Faith Pov.
Good morning everyone! Ang ganda ng gising ko ngayon, bakit kaya? Well bakit pa ako magtataka ehh ako ngang gumising maganda na edi siyempre pati paggising ko ay sing ganda ko.
Nag-unat muna ako at inalala ang nangyare kahapon. Grabe dalawang guwapong lalake ang nakilala ko. Pero nakakainis naman tsk! Palibhasa mga unggoy na pinaglihi sa sama ng loob.
"Faith gising na at ng makakain na tayo." Tawag ni mama na nasa kusina.
"Opo mudra pababa na, wait for me mudra!" Biro kong sabi at inayos ko na ang aking higaan.
Pagtapos kong mag-ayos ay lumabas na rin ako sa kuwarto at pumuntang kusina. Naabutan ko yung dalawa kong bubwit na kapatid at lumalamon na sila.
"Aba magaling! Di ako tinawag ng dalawang tohh,at ba't ang aga niyo atang magising?" Pagtataray kong sabi sakanila.
"Ate ayaw na kase namin na bulabugin mo tulog namin. Kaya ayun nagising kami ng mas maaga sayo." Nakasimangot na sagot ni Abigail saakin.
Lumapit na ako sa hapag kainan at kumuha ng plato ko. Nagsimula na rin akong kumuha ng pagkain at kumain.Niramihan ko mahirap na baka magutom ako habang nasa school.
"Oh kamusta nga pala ang klase mo Faith?" Biglang tanong ni mama sa kalagitnaan ng kain namin.
"Ayos naman po." Nakangiti kong sagot.
"Eh may jowa ka na ba?" Tanong nito na nagpaubo saakin.
"Tubig!Tubig!" Sigaw ko habang inuubo.
At ayun silang tatlo eh tawang tawa.
"HAHAHA ate ba't bigla kang nabulunan?HAHAHA."Natatawang pang-aasar ni Richie saakin.
"Eh kase naman si mama kung ano-anong tinatanong. At sa sagot sa tanong mo ma, Wala at ayokong magjowa sagabal lang yan sa buhay." Sagot ko sakanila tsaka chineck kung anong oras na. Shems! 7:00am na late nanaman ako!
"Ma! Una na ako sa taas at maliligo pa ako. Muwahh!" Nagmamadaling paalam ko sakanila saka patakbong pumunta sa kuwarto.
Bakit ba kase hindi ko napansin yung oras. Inamoy ko sarili ko.
"Medyo mabango pa naman ako, mamayang hapon na ako maliligo. Magbabrush nalang muna ako." Mahinang usal ko sa sarili at dumeretso na sa banyo para magsepilyo.
Pagtapos kong magbrush,kinuha ko na agad ang uniform ko at nagbihis. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakabihis na ako tapos kinuha ko na rin ang bag ko at umalis.
'Jusko bakit ba ako nagmamadali eh palagi naman akong late.' Sabi ko sa isip.
"Ma punta na po ako!" Paalam kong sigaw at nagmamadali ng maglakad palabas.
Nako si terror nanaman teacher namin ngayon. Bakit ba palagi nalang akong minamalas. Hayss buhay.
Nung nasa gate na ako ng school ay tumigil muna ako para habulin ang hininga ko. Ang haba ba naman ng nilakad ko tapos ang bilis ko pang maglakad.
"Miss asan ID mo." Biglang sabi ni kuya guard saakin, kaya napatingin ako sa dibdib ko at wala nga akong ID!
"Ahh kuyang guard baka pwede naman pong pumasok kahit walang ID." Pakiusap ko sakaniya.
"Nako magbayad ka nalang ng 20pesos para makapasok ka." Pagmumulta nito.
"Jusko naman kuya,wala na nga akong pera susuhulan mo pa ako." Pag-angal ko sakaniya.
"Aba umaangal ka pang bata ka,baka gusto mong huwag ng makapasok dito?" Nananakot niyang sabi.
"Eto naman si kuya hindi mabiro,oh ito 25 may sobrang limang piso dahil special ka." Pambibiro ko saka inabot sakaniya ang pera.
"Mabuti naman at di ka na umangal." Sabi nito saka binuksan yung gate.
Hayss sa wakas makakapasok na rin! At may palusot pa ako. Naglakad na ako papunta sa classroom ko.
Pagdating ko sa classroom ay nakabukas ito at nakita kong nagtuturo na si ma'am kaya namekeng ubo ako para mapansin ako ni ma'am.
"Oh miss Havier napakaaga mo namang dumalo sa klase." sarcasthic na sabi niya.
"Uhm. Hindi po kase ako pinapasok ng guard dahil hindi ko suot ang ID ko kaya natagalan po ako." Pagdadahilan ko.
"Tsk, angas ng palusot mo ngayon ahh. Sige maupo ka na dun!" Mataray na sabi niya. Kaya dali dali akong pumunta sa upuan ko.
Hayss sa wakas wala akong sermon na narinig.
"Late ka nanaman ms. Pake ko tinatanong. Ano bang pinaggagawa mo at bakit late ka." Bulong ni Andrei sakin. Saka ko lang napansin na wala pa pala si Harold.
"Wala kang pake." Mataray na usal ko.
"Tsk." Napapahiyang sabi niya at nakinig nalang kay ma'am.
'Asan naman kaya yung isang unggoy na yun? Kabago bago palang pero may absent na. Pambihira.' sabi ko sa isip habang nakatingin sa katabi kong upuan.
"Ahemm, kumusta?" Biglang tanong ni Andrei.
"Ayos lang ikaw ba?" Mahinang sagot ko. Para kaming tangang nagbubulungan dito.
"Ayos lang rin,naligo ka ba?" Nagtatakang tanong nito saakin. Kaya dun ako nagising sa realidad.
"O-oo naman natuyo lang nung papunta ako dito." Pagpapalusot ko.
"Ok,sabi mo ehh." Sagot nito saka humarap na ulit kay ma'am.
"Bukas may oral recitation tayo kaya magreview kayo at ikaw ms. Havier paki-agahan naman ang pagpunta sa klase." Pagpapaalala ni ma'am saamin at siyempre special mention nanaman ako.
"By the way, where's mr. Wrath?"tanong nito saamin.
"Hi ma'am sorry I'm late." Sabi ni Harold na kadarating lang. Grabe may mas late pa pala saakin.
"And why are you late?" Mataray na tanong ni ma'am sakaniya.
"Important matter ma'am." Pormal na sagot nito saka pumunta na sakaniyang upuan.
"Mga kabataan nga naman ngayon oo." Mahinang usal ni ma'am at nagpatuloy na sa klase.
Tinignan ko naman si Harold na parang wala sa sarili. Nakita ko ring namumugto ang kaniyang mata.
'Baka dahil lang sa puyat niya.' Sagot ko sa isip ko.
Binalik ko nalang ang tingin ko sa harap at baka mahuli niya pa akong tumititig sakaniya. Hindi pa naman kaming magkaibigan and ayaw ko maging kaibigan yan. Mapangasawa pwede pa choss.
Pero bigla akong napatingin sakaniya ng bigla siyang nagbuntong hininga ng malakas. Feel ko mabigat dinaramdam nito.
"Psst!"pagtawag ko sa atensyon nito na siya namang kinalingon niya.
"Hmm?" Walang ganang sabi nito.
"Uhmm may problema ka ba?" Tanong ko rito.
"Why do you care? Tssk." Masungit na sagot nito saka dumukdok.
Grabe ako na nga itong nangangamusta sakaniya tapos may gana pa siyang sungitan ako. Pasalamat siya at maganda mood ko ngayon.
"I'm fine don't worry." Biglang sagot nito habang nakadukduk pa rin.
Kaya nag-iwas nalang ako ng tingin sakaniya at nakinig kay ma'am.
'Fine mo mukha mo unggoy,halata namang di ka ok tsk.' Banas kong sabi kong sabi sa isip.
"Bakit ko ba siya prinoproblema tsk." Mahina kong sabi sa sarili pero narinig ata ni Andrei kase lumingon siya sa gawi ko.
"Who?" Tanong nito saakin.
"Wala kana dun hmp!" Pagsusungit kong sagot sa tanong niya.
"Sungit."Mahinang usal niya habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
PRECIOUS FORTUNE
Fiksi RemajaThe genre of this story is teen fiction.I'll dedicate this to someone who special to me. Naniniwala ka ba sa hula? Then dito siguradong mapapaniwala ka.