Chapter 19 : Part 2

392 20 1
                                    


NADINE's POV

Hindi ako makatulog. Pagising-gising ako at hindi ko alam kung anong buma-bother sakin. Bumangon ako at bumaba. Uminom ako ng tubig at pinikit ko saglit yung mga mata ko. Huminga ako ng malalim at umakyat na ulit sa kwarto ko.

Ano ba 'tong nangyayari kay Japs? Hanggang ngayon siya parin ang nasa isip ko. Iniisip ko parin yung tungkol kay Tito Jonathan at si Lotlot. Hay. Kahit labas ako sa issue na 'yun, si Japs at si Tita Marivic parin ang naiipit. Nalulungkot ako para sa mag ina. Hay nako.

Incoming call. . . .

Elmo Magalona

Nagulat naman ako sa pag tawag ni Elmo sa ganitong oras. Hello! Alas dos ng umaga?

"Oh, Elmo a-"

"Nadine, papunta kami ngayong ospital. Julie needs you right now. Nasaksak si Tita Marivic."

"Ha? A..Ano? Sige-"

"Same hospital Nadz. Hurry up!"

----

"Japs?" Minulat mulat ni Ja 'yung mata niya. "Call the nurse, Max! Right now!" Elmo commanded at mabilis naman na kumilos si Maxene. Kasama ko sina Tita Phia at Moe ngayon. Mababaliw na ata ako sa nangyayari. "Ma? Nasan si Mama! Nasan! Kailangan ko siyang makita! Nasan si Mama!" Tatayo na sana si Japs ng hawakan siya ni Moe sa braso. "Ano ba, Magalona! Let go of me! I need to see my mama right now!" Nagpupumiglas si Japs at tinulak tulak ni Moe. Lumapit naman ako sakanilang dalawa. "Japs, kalma. Please. You need to rest for a while." I sounded so shit, as if naman na eepekto 'yun sakanya. Hays! "A..Ano bang trip niyo? Adik ba kayo!? Nasaksak 'yung mama ko! Ano ba! I need to fucking see my mama! Ano ba!"

"Julie, patay na si Tita Marivic."

Parang may bombang sumabog sa sinabe ni Elmo. Poker face si Japs at tinulak ulit si Moe. "What the heck are you saying, Magalona?" Teary eyed na sabi ni Japs. Oh my! I'm not liking this scene. "She's dead Julie. Six hours ago. It's 8AM in the morning. She's now in the morgue. I'm so-"

*SLAP*

"Get out of my sight! Get out of this room! Get out of my damn life, Elmo!" She shouted in front of Elmo's face. Kumunot lang ang noo ni Elmo at hinampas ng napakalakas yung side table. "Moe, alis ka muna. Please." I said before he closed the door, slamming it so hard. Dumating na 'yung mga nurse at tinurukan si Julie ng pampatulog. I'm really aginst it pero 'yun ang sabi ni Tita Pia."Nadine, I'll stay here. You should rest also." Nilapitan ako ni Tita Pia. I nodded and glance at Julie's face. I feel so bad for her. Hindi niya deserve 'tong mga nangyayari sakanya.

Saktong pagkasarado ko ng pinto, nakita ko si James at kasama si Kathryn. Magka angkla sila ng braso. Siguro ay nalaman nila ang nangyari kay Japs. Hindi ko alam, pero bakit bigla akong kinabahan? "Babe, eto na. Room 305." I heard Kathryn's voice before I walk away. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanghina. At alam kong hindi ko gusto 'tong nararamdaman ko.

Tatawagan ko sana si Elmo para damayan siya pero naisip ko, baka sakin niya lang maibunton ang sama ng loob niya kay Japs. "Miss, kung hindi ako nagkakakamali ikaw ba ang bestfriend ni Julie?" May lalaking tumigil sa harapan ko. Hindi ganon katangkad. Pataas ang buhok, maputi at medyo mapanga. Medyo hawig siya ni Zayn Malik pero sa unang tingin lang. "At bakit?" Walang gana kong sagot. "Uh, kung hindi ako nagkakamali, naka-confined siya ngayon diba?" Tanong niya pa ulit at inayos-ayos ang buhok. "Bakit ba? Anong kailangan mo?" Mukha kaming tanga na tanong lang ulit ang sagot sa bawat tanong. "Nadine Lustre, tama?" Ngumis siya. Teka lang, i-stalker ba namin 'to ni Julie? Iba na talaga ang panahon ngayon. Bago pa ko mapikon sa mga sinasabi niya, hindi ko na siya pinansin at nagsimulang maglakad. Bigla akong nakaramdam ng antok. "See you around, Nadz." Sabi niya bago siya umalis. Napalingon ako sa lokong 'yon at mapang asar na tunay kasi naka-ngisi pa siya.


.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

a/n : vote. spread. comment :) Tysm guys!

- asdfghjeycel

Drop Dead, MALDITA! (JuliElmo & JaDine Fanfiction) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon