Ray Buenaventura
⚪ Active NowAugust 28 at 8:54 pm
Ray: Darling.
Ray: Laro tayo.
Seen
August 28 at 9:30 pm
Marie: di ako makakapaglaro.
Marie: busy ako.
Ray: cgeh :(
Seen
August 28 at 9: 36 pm
Marie: tagal nating di nagparamdam ah :)
Ray: may iniisip lang ako.
Seen
August 28 at 10:05 pm
Ray: Woi?
Ray: Di kana busy?
Seen
Ray: Lah! Seen!
Marie: busy pa.
Ray: ano ba ginagawa mo?.
Marie: basta.
Ray: cgeh.
August 28 at 10:30 pm
Marie: K-kuya TT_TT.
Ray: anong nangyari?
Marie: Ba't lahat ng tao ayaw ako?
Marie: ba't lahat ng tao parang galit sakin?
Marie: ba't ganon kuya?
Marie: alam kong sinabi ko noon na napapawi ng wattpad ang lungkot ko pero tangina di.. di ko na kaya ang sakit. Ang sakit ..ang sakit sakit kuya. Gusto ko ng ilabas to , gustong gusto ko. Kaya ilalabas ko to sa yo total di mo rin panaman ako gaanong kilala. Alam kong may pagkamaltida akong tao. Oo alam ko yun kasi yun ako eh , prangka kung magsalita. Kapag galit ako di ko na alam pinagsasabi ko. Pero bat ganon kuya , di ko naman sinasadyang sabihin yun. Pero kung tratuhin nila ako para akong nakapatay ng isang tao. Kaibigan , kuya kaibigan na kayang magstay sakin kahit ma pride at maldita akong tao . Ang sakit , ang sakit putang ina , kaibigan kuya dyan lang ako umiyak ng todo. Kahit kailan kuya , tinuring ko silang parang kapatid ko. Simula bata magkaibigan na kami pero tang ina kuya. Sa isang away lang nawala agad yung friendship namin. Tang ina ang dami pala nilang sinasabing masasakit na salita tuwing nakatalikod ako. Plastic pala sila sakin. Yun pala ang dahilan kong bakit ang lalamig ng tingin nila sakin. Putakte! Kahit maldita at mapride akong tao , di ako plastic. Pinagtanggol ko pa sila sa mga magulang ko tapos ito lang pala ang malalaman ko? Takte lang talaga. Kuya , ang hirap nang makipagkaibigan. Di ko na alam kong makakaya ko pang makipagkaibigan. Natatakot na ako , natatakot na akong mapalibutan ng mga taong di naman ako gusto.
Marie: 3 days na ang nakalipas pero tangina , ang sakit parin. Para akong may lovelife na kakabreak lang.. Tanginang pagkakaibigan yan! Sa kanila pa talaga ako nakaranas ng heartbreak.
Ray: Ganon talaga ang mga tao. Siguro di sila yung mga kaibigang karapatdapat sayo. Make a distant with them. Baka labis mo lang silang pinapahalagahan kaya ganyan yung impact sayo. Masakit! Dahil sa pagpapahalaga natin sa kanila nakakalimutan na natin na nakadepende na tayo sa kanila. Prioritize yourself first. Di mo sila kailangan para maging happy ka. Di mo sila kailangan. Toxic lang sila sa buhay mo.
Ray: At wag kang matakot na makipag kaibigan ulit. Ganyan talaga ang buhay , Darling.. kailangan mo munang dumaan sa mga maling tao bago mo mahanap ang mga tunay na taong tatanggap at magmamahal sayo.
Ray: nasaktan kaman pero sana wag mong isarado ang isip at puso mo para makipagkaibigan ulit.
Ray: at ganyan talaga para kalang may ka break na jowa. Damay rin kasi dito ang pagmamahal. Kahit magkaibigan lang may pagpapahalaga at pagmamahal parin tayong nararamdaman. Kasi mahalaga na sila sa buhay natin. Parehong may puwang sa puso natin.
Marie: Kaso kuya ang sakit makita na masaya sila habang wala ako. Ang sakit sakit. Di ako inggeterang tao pero bakit naiingit ako na masaya sila habang ako miserableng nakatingin sa kanila.
Ray: hangga't maaari iwasan mong napatingin sa kanila. Kasi alam kong paiinggitin kalang nila. Lumayo ka nalang sa kanila . Alam kong bad influence lang sila sayo. Di sila nararapat sayo.
Ray: wag mo sayangin yung oras mo sa mga taong ayaw sayo.
Ray: marami kapang makikitang tao darling.
Ray: marami kapang makakasalamuhang tao na kayang kaibiganin ka ng tunay. Hintayin mo lang.
Ray: Hindi lang naman sila yung taong nandito sa mundo. Kaya wag mong sayangin yung oras mo sa mga toxic na tao.
Ray: hangga't maaari ay layuan mo sila.
Ray: nandito naman ako na kaibigan mo. Kaya wag kanang malungkot , nandito lang ako. I'm here darling. Di kita iiwan , pangako.
Marie: Salamat!
Marie: Tama nga ang desisyon kong e share ko sayo yung problema ko.
Marie: ngayon naliwanagan na ang magulo kong isip. Tama ka hindi ko kailangan ng kaibigang kagaya nila. Di ko sila kailangan para maging masaya ako.
Ray: Ganyan , darling wag mong hayaan na kainin ka ng lungkot mo.
Ray: marami kapang makikitang taong gustong makipagkaibigan sayo. Yung kaibigang karapatdapat at tunay sayo.
Marie: Maraming salamat talaga! Gumaan ang loob ko nang dahil sayo :).
Marie sent a voice message
Marie unsent the voice message
Ray: F-first time mo kong tawaging Darling !
Ray: ang ganda ng boses mo.
Ray: Isa pa di ko pa na record eh!!
Ray: ISA PA NGA!!!
Marie: Matulog kana!
Ray: Cgeh na ISA PA! WAG MONG EH UNSENT!
Marie: Matulog kana AHAHAHA!
Ray: Di ako makakatulog nito TT_TT.
Marie: sikapin mong makatulog.
Marie: Goodnight and Sweet dreams sayo kuyaaaa! Muah!
BINABASA MO ANG
When I met you Online (Epistolary)
Dla nastolatkówAn Epistolary Novel Marie Perez don't believe in online love even so she's a wattpader. For her it's a crazy thing. Sino ba kasing taong maiinlove agad kahit hindi pa lubusang kilala! But everything changed when she met Ray in online. An ML player w...