pagpapaliwanag ko sakaniya habang papasok sa kuwarto ko.

"Kumain ka na diyan! At magbihis ka na rin amoy laway ka na."Pang aasar ni mama.

Inamoy ko naman sarili ko.Hindi naman ahh,kaunti lang.

Nagpalit na rin ako at pumunta sa hapag kainan upang kumain. Pagkatapos kong kumain ay nagreview na ako. Nakasanayan ko na ito pero walang pumapasok sa utak ko.Pagkatapos ay nahiga na ako at inalala ang pangyayare ngayon. Hayss ang dami palang nangyari sa school at nakakapagod.

Sa hinaba haba ng pag-iisip ko ay di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

PRECIOUS FORTUNETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon