Multong walang kulay

463 25 6
                                    

Hinintay ni Maloi si Gwen sa may locker niya. Pumasok talaga siya ng maaga para lang sana maabutan ang kaklase. 

Hindi niya alam pero gusto niya ito kausapin. Hindi siya mapakali at simula noong tinanggihan niya si Gwen, lagi niya itong iniisip.

Lagi siyang napapatingin at napapaisip, pinakawalan ko ba 'to?

Gulong-gulo na siya sa nararamdaman niya. Ni hindi na mainitindihan ni Maloi kung ano gusto talaga niyang gawin.

"Ano ba talaga gusto mo?" Tanong sakaniya ni Colet.

Parehas silang nakatambay ngayon sa may locker.

"Hindi ko alam...ayoko lang siguro mawalan ng kaibigan."

"Seryoso ka? Hindi nga kayo close eh!"

Sinamaan niya ng tingin si Colet. "Kaklase ko rin siya? Naguusap kami!"

"Bahala ka diyan."

Nagbuntong hininga si Maloi. "Ewan ko kasi...nung umiiwas na siya parang ano..."

"Parang ano?"

"Parang may kulang na ewan, hindi ko alam."

"Ayan tayo eh." Umiling iling si Colet sakaniya.

"Gusto ko lang siya kausapin okay, kahit huling beses na lang."

Tinignan siya ni Colet, "Umalis na si Gwen. Lumipat ng bahay at school. Hindi mo na siya makakausap."

Napatingin bigla si Maloi sa kaibigan. "Ano?"

"Seryoso? Ano Colet hindi ako nagbibiro."

"Seryoso nga."

Hindi makapagsalita si Maloi, hindi niya alam kung ano sasabihin.

"Dumaan kami kela Aling Nena diba dapat kasama ka kaso ang duwag mo umuwi ka na agad. Nandon din sila Gwen, malayo daw kasi ung school sa bagong bahay nila."

Kumunot noo ni Maloi.

At bigla siyang nakaamoy ng kalachuchi. Ang sobrang pamilyar na amoy, na parang kailan lang araw-araw niyang nakikita sa loob ng locker niya.

"Seryoso talaga?" Mahina niyang sabi.

Nagbuntong hininga si Colet at hinatak na si Maloi. "Tara na sa room."

Hinayaan niya si Colet na hatakin siya papunta sa classrooms. Hanggang sa nasa loob na siya ng sarili niyang room at tahimik na umupo sa upuan niya.

Naamoy parin ni Maloi ang kalachuchi. Napalingon siya sa likod, inaasahan na nandoon si Gwen sa upuan niya pero wala.

Walang tao sa likod.

Napagtanto niya na ang layo pala ng agwat sa pagitan ng upuan niya at upuan ni Gwen.

Nasa pinaka dulo ang upuan ng kaklase habang siya ay nasa pinaka unahan. Ngunit tuwing lumilingon siya kay Gwen, parang ang lapit-lapit ng babae sakaniya.

Siya ang nagbigay distansiya sakanila, kasalanan din ba niyang wala ng kulay ang bulaklak para sakaniya.

Malayo na ang agwat pero lumalakas ang amoy ng bulaklak kahit walang kalachuchi sa paligid.

Mukhang multo na lang siguro ang kaunting naramdaman niya para sa kaklase. Halo-halong hindi masabi kung ano.

Nagulo ang isipan niya noong umamin si Gwen, mas lalong gumulo noong umalis siya.

Pero inaasahan niya, bumabalik ang kalachuchi.

Hindi ba?

---

Wakas.

KalachuchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon