Sa buhay mo

261 22 0
                                    

Hindi umiyak si Gwen. Natulala lang siya at mas tumahimik pa.

Nagaalala sakaniya sina Aiah kasi ayaw niya sabihin kung ano ang problema. Ilang araw na rin nakalipas simula nung umamin siya kay Maloi. Hindi parin niya kinukwento sa mga kaibigan niya kung ano nangyari.

"Gwenny, hindi mo ba kakainin yan? Ako kakain niyan sige ka." Sabi ni Stacey sakaniya habang nasa canteen sila.

Umiling lang siya, "Sige sayo na."

Siniko ni Jhoanna si Stacey. "Ano ba stacku."

"Nagjojoke lang naman ako...."

"Gwen do you want to hang out after school? May practice ba kayo ng dance club?" Tanong ni Aiah sakaniya.

"Wala kaming practice ate Aiah, gusto mo mag samgyup Gwen?" Alok ni Mikha.

"Salamat guys pero wala ako sa mood."

"Ano ba nangyari?" Tanong ni Stacey na nakakunot noo.

"Tungkol ba to kay ate Maloi?" Sabi ni Jhoanna.

Hindi siya umimik hanggang sa tumunog na ang bell nila. Tapos na ang lunch break kaya tumayo na si Gwen at nagpaalam.

"Una na ako."

"Wait Gwen sabay na tayo," tawag ni Jhoanna sakaniya at tumayo na rin. Pinandilatan ni Jhoanna sila Stacey at nag sinyales na magkita na lang sila mamaya.

Unti-unti na nagsisipasukan ang mga kaklase nila Gwen. Tahimik lang siyang umupo sa likuran at nakatulala sa may bintana.

Tinapik naman siya ni Jhoanna. "Gwenny pst."

"Ows?" Tumingin siya sa kaibigan.

"May problema ka ba?"

"Wala naman."

"Weh di nga?"

Kumunot noo si Gwen. "Bakit?"

Nag kibit balikat si Jhoanna. "Wala lang. Diba umamin ka na kay ate Maloi? May kinalaman ba yon kaya matamlay ka ngayon?"

Wala ng magawa, tumango na lang si Gwen. 

"Rejected." Sinabi na niya para matapos na.

Tumango din si Jhoanna na parang naintindihan niya. "Okay. Sure ka wala ka sa mood mamaya? Labas tayo kasama sila ate Aiah."

"Hindi ko alam...gusto ko lang umuwi agad."

"Sa tindahan na lang ng mama mo, okay lang? Kahit sumama ka lang hindi mo need makipag chika samin. Presence mo lang." Ngumiti si Jhoanna.

"Okay..."

Dumating si Maloi at napansin siya agad ni Gwen. Nakita ni Jhoanna na biglang napatingin ang kaibigan sa harapan kaya tumingin din siya.

"Hi ate Maloi," sabi ni Jhoanna kaya napa gawi si Maloi sakanila. Umiwas agad ng tingin si Gwen.

"Oh hi! Hi Gwen." Kumaway si Maloi at nakangiti.

Nagulat si Gwen pero hindi niya pinahalata. Hindi niya pinansin si Maloi at naging aligaga na lang sa bag niya.

Tumigil sa pagkaway si Maloi at dahan dahang binaba ang kamay niya. Nawala rin ang ngiti sa labi niya.

Natapos ang klase, hinihintay na lang ni Gwen si Jhoanna para sabay na silang lumabas. Napansin naman niyang palapit sakaniya si Maloi.

Napalunok siya.

"Gwen, uwi ka na? Wala kayong practice?"

"Ah wala." Matipid niyang sagot.

"Ahhh..." Napayuko ng bahagya si Maloi at hindi alam kung saan titingin.

"Gwenny! Let's go?" Sabi ni Jhoanna paglapit niya sa kaibigan.

"Ah may lakad kayo?"

"Yep! Ikaw ate Maloi? Lagi kayo magkasama nila ate Colet diba?" Sabi ni Jhoanna.

"Oo, may pupuntahan din kami. Ano, enjoy kayo." Tumingin saglit si Maloi kay Gwen bago umalis.

"Bye!" Sabi ni Jhoanna.

"Tara?" Tingin ng kaibigan kay Gwen.

"Okay."

Nasa tindahan sila ni Aling Nena, kumakain at nagchichikahan. Si Gwen literal na nandon lang kagaya ng sabi sakaniya ni Jhoanna.

Aaminin niya, nakakatulong ang prisensya ng mga kaibigan niya. Nakaka aliw silang tignan at pakinggan.

Sa ibang paraan, nakakatulong din sila kay Gwen.

"Ngayong month na kami lilipat ng bahay, lilipat ako ng school." Bigla niyang sabi habang nagbabarda si Jhoanna at Stacey.

Napatigil silang lahat at tumingin kay Gwen.

"Ano?" 

"Huh?"

"Bakit? Diba lipat lang ng bahay?"

"Oo nga bat biglang lipat school?"

Alam nila na lilipat ng bahay si Gwen pero hindi kasama sa plano na lilipat din siya ng school.

"Biglaan lang din. Kakadecide ko lang nung nakaraan." Sabi niya.

Kaya siya buwan ng Mayo umamin kay Maloi kasi iyon din ang buwan kung kelan lilipat na sila. At kung ano ang magiging sagot ni Maloi, ayun din ang magiging batayan kung lilipat ba siya ng school o hindi.

"Sure ka na ba diyan?" Tanong ni Stacey.

"Pano na ung dance club?" Malungkot na sabi ni Mikha.

"Sorry guys, bibisita naman ako." 

"It's okay Gwenny. Bibisita din kami sainyo." Ngiti ni Aiah sakaniya.

Magsasalita pa sana si Jhoanna pero napansin niya sila Colet at Sheena sa labas ng tindahan mukhang nagtatalo.

"Sina ate Colet oh." Sabi niya, lumingon silang magkakaibigan sa dalawang nasa labas.

"Colet! Shee!" Tawag ni Aiah sakanila.

Nagulat ang dalawa at napatingin sa magkakaibigan. 

"Tara dito," aya ni Jhoanna kaya lumapit sila.

"Wala si ate Maloi?" Tanong ni Stacey.

"Ah eh," panimula ni Sheena at siniko siya ni Colet.

"Wala umuwi na." Sabi ni Colet. "Narinig namin kayo kanina, lilipat ng bahay si Gwen?"

Tumango lang si Gwen.

"Oo daw, lilipat na rin siya ng school. Biglaan to mag desisyon eh." Sabi ni Stacey.

"Weh?!" Gulat na tanong ni Sheena.

"Oo bebe," ngumiti na lang si Gwen sa kaibigan.

"Bakit biglaan naman?" Tanong ni Colet.

Umiling si Gwen, "Wala ano lang, malayo kasi sa school ung bagong bahay." Ngumiti siya ng pilit.

"Masiyadong malayo para tiyagain."



KalachuchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon