Her Pov
Kung minamalas ka nga oo. Haynako kamalasan lubayan mo ako,kakasimula pa lang ng araw ko oh. Sirang sira na.'Yung dalawang lalakeng yun porket gwapo sila ehh gaganituhin na nila ako dzuhh!Humanda sila sa'
"Bagsik ng isang api!"Napalakas na sabi ko at hindi ko na namalayan na nasabi ko na pala ang iniisip ko. Jusko Faith ano ba?!Puro ka kahihiyan.
Tumingin ako sa harap ko at ang mga ka schoolmates ko ay nakatingin saakin jusko! Ano ba tohh! Malas talaga!
Kunware wala akong alam sa ginawa ko at nagpatuloy sa paglalakad pero dahil sa mga tingin pa rin nila na hindi maalis saakin na animong parang isa akong weirdo na naligaw sa school na'to. Kaya humarap ulit ako sakanila.
"Oh! Anong tinitingin tinging niyo jan?!Alam kong cute ako pero don't look at me like that guys."Mahangin kong sabi sakanila at preskong naglakad na papuntang cafeteria.
'GUTOM NA AKO!!!'
At ilang lakad lang ang ginawa ko,andito na ako sa cafeteria pero nakakainis dahil napakabagal ng galaw ng pila.
'Ano ba! Hindi niyo ba nakikita andito na yung patay gutom niyong schoolmate oh.' Saad ko saaking isipan.
Para na akong baliw rito na kinakausap ang sarili. Pero was pake!Ako lang naman ang nakakaalam at nakakarinig sa isip at sarili ko ah.
"Ambagal ng pila gutom na ako."mahinang sabi ko.
"Maghintay ka,mukha kang tangang bumubulong jan." Sabi ng nasa harap ko at nagulat ako dahil siya yung kaklase ko na hinihingan ng papel kanina.
"Oh ba't ganyan ka makatingin sa gwapo kong mukha?" Sabi pa nito habang may pilyong ngiti sa labi.
"Gosh!Hindi ko alam na sobrang hangin pala dito sa Cafeteria. Oh my gosh baka matangay na ako nito! and excuseme kuya-"Saad ko ngunit pinutol nito ang sasabihin ko.
"Makakadaan ka na."Sagot nito.
"Inamo! Daanan ko kaya ng kamao ko yang mukha mo!"Sigang saad ko at hinahanda na ang sarili ngunit bigla niyang pinitik ang noo ko.
"Aray! Nakakailan ka na saakin ah!"Sabi ko sabay kutos sakaniya.
"Ang hina mo naman mangutos."Pang-aasar nito saakin.
"Ah ganun!"Sasapakin ko na sana siya ng biglang may sumingit sa aming dalawa.
"Pwede bang pakibilisan niyong magtalo d'yan at nakaka isturbo na kayo ng pila! Kayo na ang susunod oh!Haynako."Saad ni ateng makapal ang make up.
"Sorry miss ha,may isang papansin kase dito sa harap ko."Saad ko.
"Kaya nga miss may isa namang sadista sa likuran ko kanina na parang timang"Sagot naman ng lalakeng kaaway ko.
"At saka ang hangin niya miss kaunti nalang tatangayin na ako ehh,hindi naman totoo yung papuri niya sa sarili mukha nga siyang unggoy!"Pagpaparinig ko sakaniya.
"Ay miss mas malala naman siya parang palaka ang mukha." Pang aasar nito saakin at tumingin pa talaga ang siraulo.
"Hiyang hiya naman sakaniya na amoy tae ang hininga."Mataray kong pang-aasar rito.
"Ops ops ops! Tama na yan,jusko dzai. Ano ba kayo pumila na nga lang kayo jan. Ako ay naloloka na sainyo. Dinadamay niyo pa ako jan sa gulo niyo."Saad ni ate at nauna ng pumila saamin.
Sinamaan ko naman itong lalakeng ngising ngisi saakin. Parang timang! Mukha siyang adik.
At sa mahaba habang pila ayun at naka dating na rin ako sa harapan ng pila. Kumuha na ako ng pagkain ko at natakam ako sa isang perasong isda,kukunin ko na sana nang bigla naman kinuha ng isang magaling na lalake.
"Ikaw nanaman?! Akin yan!" Pag-aangkin ko.
No,akin ito at ako ang nauna."Sagot niya naman.
"At sinong nagsabing ikaw ang nauna?"Tanong ko rito.
"Siyempre ang guwapong ako."mahangin rin na sagot nito.
Jusko bakit ba sa dinami dami ng makakasagutan ko itong isa pang ugok na ito! Sino?! siya lang naman yung nakabanggaan ko kanina.
"Mawalang galang lang po pero saakin tohh! Ako ang naunang nagnasa dito at kukunin ko na sana pero tinuhog mo na."Sabi ko rito ngunit hindi niya ako pinansin at dinilaan na yung isda.
"Kadiri!!!Sayo na inamo!"Saad ko at inis na tinalikuran siya at naghanap ng vacant sit.
At ng makahanap ako ay dali dali akong pumunta dun para kumain. Sobrang inis ko ngayong araw parang gusto kong mangatay ng dalawang siraulo.
Buti nalang may pagkain na ako,pampaalis inis ngayong araw. Food is life! Kaya enjoy lang tayo kumain.
Pagkatapos kong kumain ay inikot ko ang paningin ko. Sakto namang tumigil sa lalakeng kaklase ko na nakatingin rin pala saakin.
'Tinitingin tingin ng unggoy na toh?'kunot noong tanong sa utak ko.
"Huyy!!"gulat ng kung sino.
"Ay mukha kang bakang nakawala!Ano ba Jade!Pwede bang hinay hinay sa panggugulat?Kita mong ang ganda ganda kong nakikipagtitigan rito oh."Angal ko kay Jade,bestfriend ko.
"HAHAHAH ang epic ng mukha mo gurl,Oh sino pala yang tinititigan mo ha?"Tanong nito saakin.
"Ayun oh!"Turo ko sa asungot kong kaklase.
"Kala mo naman kinagwapo niya yang pagsmirk niya ehh mukha nga siyang nababaliw tss."Inis na dagdag ko.
Bigla naman siyang tumayo at naglakad papunta sa pwesto namin.
"Oh oh,nakita ka ata gurl."Sabi ni Jade saakin habang nakatingin rin sa lalakeng papalapit saamin.
"Gosh gurl ang guwapo niya."Pigil kilig na usal niya.
"Huy! Bulag ka ba asan ang guwapo jan?baka kuwago."Mataray na sagot ko.
Sakto namang dumating na siya sa puwesto namin.
"Oh anong ginagawa mo dito?'Mataray na tanong ko. Sungit sungitan tayo ngayon.
"Wala naman by the way my name is Andrei Rie Tamiente and you are?"Nakangiting pagpapakilala niya saakin.
"Pake ko?Tinatanong?" Pambabara ko dito with matching taas kilay pa.
"Cute,Hi Ms.. Pake Ko Tinanong,Ang unique naman ng name mo."Natatawang usal niya.
"Aray!"Angil niya dahil binatukan ko siya. Lakas makaasar ayan bumingo tuloy.
"Feeling close ka tol?" Tanong ko sakaniya habang tinignan siya mula ulo hanggang bewan kase nakaharang ang mesa.
"Sungit. By the way I excuse my self first. See you later ms. Pake ko tinatanong."Paalam niya at naglakad na palayo.
"Kyahhhh!!!!! ang guwapo niya gurl!!"Kilig na sabi ni Jade na nasa tabi ko pa pala.
"Mukhang unggoy."Sagot ko at tumayo na rin at nagsimulang maglakad papuntang next class.

BINABASA MO ANG
PRECIOUS FORTUNE
Teen FictionThe genre of this story is teen fiction.I'll dedicate this to someone who special to me. Naniniwala ka ba sa hula? Then dito siguradong mapapaniwala ka.