Andrei POV
I saw them, running at the hallway while I am hidding at the back of the wall.
I miss him, I miss my bro but sadly because of thay fuckin' scenario of our life, We need to be apart.
Ray is my former bestfriend, Yes a former bestfriend.
*FLASHBACK.
"Rey! Dun tayo sa may puno at may ipapakita ako." Aya ko sakaniya. Lumapit naman siya saakin kaya sabay na kaming pumunta sa puno.
"Drei,Ano ba yung papakita mo?"Tanong naman nito habang naglalakad.
"Basta, makikilala mo rin siya." Sabi ko naman.
"Haynako baka kalokohan yan, mapapagalitan nanaman tayo ni Dad n'yan." Kabadong sabi nito at binigyan ako ng mapagbanta na tingin.
"Hindi nga, titignan lang natin siya." Sagot ko.
Nakarating na kami sa may puno na yun at nagtago habang sumisilip ako sa pinaroroonan ng isang babaeng nakaupo sa damuhan.
"Ang ganda niya diba?" Tanong ko sakaniya ngunit hindi siya sumagot kaya napalingon ako sakaniya. Pagtingin ko sakaniya,nakita kong nakatitig siya sa babaeng nasa sinisilip namin.
"Oo." Wala sa sariling sagot nito.
"Huyy dre! Akin yan huwag kang mang-aagaw. Ako unang nakakita sakaniya. Huwag mong agawin kung gusto mong mabuhay pa ng ilang dekada." Pagbabanta ko rito.
"HAHAHA wala naman akong balak agawin siya sayo ahh. Sinabi ko lang na oo eh. Masyado kang possessive dre, Yay!Inlababo na pare ko. " Natatawang pang-aasar niya saakin.
"Huyy! Rey huwag kang maingay at baka marinig niya tayo!" sabi ko rito habang tinatakpan ang kaniyang bibig.
"Sinong andyan?" Biglang sabi nung babae kaya dali dali kaming umalis sa pwesto namin para di kami makita.
"Tado ka pre bakit hindi ka nagpakita? Napakatorpe mo nanaman,baka gusto mong maunahan ko?" Natatawang asar niya saakin.
"Subukan mo at makakakita ka ng world war three." Naiinis kong sagot.
Habang naglalakad kami ay biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko na ito at sinagot.
"Andrei ang daddy mo *sob." Umiiyak na sabi ni mommy.
"Bakit mom?what happened? Asan kayo?" Sunod-sunod na tanong ko kay mom.
"Pumunta ka nalang dito sa hospital." Sabi nito kaya tumakbo ako sa bahay dahil malapit naman na ito at kinuha ko ang motor ko.
"Anong nangyare Drei?" tanong ni Ray saakin.
"Si dad nasa hospital." Sagot ko habang pinapaandar ang motor ko.
"Ha?! Bakit? Teka sasama ako." Sabi nito saka sumakay sa motor ko.
Pinaharurot ko ng mabilis ang sasakyan ko at tinahak ang daan papuntang hospital.
"Drei dahan dahan lang baka mapano tayo!" Pagpapaalala saakin ni Ray pero hindi ko ito pinakinggan.
Nang makalapit na kami sa hospital ay biglang may isang van ang nag-overtake. Nabangga kami nito at tumilapon kaming pareho ni Ray.
Hindi ko na alam ang nangyare basta ang alam ko ay nagsilapitan saamin ang mga tao at siyang pagdilim ng aking paningin.
'Sorry Ray.' Huling nasabi ko sa isip bago ako mawalan ng malay.
Nagising ako na wala na si Ray sa lugar namin. Ang balita ko'y dinala siya sa manila at doon na pinagamot. Masyadong malala raw ang natamo niya kaya kailangan ipunta sa pinaka maayos na hospital.
*END OF FLASHBACK.
Nangyare yun noong grade 8 kami and now we're grade 11. Marami na ring pangyayare ang nagdaan saamin kaya hindi ko na alam kung paano ko pa siya makakausap.
Nung nakita ko siya ay natuwa ako ngunit wala akong lakas loob na kausapin siya. Kung mag-uusap man kami ay bilang lang sa daliri.
Gusto kong bumalik ang pagkakaibigan namin. Marami ng nagbago sakaniya, pero isa lang ang hindi nagbago at yun ang pagiging mapang-asar niya.
Kanina gusto ko siyang kamustahin pero hindi ko magawa. Nakita ko ang mga mata niyang punong puno ng sakit at lungkot. Ano kayang nangyare? Nagkasagutan ba sila ni tito?
Dahil sa pag-iisip ko'y di ko na napansin na late na pala ako sa afternoon class ko. Kaya naglakad na ako papunta sa classroom namin at baka mas mapagalitan pa ako.
"Class announcement, napag-usapan namin ng mga administration na magkaroon ng pageant sa darating na anniversary ng school,ito ay sa susunod na linggo na. Kaya ngayon palang pag-isipan niyo na kung sino ang isasalang. And why are you late Mr. Tamiente?" Sabi ni ma'am kaya napatingin saakin ang lahat ng kaklase ko.
"I'm sorry ma'am nakatulog sa library."Palusot ko nalang.
"Sige,pumasok ka na." Sabi nito kaya pumunta na ako sa aking upuan.
"Nakatulog raw, baka naghunting ng babae." Bulong ng katabi ko.
"Baliw." Sabi ko habang nakangiti.
Itong babaeng tohh, walang palya sa pagpapangiti saakin.
"Oh continue, humanap na kayo ng magiging representative niyo sa atin. Pwede rin kayong humanap sa kabilang section kase by grade level naman ang compitition na ito. 'Yun lang para sa ngayon, sige na see you tomorrow class and people at the back. Paki-agahan bukas at may recitation tayo." Pagpapatuloy ni ma'am. Wow special mention kaming tatlo ah.
"Yes ma'am." Nahihiyang sagot ni Faith.
Pagkaalis ni ma'am ay sakto namang pagdating ng research teacher namin.
"Good morning class! Now we will be having a group activity. Group yourself into three." Sabi ni sir at kinalabit naman ako ni Faith.
"Huyy kayong dalawa nalang grupo ko. Ayusin niyo, maraming may gustong maging kagrupo ko pero kayo ang pinili ko." Taas noong sabi nito saamin ni Ray.
"Sino bang may sabi na gusto ka naming kagrupo?" Kunwareng tanong ko.
"Kahit hindi niyo sabihin alam kong gusto niyo kong maging kasama sa grupo. Kaya heto na ako oh ako na ang kusang lalapit sa mga torpeng lalaki." Sabi nito habang kumukuha ng papel sa bag niya.
"Taas ng tingin sa sarili ahh, pandak naman." Gatong naman ni Ray sa pang-aasar ko.
"Huyy!! Kayong dalawa grasya na nga ang lumalapit sainyo,pinapalayo niyo pa." Inis na sabi saamin nito.
"Ay grasya ka pala, akala ko grasa ka." Natatawang asar ko rito na mas nakapanggigil pa sakaniya.
"Mga walang kwentang kagrupo!makaalis na nga."Padabog na sabi nito at tatayo na sana ngunit pinigilan namin ito.
"Joke lang,tara na at gawa na tayo." Sabi ni Ray saka nagsimula ng gawin ang gawain namin.
Mga baliw.

BINABASA MO ANG
PRECIOUS FORTUNE
Teen FictionThe genre of this story is teen fiction.I'll dedicate this to someone who special to me. Naniniwala ka ba sa hula? Then dito siguradong mapapaniwala ka.