Chapter 6 : Janine & Lotlot

1K 11 1
                                    

DDM (Julie Anne 6 : Janine & Lotlot)

9 AM. Bumaba na ko para sa breakfast ko. Nag sleep over sa mansion ko si Nadine at eto sabay pa kami kumain.

"Nood tayo ng She's Dating The Gangster Japs!" Sabi ni Nadine habang inilalagay sa plate niya yung sunny side up na egg and bacon with fried rice.

"Tss. Ayoko." Tipid kong sagot at kumain ng wheat bread from states at fresh milk.

"Bakit! Ganda kaya sa wattpad non. Pero madami daw binago eh?"

"Malay ko sa movie na 'yan." Walang gana kong sagot.

"Pero sa Talk Back And You're Dead namin ni James soon ha? Nood ka?"

"Ge, kami sa Voiceless ni Magalona. Sana kami talaga gumanap. Since we can play instruments and we can sing well. Diba?" Sabi ko.

"Wow! Sana nga Julie! Hihihi!" Masayang sabi ni Nadz.

Natapos yung breakfast na Wattpad movies ang topic. Daldal talaga eh -____-

Narinig kong bumukas yung gate sa labas at may nag horn. Kinabahan ako at hindi ko alam kung bakit.

"Oy, tignan mo nga kung sino yun." Utos ko sa muchacha.

"Ay ma'am Julie! Si sir po! Naku. Ang daming dala.." Nagtawag ng ibang kasama yung muchacha namin para tulungan si dad.

"Wow! Andyan na pala si tito!" Lumabas si Nadz para salubungin si dad. Naka upo parin ako sa sofa.

Narinig kong nag bukas na ang main door ng bahay at yung footstep niya papalapit sakin.

"Julie, honey.." Sabi ni dad. Tumayo ako at yumakap sakanya. He looked tired.

"S-Si mommy? Nasan?" Humiwalay na ko sa pag kakayakap ko. "Uhm honey, h-hindi pa siya nakaka uwi eh..baka next week pa. Pero-"

"Who is...s-she?" I interrupted him. Tumingin ako sa likod ni dad at may kasama siyang babae.

"Si tita Lotlot mo, anak." Masayang sabi ni dad at humawak sa bewang nito.

"Kapatid mo? Or kapatid ni mommy?" Irita kong tanong.

"No honey, she is my-"

"Ahh. My new muchacha?" Sabi ko.

"No Julie, fiance ko siya." At tumingin kay Lotlot. Errrr! I clench my fist at nag pipigil ng galit. Agad naman akong nilapitan ni Nadz para i-comfort.

"Oh? Fiance! So kaya ka nakipag divorce kay mommy because of HER?" Dinuro ko si Lotlot. Tumaas din yung tono ng pag sasalita ko.

"N-No! Will you please show some respect to us or just to her!" Sigaw ni dad. Wow! Ang galing.

"Karespe-respeto ba yan! You came here with that *duro sa mukha niya* OTHER WOMAN!" I said and walked away.

"Where are you going!?" Hinawakan ako sa braso ni dad.

"Hayaan mo na siya hon. Nagulat lang yung bata." Sabi ni Lotlot at hinimas ang likod ni dad.

"OO! Nagulat talaga ako, lalo SAYO!" Sigaw ko sakanya at lumabas na ko ng bahay. Sumunod naman sakin si Nadz.

Sumakay ako ng kotse ko at sumakay din si Nadine. "Japs san ka naman pupun-teka naman dahan dahan mag drive..huhu!"

Nasa backseat siya, palabas na ko ng subdivision. Saan nga ba ako pupu-"Arghhhhhhh! Japs! Muntik na yung aso!" Kung pwede ko lang sapakin si Nadine ngayon, kanina ko pa ginawa. Ang daldal ng babaeng to!

"TATAHIMEK O PAPASAKAN KO YANG BUNGANGA MO!" Bulyaw ko.

"S-Sorry n-naman Japs.." Nag pout naman siya. Psh.

Nag mall kami, nag shopping, kumain, nanood ng cine, nagpa-facial and salon. In short, nag lagas kami ng pera ni Nadine. Stress ako eh. Wag ko lang aabutan na nasa bahay pa yung Lotlot na 'yun.

"Anong balak mo?" Tanong ni Nadz na naka upo sa backseat, pauwi na kami.

"Palalayasin ko siya." Irita kong sabi.

"Paano Julie?" Usisa ni Nadz.

"Tss. For now, wala pa 'kong naiisip. Basta! Gagawa ako ng plano." Wala akong idea, paano ko nga ba palalayasin yun? Aish!

Gabi na ko naka uwi. Pagka pasok ko.."Anong ginagawa mo sa mansion KO?" mataray kong tanong kay Flappy pag ka pasok ko ng bahay.

"Hi Julie. Dito ka pala naka tira?" Ngumiti pa siya.

"Mansion KO nga diba. Tanga ka?" Irita kong sagot.

"Easy lang. Dito na din kasi ako titira with my mommy eh." Hinawakan niya yung balikat ko. Naghihirap na siguro sila, kaya nakikitira. How pathetic.

"Nanay mo si Lotlot? Oo nga, magka mukha kayo. Pareho kayong *tingin mula ulo, mukhang paa* PANGET!" Tinanggal ko yung kadiri niyang kamay.

"Panget? Hahahaha! Kung panget ako, ANO KA PA?" 'Yan ang tunay na Janine. Gusto ko yan! Hindi plastic. Naalala ko tuloy yung mga ka-plastikan niya dati nung highschool. Excellent! Bravo!

"DYOSA AKO, ALIS NGA!" Bulyaw ko.

"Dyosa? Nakakatawa. Ha-ha-ha." Nag cross arms siya. Hah! Tignan natin.

"Sige tumawa ka para mag mukha ka lalong tanga! Panget ka, DYOSA ako. Oh alam mo na? Sak sak mo sa nguso mo yon ha! Pwe!" Natatawa kong sagot at umakyat na sa kwarto ko.

Nilayasan ko na siya. Hindi ako papayag sa gusto ni dad! Masyado na silang sinuswerte.

Dapat umisip ako ng plano para mapag hiwalay si dad at si Lotlot. Para lumayas sila sa mansion ko. Pero bago yun, gagantihan ko muna si Janine! Hah.

* evil laugh *

Drop Dead, MALDITA! (JuliElmo & JaDine Fanfiction) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon