Wala ng masayang

253 17 0
                                    

"Ikaw ung namimitas?!"

Sa isang saglit, nawala ang kaluluwa ni Gwen sa katawan niya. Takot at gulat ang naramdaman niya ng makita si Maloi.

Hindi naman sadyang pumitas parin ni Gwen kahit alam niyang kela Maloi pala ang bakuran. Gusto lang niya matapos ang buwan bago siya tumigil at umamin.

Ang balak niya sana ay magbigay ng kalachuchi hanggang sa buwan na ng mayo.

"Sorry, ano kasi...ano," hindi maka tingin si Gwen sa mata ni Maloi. Napakamot siya sa ulo at nagisip kung ano dapat sabihin.

"Sorry talaga, akala ko nung una bakuran to nila Jho...."

Kumunot noo ni Maloi. "Bat ka namimitas?"

"Actually," pagtuloy ni Maloi. "Wala naman sakin kung mamitas ka diyan. Sakin lang kasi nagagalit si Mama." Nagbuntong hininga siya.

Dahan-dahan na tumango si Gwen. "Sorry kay tita..."

"So bat ka nga namimitas?"

Napalunok si Gwen sa tanong. "Uhmmm ano kasi..."

Nakatitig lang sakanya si Maloi at naghihintay.

"Ano..."

"May, binibigyan ako ng kalachuchi?" Sinabi niya ng patanong. Jusko Gwen obvious na obvious ka! 

Kinabahan na si Gwen kasi nasa isip niya na masyado siyang nagpahalata sa sinabi.

"Nagbibigay ka ng kalachuchi?"

Tumango si Gwen.

"Kanino?"

Bago pa makapagsalita si Gwen, tinawag si Maloi ng Mama niya.

"Po! Wait lang!" Tumingin si Maloi kay Gwen, "Wait lang tawag ako."

Pagkabalik ni Maloi sa loob ng bahay, nagmadaling umalis na si Gwen at tumakbo pauwi.

Umakyat siya sa kwarto niya at huminga ng malalim. "Bukas na mag start ang May, muntikan pa ako mabuking."

Tinignan niya ang hawak na kalachuchi. Medyo napipi eto dahil sa pagtakbo niya kanina, napuwersan ang paghawak sa bulaklak.

"Alam kong malayong magkachance na magustuhan niya ako pabalik...pero sana naman..."

"Sana naman kahit konti lang bigyan ako ng pagkakataon."

Umpisa na ng buwan ng Mayo. Pagkatapos malaman ni Maloi na si Gwen ang nagpipitas ng kalachuchi hindi na nagbibigay ulit si Gwen ng bulaklak sa locker ng kaklase.

Maaga siya pumasok kinabukasan at napadaan sa mga lockers, nandoon din si Aiah.

"Hi Gwenny! Good Morning, maglalagay ka ulit?" 

Umiling si Gwen. "Hindi na."

Napataas naman ng kilay si Aiah. "Oh? Ano nagbago?"

"Aamin na ako mamaya."

"Really?!"

"Oo kinakabahan nga ako eh."

Mukhang mas excited pa si Aiah kesa sakaniya at tumalon talon pa sa tabi niya. "San ka aamin? Pano mo gagawin? Do you need help?"

"Ate Aiah kalma ka muna," natatawang sabi ni Gwen.

"Hoy anong pagpupulong to at iniwan ako?" Biglang dumating si Stacey na kasama si Mikha.

"Mag coconfess na daw si Gwen!"

Nanlaki mata ni Gwen sa sinabi ni Aiah at nagmadaling tinakpan ang bibig nito. "Ate Aiah naman eh! Shhh ka lang!"

"ksdjswaitksfjalangsjadungsdbibigkfhfko!" Sinubukan mag salita ni Aiah pero hindi nila inintidi ito.

"Finally?!" sabi ni Stacey at si Mikha naman kalmadong tumango.

"Kinakabahan ka?" Tanong ni Mikha.

Nagbuntong hininga si Gwen. "Oo sobra. Feel na feel ko na wala akong pag asa."

"Bat naman? Ang sweet sweet mo kaya! Tsaka mabait, cute diba oh wag ka papatalo!" Pinisil ni Stacey ang pisngi ni Gwen. "I'm sure madali lang mahuhulog sayo si ate Maloi."

Tinanggal ni Aiah ang pagkahawak sa bibig niya ang kamay ni Gwen. "Kung ako sayo pumunta ka na sa room mo."

Kumunot noo ni Gwen. "Bakit?"

"Nandon na si Maloi eh mas nauna pa sayo."

Hindi niya na pinansin ang tatlo at dumiretso na sa room niya. Pagkapasok niya rito nakita niya si Maloi at Jhoanna na naguusap. Kaklase din nila si Jho at siya pa ang class president. 

Tahimik siyang dumaan sa likod at umupo na sa upuan niya habang pinagmamasdan ang kaklase.

Lumalakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa halo halong kaba at takot para mamaya.

Buong klase hanggang sa uwian wala siyang naintindihan. Hindi siya nakikinig dahil prinapraktis ni Gwen sa ulo niya kung ano ang sasabihin kapag umamin na siya.

"Gusto kita...Sorry ako ung namimitas ng bulaklak at naglalagay sa locker mo, gusto kita." Paulit-ulit na bumubulong si Gwen habang naglalakad sa hallway.

Pupuntahan niya si Maloi na nasa Gym ngayon kasama sila Colet at Sheena. May practice kasi ang mga first at second year ng dance club.

"Ako ung naglagay ng bulaklak sa...locker mo..." nakita na niya si Maloi nakaupo sa bleachers, may hawak na libro. "Gusto kita."

Napalingon si Maloi sa gawi niya at kinawayan siya. 

"Hi Gwen!"

Nilunok ni Gwen ang kaba niya at tinaas ang kamay. "Hello."

Dahan-dahan siyang lumapit sa kaklase, prinapraktis parin sa utak niya ang linya. 

"Maloi." Para siyang nagbuntong hininga ng malalim sa pagkabigkas niya ng pangalan nito.

"Okay ka lang?" Tanong ni Maloi.

Tumango lang siya. "Ano kasi eh...ano..."

"Ano yon? Upo ka muna, hindi ka kasama sa practice?"

Umiling si Gwen, "sila Mikha lang magtuturo."

"Ahh."

"Ano..." Panimula ulit ni Gwen. 

Shocks nakalimutan ko sasabihin ko.

"Uhmmmm," 

Tinignan lang siya ni Maloi. "May sasabihin ka ba? Ano yon? Wag ka na mahiya friends naman na tayo."

"Bigla ka pala nawala kahapon, sabi ko wait lang eh." Ngumuso pa si Maloi.

Nakatitig lang si Gwen sakaniya. Ang utak niya sarado, hindi niya maisip ang mga linyang sasabihin niya.

Kaya nag panic na siya, nagmadali siyang kunin ang bulaklak na kalachuchi sa bag niya at binigay agad kay Maloi.

Kumunot ang noo ng kaklase, "ano to?"

"Kalachuchi. Sayo."

"Huh?"

"I mean para sayo hahahah," nerbyos na sabi ni Gwen.

"Ah okay?"

"Maloi gusto kita!" Biglaang sinabi ni Gwen ng mabilis at pikit mata.

Ang tahimik ng paligid niya. Hindi niya marinig ang ingay ng Gym. HIndi niya rin marinig kung nagsasalita ba si Maloi o kung may balak pa siyang magsalita kaya sinubukan ni Gwen na buksan ang kaniyang mga mata.

Nakita niya kung gaano nagulat ang itsura ni Maloi. Kitang kita niya kung paano naging kakaiba ang mukha nito. Para bang halata na ayaw ni Maloi, parang ang sinasabi ng kaniyang mukha ay sorry Gwen pero hindi kita gusto.

Ramdam ni Gwen na hindi siya sasaya sa kung ano man ang magiging sagot ni Maloi.

KalachuchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon