Chapter 12

54 21 3
                                    


Ray Buenaventura
⚪ Active Now

July 28 at 9:50 pm

Ray: Darling!

July 28 at 10:10 pm

Marie: oh?

Ray: Sorry di nako nakapag chat.

Marie: k lang

Ray: may problema kasi.

Marie: it's okay. I understand. Di naman sa lahat ng araw ay kailangan mong mag chat sakin.

Marie: kasi , you know , no label so no need na. Di mo naman ako girlfriend para maging updated sa buhay mo.


Marie: kaya wala akong karapatan mag-inarte.

Marie: whatever you're problem is. I know magiging okay lang yan. Kasi wala namang problema na di nasusulosyunan.

Ray: Salamat :)

Marie: Nah, it's okay. I know how hard kung may problema. Nakakabaliw kakaisip ng paraan.

Ray: Thank you. Thank you kasi napagaan mo yung loob ko.

Ray: tamang-tama nga't pumuslit ako para makausap ka.

Ray: Thank you so much , darling.

Ray: ang hirap . Wala akong makausap sa bahay.

Ray: di na nga ako makapag online dahil dito.

Marie: gusto ko mang magtanong sa problema mo but i respect you.

Marie: baka di mo lang kayang sabihin sa ngayon.

Marie: but remember that I'm always here. Ready to listen.

Marie: Online ako parati kaya don't hesitate to chat me.

Ray: Thank you talaga.

Marie: Thank you ka ng Thank you.

Marie: wala naman akong naambag para solusyunan yang problema mo.

Ray: simple motivating words darling galing sayo ay malaking ambag na para sa akin.

Ray: alam kong kalalaki kong tao pero pagdating sa problema , napakahina ko.

Marie: Ray , lahat ng tao nanghihina kapag may problema. Walang pinipiling kasarian ang kahinaan. Kaya wag mong sabihing kalalaki mong tao , napakahina mo. Kasi di yan totoo.

Marie: marami ka ngang nakikitang malalakas at matatatag pero deep inside , nanghihina din sila.

Marie: wala naman kasing problema na di nakakapanghina.

Ray: Tama ka dyan.

Ray: Salamat Darling , napagaan mo loob ko.

Ray: out nako darling. Pumuslit lang talaga ako para ma chat kita.

Ray: Goodnight and Sweetdreams.

When I met you Online (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon