Kalachuchi

780 22 0
                                    

"Maloi!" Sigaw ni Colet sa labas ng gate nila Maloi.

"Tara, daan muna tayo kela aling nena," tuloy ng kaibigan.

"Oo bibigyan daw tayo libreng baon!" Tawa ni Sheena.

"Wait lang magsasapatos lang ako, teka!" Nagmadali si Maloi magsapatos sa harapan ng pintuan nila.

Pagkatapos ay dali-dali siyang lumabas ng gate at umakbay sa dalawa niyang kaibigan.

"Ang aga niyo ngayon ha?"

"Kasi nga may baon tayo kay aling nena," natutuwang sabi ni Sheena.

Umiling naman si Colet.

"Pano kasi laging nangungupit, buti nalang mabait nanay ni Gwen."

"Hoy love ako ni ate Gwen noh so love din ako ng nanay niya bleh," ngumisi si Sheena habang nanguna na siya para dumaan sa tindahan nila aling Nena.

"Kahit kailan talaga yon," sabi ni Maloi.

"Nagawa mo ba assignment mo sa english? Parehas tayo ng teacher don diba?" Tanong ni Colet sakaniya.

"Oo naman, ako pa ba. Bakit? Hindi mo nagawa noh?" Pinandilatan ng mata ni Maloi si Colet.

Napakamot naman ng ulo ang kaibigan.

"Hindi ko na tapos ang hirap kasi! Patulong mamaya? Hehe," ngumisi naman ng namimilit si Colet.

"Oo na, oo na kahit kailan ka din eh. Magsama kayo ni Shee."

"Guys! Tara na dali!" Sigaw ni Sheena sa malayo, nauna na sakanilang dalawa kaya nagmadali na rin sila.

Nasa eskuwelahan na sila at dumiretso si Maloi sa locker niya. Pagkabukas niya nito biglang may bumagsak na bulaklak.

Napakunot noo siya. Kalachuchi?

Dinampot niya ito at tinignan ng maigi. "Bat may flower dito?" Hinanap niya ng tingin ang mga kaibigan niya.

Nakita niya si Colet kausap si ate Aiah habang wala na sa paligid si Sheena, pumunta na siguro sa room niya kasi siya lang ang second year sakanila.

"Colet!"

Lumingon si Colet at Aiah kay Maloi.

"Good morning Maloi," kaway sakaniya ni Aiah.

"Morning ate Aiah!" Ngiti naman niya at daling tinignan si Colet. "May nakita ka bang dumaan sa locker ko? May bulaklak dito, di naman ako naglalagay neto."

"Ows? Wala naman akong nakita."

"May nagbigay sayo ng flowers? Ang sweet naman!" Sabi ni Aiah at lumapit sakaniya.

"Kalachuchi?"

Tumango si Maloi, "Oo, baka nagkamali lang ng lagay? Sino naman magbibigay ng bulaklak sakin. Baka may nantritrip lang ah jusko po rudeh wala akong panahon dito."

Sinara niya ang locker at nilagay ang kalachuchi sa bag niya.

"Kung may nagbigay nga, bat naman kalachuchi ang dami niyan sa bahay niyo." Tawa ni Colet.

Nagkibit-balikat na lang siya at sumabay kela Aiah na pumuntang classroom.

"Bye uyab, kitakits na lang sa lunch break." Kumaway sakaniya si Colet.

Tumango si Maloi at pumasok na sa classroom niya. Sina ate Aiah at Colet ay magkaklase, nasa kabilang pinto lang sila.

Pagkapasok ni Maloi sa classroom, nakita niyang konti palang tao dito. May isa na nasa dulong upuan, katabi ng bintana na naka-tungo sa lamesa ng upuan niya.

Lumapit siya dito para tawagin, "Gwen."

Tumingala ang babaeng tinawag niya at tinitigan siya ng gulat. "Po?"

"Paki sabi thank you sa nanay mo, nadamay kami ni Colet sa pabaon." Ngumiti si Maloi.

"Ahhh okay." Maikling sagot ni Gwen kaya na-awkwardan naman si Maloi.

Alam naman niyang hindi mahilig magsalita si Gwen kaya nga hindi sila close eh. Pero nakakapanibago parin tuwing kakausapin niya 'to.

Kaya dahan-dahan na lang siyang tumango at pumunta na sa upuan niya.

Kukunin na niya dapat notebook niya sa bag kaso naamoy niya ang kalachuchi.

Kung sino man nagbigay nito, salamat kaso ang dami nang kalachuchi sa bahay....



KalachuchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon