I closed my phone after I read our convo. Eight years has passed but I still like him or let me say love him. Sa nagdaang mga araw di siya mawala wala sa isip ko. Lumipas man ang walong taon mapanghanggang ngayon ay siya parin ang aking sinisinta. Di ko alam bat ang lakas ng tama ko sa lalaking iyon.
Noon di ako naniniwala sa internet love kasi lahat ng iyon ay di naman totoo. Kasi may tao bang kayang magmahal kahit hindi pa kilala o di pa nakikita? Kaya napakaimposible para sakin na may ganoong pagmamahal.
But Ray prove me that i was wrong. Na posibleng magmahal kahit hindi mo pa gaanong nakikilala ang tao o di man lang nakikita sa personal.
I don't know why I fall inlove so hard on him. Di naman gaanong mataas ang convo namin. Di ko rin naman siya gaanong kilala. I really don't know, why him , siguro dahil comfortable ako sa kanya. Ngunit ngayon di ko rin naman alam kung nasaan siya.
Well ,wala narin naman nakong alam sa kanya kasi di lang naman ako naka blocked , naka unfriend rin. Di ko na alam.
Ilang araw din akong umiyak non dahil di ko akalaing babaliin niya yung sinabi niya sakin. After niya kong iwan, I started hating him. I hated him all those years. Na sana di nalang siya nangako para di ako umasa ng todo.
Okay lang naman din sakin na di niya ko kayang saluhin sa mga panahong iyon. Handa naman akong maghintay basta huwag lang siyang mawala sa akin.
At mas lalo rin akong nasaktan kasi di ko akalaing kaya niya kong eh unfriend. Akala ko blocked lang. Akala ko na kahit papaano magkaibigan parin kami kahit sa internet lang kaso hindi eh parang kinalimutan na talaga ako.
Ang sabi niya hahanapin niya ko. Ngunit ilang taon na ang lumipas ngunit wala parin siya. Kaya napagdesisyonan ko na ako na ang kikilos.
From now on , ang gusto ko lang gawin ay ang hanapin siya. Gusto ko siyang hanapin para magpakilala ng personal na hindi ko nagawa noong nagkita kami. Gusto ko ring sabihin sa kanya na ito nakapagtapos nako at natupad rin ang pangarap kong maging isang guro. Ang rami , marami pakong gustong sabihin sa kanya tungkol sa mga nangyari sa buhay ko simula nang mawala siya.
Sa mga nagdaang taon para akong tangang bumabalik sa convo namin , nagbabakasakaling muli siyang mag chat sakin. Tulad nalang ngayon na muli ko nanamang binasa yung convo namin. Nagbabakasakali nanaman.
" Here's your order ma'am" nagising ako sa pagkakatulala ng biglang magsalita ang waiter dito sa fastfood chain.
"Salamat kuya" ngumiti ako nang ngumiti siya.
Ngayon ko lang din na pagtanto na ang rami na palang tao dito. Napatingin ako sa aking relos at 12 noon napala kaya maraming tao. Kaya nagsimula nakong kumain para naman may sumunod dito sa aking table.
Ngunit bigla akong napahinto ng may taong biglang umupo sa harapan ko at naglapag ng pagkain niya.
" I'm so sorry miss but can we share?" Maskuladong saad ng lalaki sa aking harapan.
'May magagawa ba ko? Eh nakalapag na pagkain mo sa table ko.'
Dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo. Ngunit halos matulos ako sa aking upuan nang makilala ko ang taong nasa aking harapan.
"Miss? Can we share?"
Di ko akalaing makikita ko siya dito kung saan nakita ko rin siya noon.
"Miss?"
"A-ang laki na ng pinagbago mo" wala sa sariling saad ko.
Agad napakunot ang noo niya at bigla akong tinitigan. Dahan-dahan lumaki ang mga mata niya nang napagtanto niya kong sino ako.
"Ikaw. Ikaw yung nakasabay ko rin dito." Gulat paring saad niya.I signed. Ako rin ito yung ka chat mo dati.
" Ang laki narin ng pinagbago mo " manghang sabi niya.
"Noon payatot kapa pero ngayon nagkalaman kana. "
Napabusangot ako sa sinabi niya. Alam ko namang payatot talaga ako. Sana di nalang niya sinabi.
"At mas lalo kang gumanda." He added then smiled.
I gulped. Naramdaman ko rin ang pag akyat ng dugo sa mukha ko kaya napaiwas ako ng tingin sa kanya.
Shit! Ka talaga. Hanggang ngayon napakamabulaklak parin yang bibig mo.
Bigla siyang tumikhim kaya agad akong napabaling sa kanya.
"What's your name , btw?" He said casually then smiled again.
I smiled before giving my answer to him.
"I'm Marie Perez "
Agad bumalatay ang gulat sa kanyang mukha.
" And it's nice to see you personally ,Ray Buenaventura"
(A/N: Salamat po na nakaabot po kayong lahat dito. Alam ko pong hindi gaanong maganda yung gawa ko kaya salamat kasi po binasa nyo. Thank you again!)

BINABASA MO ANG
When I met you Online (Epistolary)
Teen FictionAn Epistolary Novel Marie Perez don't believe in online love even so she's a wattpader. For her it's a crazy thing. Sino ba kasing taong maiinlove agad kahit hindi pa lubusang kilala! But everything changed when she met Ray in online. An ML player w...