Nangyayari

277 20 2
                                    

Nagulat si Maloi. Alam niyang si Gwen ang nag lalagay ng kalachuchi base sa sinabi niya kahapon. Pero hindi niya inexpect na aamin agad siya ngayon.

Kaya ba walang pabulaklak kanina?

Mabait si Gwen, maganda, at malambing sa mga kaibigan niya. Kaso wala pa sa isip ni Maloi ang magka partner o ano man.

Lagi niyang sinasabi sa sarili na studies first. Ayaw niya malihis sa pag aaral. 

At sa totoo lang, wala naman siyang nararamdaman para kay Gwen. Kung gusto niya 'to baka suwayin niya sarili niya at tanggapin ang confession ng kaklase kaso hindi. Wala siyang nararamdaman para dito.

Kaibigan lang sila.

"Gwen..."simula ni Maloi.

"Sorry talaga, ano kasi..."

Nagtaka si Maloi dahil biglang ngumiti si Gwen. "Okay lang, sabihin mo na para matapos na."

Nabigla siya sa sinabi nito. Obvious ba kung ano sasabihin ko?

Parang biglang umatras ang dila niya. Hindi niya alam kung gusto niya parin tanggihan si Gwen dahil lang sa mukhang binibigay nito.

Ang itsura niya mukhang tanggap na ang pagkatalo. Mukhang binagsakan ng mundo pero ngumiti parin.

"Ayaw mo sakin?" 

"Hindi! Hindi sa ganon."

"Friends lang?"

Tumango si Maloi. "Oo. Sorry Gwen."

"Salamat parin tsaka sorry tungkol dun sa bakuran niyo." Napakamot ng ulo si Gwen at tumawa. Dahan-dahan siyang umatras at lumayo.

"Una na ako." Tumalikod na siya at umalis.

Napatitig lang si Maloi sa likod nito hanggang sa makaalis na ang kaklase.

Napakagat ng labi si Maloi at dumating naman si Colet at Sheena sa tabi niya.

"Huy ano yon uyab ha?" Siniko siya ni Colet.

"Gusto niya daw ako..."

"Ano?!" Sabay na sabi ng dalawa.

"Umamin na si ate Gwen?" Tanong ni Sheena.

Tumingin si Maloi sa dalawa, "alam niyo?"

"Ahhh hehe hindi ah sino may sabi?" Nag maang maangan si Sheena kaya binatukan siya ni Colet.

"Oo alam namin, kita namin siya nagpipitas sa bakuran niyo."

"Ahhh," tango ni Maloi.

"Anong sabi mo sakaniya? Nireject mo?" Umupo si Sheena sa tabi niya.

"Oo sabi ko friends lang."

"Sus?!" Hindi naniniwalang sabi ni Colet. "Friends? Asa, nagpanggap ka pa!"

Sinamaan niya ng tingin ang uyab niya. "Mas magaling ka pa sakin eh ikaw na lang si Maloi."

Natawa si Sheena habang si Colet napakamot lang ng ulo. "Ano ba yan kasi, wala ka ba talagang nararamdaman para kay Gwen? O naunahan ka nanaman ng pagka seryoso mo sa pagaaral?"

"Ano naman kung seryoso ako sa pagaaral? Hindi ba dapat ganon? May pangarap pa ako."

"Hindi naman sa ganon..." Nagbuntong hininga si Colet. "Ang sakin lang, minsan hindi ka na nag eenjoy. Puro libro nasa mukha mo, wala ka nga ring club oh."

"Anong masama don? Hindi naman kailangan lahat tayo may club, walang grades yon."

"Oh diba, grades."

"Bakit ba-"

Bago pa matuloy ni Maloi pinigilan na siya ni Sheena.

"Wait lang! Tigil na, magaaway na kayo eh."

Tumayo si Maloi at inayos ang gamit. "Tingin mo ba mag eenjoy ako kapag sinagot ko si Gwen? Masasaktan ko ung tao kasi wala akong gusto sakaniya."

Hindi niya na tinignan ang dalawa at diretsong umalis ng Gym.

Nanlumo ang mukha niya at naging matamlay ang paglakad niya pauwi.

Hindi ko naman talaga siya gusto, bakit naguguilty ako ngayon.


KalachuchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon