Dahil sa init

295 20 0
                                    

Nakangiting hawak ni Gwen ang kalachuchi pagkatapos niyang pumitas. Medyo nahirapan pa siya kase nasa looban na parte ang kalachuchi na may bunga kaya kailangan niya pang sumampa.

Nilagay na niya sa bag niya ang napitas na bulaklak at masayang umuwi na sa bahay niya.

Pagkauwi niya sa bahay, nilapag niya lang ang bag niya at dinaanan ang nanay sa tindahan.

"Anak, ang aga mo naman? Wala kang club ngayon?"

"Meron," sagot ni Gwen.

"Oh bat ka nandito?"

"Nagpaalam ako na uuwi ako agad, auditions lang naman eh."

"Ako na diyan Ma," kinuha ni Gwen ang sandok sa Mama niya.

"Ay nga pala, pakikuha ung container natin kela Sheena mamaya paguwi nila ha. Okaya bukas na lang sa school niyo."

Ngumiti naman si Gwen. "Okay!"

"Para kang ewan alam mo yon?"

"Ha? Bat naman Ma? Tinutulungan ka nga eh," ngumuso si Gwen.

Umiling na lang ang kaniyang nanay.

Tinulungan niya sa tindahan ang nanay niya hanggang sa palubog na ang araw at kulay kahel na ang paligid. 

Lumabas siya saglit at nakita ang tatlong magkakaibigan na naglalakad pauwi.

Nagmadali siyang nagtago sa gilid kung nasan ang mga halaman ng nanay niya.

"Bye Maloi," sabi ni Colet.

"Bye ate Maloi!"

"Agahan niyo ulit bukas ah!" Sigaw naman ni Maloi sakanila.

"Pag nagising ako!" Tawa ni Colet.

"Mga lokaloka," narinig ni Gwen na sabi ni Maloi.

Tinignan niya ito habang papunta na si Maloi sa bahay niya.

Ang bahay nila Gwen at bahay ni Maloi halos magkalapit lang kaya araw-araw niyang nakikita 'to papasok sa school at pauwi galing sa school.

Napansin niyang suot parin ni Maloi ang jacket niya kaya napangiti siya. Naramdaman niyang nag init ang kaniyang mukha.

Bigla-bigla namang umikot si Maloi kaya napa liyad si Gwen para hindi siya makita.

Lumakas tibok ng puso niya, sana hindi ako nakita jusko.

Si Maloi naka salubong ang kilay habang tumitingin-tingin sa paligid. Ramdam niyang may nakatingin sakaniya kanina o baka guni-guni niya lang iyon.

Pumasok na lang siya sa bahay at hindi na inisip.

Lumuwag naman ang paghinga ni Gwen.

Dama niya ang pawis sa noo niya dahil sa init. Hindi niya alam kung sa panahon ba o dahil sa mukha niyang namumula.

KalachuchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon