Chapter 17 : Half Broken

994 23 7
                                    


DDM (Julie Anne 17 : Half Broken )




Third Person's POV












"Dead on a..arrival, Japs.." Ang matapang na mukha ni Julie ay parang nanlambot, tumiklop at nawala. Maaaninag sa mukha niya ang gulat at pag aalala para sa kanyang papa. "S..Seryoso?" Ngarag na boses ni Julie na pilit pinapakalma ang loob para sa susunod na mangyayari.

Hindi sumagot ang kaibigan. Niyakap nalamang ni Nadine si Julie at hinahagod ang likod nito. Walang naimik, walang gustong magtanong at magsalita. Tanging hikbi lamang ni Julie ang naririnig. Pinagtitinginan na rin sila ng mga estudayeng nakikichismis. Dahil kagulat gulat naman talaga na makita ang isang maldita na si Julie na ngayon ay mahina at naiyak sa publiko.

"T..Tara, pupuntahan ko siya.." Malumanay na sabi ng kawawang si Julie. Kumalas sa yakap si Nadine at naglakad silang dalawa hanggang sa marating ang parking lot.

Ilang minuto lang ang nilaan nila para sa pag ddrive dahil malapit lamang ang ospital kung nasaan si Jonathan. Mabilis na bumaba at pinark ni Julie ang mamahaling sasakyan. Dumaretso sa information at mabilis na pumunta kung nasaan ang papa niya.

Bawat hakbang, luha ang kapalit. Hindi niya kasi ito inaasahan. Dahil alam niya na hindi naging maganda ang relasyon nila ni Jonathan bago mangyari ito. Na-gi-guilty siya, sumasagi sa isip niya ang mga panahong maayos pa ang pamilya niya. Mga panahong kumpleto at masaya sila. At mga panahong, magkakasama pa sila.

Hagulgol nalamang ang nagawa niya. Hagulgol na parang pinagkaitan siya ng magandang pamilya. Hagulgol na parang walang bukas kung makikita ang kanyang itsura. Si Nadine naman ay hindi mapakali sa nakikita niya sa kaibigan dahil kahit anong sabihin niya na tumahan at kumalma ito, mas lalong naiyak ang kaibigan niya.

Eto na. Eto na ang ER na sinabi ng nurse kung nasaan ang papa niya. Huminga sila ng malalim. Pinunasan ni Julie ang luha niya. Pinapakitang malakas siya at tila walang bakas ng kahinaan.




Pumasok na sila.





Pinikit ni Julie ang kanyang mata.


Tila nabingi saglit.


Parang nagbubulag bulagan pa siya.



Idinilat niya ang kanyang mata.








Si Pia.


At ang mama niya.







Mga nagpupunas ng mga luha.






















"J..Julie, anak." Sabi ng mama niya. Mabilis na yumakap si Julie. Yakap na gusto niyang maramdaman, yakap na parang papawi sa kalungkutan niya. Hindi nagsalita si Julie, tila ninanamnam ang yakapan nila. Iyak lamang ang naging tugon niya.

"Tita, ano po bang nangyari? Sinabi lang po sakin ni Tita Pia pagkalabas ko ng bahay.." Sabi ni Nadine at umupo silang lahat. Kumalas na sila ng yakap at mabilis na pinunasan ang luha.

"Inatake siya Nadine. Sumumpong din ang hika niya. Sabi ng private nurse niya, depress daw si Jonathan. Sabi rin ng mga kasambahay nila, hindi naging maganda ang naging relasyon ni Lotlot at Jonathan. Gabi gabi ay may pinagtatalunan. Araw araw na bangayan tungkol sa pera.." Tumigil saglit ang mama ni Julie. Parang nag aalinlangan mag kwento. Parang naluluha ulit.

"Pera? Eh, mayaman naman po sila diba?" Pag tatakha ni Nadine. "Eto, nalaman ni Jonathan ang sikreto ni Lotlot. Marami pala itong utang sa banko. Halos milyon na nga iyon eh! Ginamit din ni Lotlot ang pera ni Jonathan para bayaran, tas hindi pala alam. Ayun, doon nagsimula ang lahat."

"Nalaman niya na binalikan ni Lotlot ang dating asawa at tinutustusan pa ng pera, nagkikita daw sila sa casino gabi gabi. Isa rin 'yon sa malaking pag aaway nila." Sabi pa ng mama ni Julie. Gulat at galit ang naramdaman ng magkaibigan. Kakaiba rin pala ang mag inang iyon.

"E asan po si Lotlot?"

"Lumabas lang saglit." Napangiwi naman si Nadine. "A..Ano, ma? Bat mo hinayaang pumunta 'yon dito?!" Galit na sabi ni Julie. "Shhh, respetuhin muna natin ang papa mo. May tamang oras para sa ibang bagay, anak." Kalmadong sabi ng mama ni Julie. Ngunit hindi naman nakaimik pa ang dalaga.

Sinabi rin ng mama ni Julie kung saan niya nalaman lahat. Nag hire kasi ang mama niya ng private investigator para malaman ang tungkol kay Jonathan months ago. At ito ang nakuha niyang impormasyon. Hindi nag sisinungaling ang P.I niya, dahil isa itong sikat na inverstigator. Si Mr. Co Nan. Na imported pa galing Japan. Sa katunayan ay matalik na kaibigan iyon ng mama niya.

Dumating si Lotlot. Kalmado ito at umupo sa isang tabi malapit kay Jonathan. Siring lamang ang nagawa ni Julie dahil susundin niya ang kanyang magulang. "Napag usapan nga pala namin ng abugado ko na akin ang 80% ng pera ni Jonathan at inyo ang 10%" Nagsalita si Lotlot. Napataas ang kilay nilang lahat. "10%? Bat hindi mo pa kuhain lahat? Tutal naman, patay na patay ka sa pera." Hindi napigilan ni Julie ang sumagot. Sinaway naman siya ng mama niya. "Watch your words, Julie Anne. Keep calm." Ngumiti si Lotlot at parang nangaasar sa tono ng pananalita niya. "Calm? Patay na 'yung tatay ko Lotlot! Keep calm?! Patayin ko kaya si Janine at sabihin ko sa'yo na keep calm, ano?!" Sagot ulit ni Julie at tumayo na. Galit na galit ito. Muli, sinaway siya nina Pia at Nadine. Pinaupo naman siya ni Marivic.

"Ohhh, are you threatening me? Alam mo bang pwede kitang kasuhan?" Sabi naman ni Lotlot at lumapit na kay Julie. "Threatening? I'm not threatening you Lotlot! I'm just giving an example if you're in my situation! IQ, please." Mapangasar na sagot ni Julie. Ngayon, natawa sila. Hindi ito pinigilan ng mama ni Julie.

"Really? Ako pa ang walang IQ? Wow. Sinong mas wala ngayon Julie? Eh simpleng respeto ay wala sa katauhan mo? Hindi ko alam kung paano ka pinalaki eh." Sagot naman ni Lotlot at bumalik sa kinauupuan. Huminga ng malalim si Julie at nagsimulang magsalita. "Gusto mong respetuhin kita? Para mo naring sinabi na buhayin ko ang tatay ko, Lotlot!" Sagot ni Julie. Napatango si Nadine na halatang sinusoportahan ang kaibigan.

"I'm leaving. Pupunta rito ang mga nurse at dadalhin 'yan sa morgue. I'll see you in my mansion.." Nakangiting sabi ni Lotlot at parang binaliwala ang sagot ni Julie. Mabilis itong nakalabas at dumating din kaagad ang mga nurse at dinala na ang labi ni Jonathan sa morgue.

Ang lungkot na nararamdaman ni Julie ay napalitan ng poot, galit at mabigat na sama ng loob. Halos parepareho sila ng nararamdaman. Nanatili sila sa ospital ng ilang oras at napagdesisyunan na umuwi na. Balisa ang lahat at pagod kakaiyak buong araw.

Umuwi si Nadine sa apartment niya. Umuwi sina Julie sa bahay nila at kasabay si Pia na kausap sa telepono ang anak na si Elmo. Nagplano si Elmo ng surpresa para sa 'girlfriend' niya. Pero ang pagkamatay ng papa ni Julie ay hindi pa alam ni Elmo, kaya confident siyang masisiyahan ang 'girlfriend' niya sa gagawin niya.

































A/N : MIA ang KathNiel & JaDine. Sorreeey. Hope you like this chapterrrr. TY ♡ Vote, Spread and Comment please =)





- asdfghjeycel ♕

Drop Dead, MALDITA! (JuliElmo & JaDine Fanfiction) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon