Chapter 15

53 21 2
                                    

Ray Buenaventura
⚪ Active Now

August 13 at 8:09 pm

Ray: Hi good eves.

Marie: Good eves.

Ray: wanna hear some part of my life?

Marie: Sure!

Ray: I'll emote.

Marie: Go.... I'll listen.

Ray: Ang sarap siguro sa pakiramdam darling na may taong nagpapa realize sayo, enough ka, worth it ka, and deserve kang mahalin, like never mong maqquestion yung sarili mo kasi binibigay nila yung treatment na deserve mo.

Marie: anong nangyari?

Ray: wala gusto ko lang e share ito. Gusto ko rin namang makibagay sa kanila kaso di naman nila nakikita lahat ng mga achievement ko.

Ray: pangarap ko yun eh , sana marunong nalang silang sumuporta sa desisyon ko. Na sana tanggap nila kung ano mang desisyong nais ko. Hindi yung minamaliit nila ako , at sinasabihan na hindi worth it yung pag aaral ko kasi di daw ako sumunod sa gusto nilang maging ako.

Ray: kasalanan ko bang yun yung gusto ko, ang maging sundalo. Tss, hindi ko kayang maging doctor darling. Baka makakapatay ako nito nang wala sa oras. Mas gugustuhin ko pang ako yung mamatay kaysa yung makakapatay ako kasi wala naman sa puso ko yung pagiging doctor.

Marie: It's up to you. Kung susundin mo yung pamilya mo or ang pangarap mo. At di ka naman pumapatay nang tao kapag nag doctor ka. Nagliligtas kalang ng buhay ng isang tao. Kung mamatay man yang nililigtas mo siguro time na niya rin yun gaya ng sabi mo.

Marie: But its up to you kuya. It's your decision would be matter afterall. But I'll suggest , prove to your family that they were wrong. Na kaya mong maging isang successful soldier. Na handa kang lumaban para sa ating bansa. Na hindi dapat minamaliit ang trabaho ng isang sundalo.

Ray: that's what I'm afraid of. Baka di ako maging successful soldier. Baka di ko matupad yang pagiging sundalo o dikaya di ako makapasa.

Marie: HAHAHAH..you overthinker boy! Ba't mo naman nasabi yan. Just don't lose hope. Alam kong makakaya mo yan. I'm here kuya ipaparamdam ko yung pagmamahal at suporta na hinahanap mo.

Ray: so sinasagot mo nako?

Marie: di ako na inform na nanliligaw ka pala.

Ray: ito naman di mabiro HAHAHAH.

Ray: nakakabakla naman itong pinagsasabi ko.

Ray:kalimutan mo to ha.

Marie: why would i?

Ray: basta kalimutan mo tong pinagsasabi ko.

Marie: don't worry di ko naman ipagkakalat na nag eemote ka HAHAHAH. Di pa nga tayo nagkikita sa personal.

Ray: If you agree, let's meet.

Marie: sabi ko nga, gusto ko tadhana na ang magtatagpo sa atin.

Ray: tss..tagal naman ni tadhana.

Marie: alam kong nakita mo na ako dati. Di mo lang talaga ako nakilala.

Ray: Ahh oo nakita na nga kita dati.

Marie: talaga? Saan?

Ray: ikaw yung nasa panaginip ko.

Marie: ano ako sa panaginip mo kung ganon?

Ray: asawa ko.

Ray: HAHAHAHA!

Marie: tskk..... Pinagsasabi mo dyan. Bata pa tayo oi..asawa na agad nasa panaginip mo.

Ray: bakit? Kontrolado ko ba panaginip ko? Hindi.... kaya tanggapin mo nalang na mag asawa tayo sa pananginip ko.

Marie: cgeh basta ba ikaw AHAHAHA.

Ray: grabe na banat natin ah.

Marie: Ganon talaga.

When I met you Online (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon