O, alam ko na

249 19 0
                                    

Araw-araw parin may bulaklak sa locker ni Maloi tuwing pagpasok niya sa umaga.

Takang-taka na si Maloi kung sino ba gumagawa non. Sinusubukan niya mas maaga pumasok, baka sakaling maabutan niyang may naglalagay sa locker niya.

Pero araw-araw tinitignan niya, wala. Madalas din sa umaga, ang una niyang nakikita ay si Gwen.

Hindi niya alam kung masipag lang talaga ang kaklase pumasok at mag-aral o may iba pa siyang ginagawa tuwing pagpasok niya.

Silang dalawa palagi una sa classroom. Minsan naguusap, madalas wala silang imik parehas.

Ngayon naman, naalala niyang hindi pa niya nababalik ang panyo kay Sheena kaya nabanggit niya habang kumakain sila sa canteen.

"Ay Shee! Eto na pala ung panyo mo oh," inabot niya ang puting panyo sa kaibigan.

Umiling si Sheena habang ngumunguya, "Hindi akin yan." Sabay lunok sa kinakain.

"Ha? eh kanino to?"

"Kay ate Gwen."

Ngumuso naman si Colet sa gawi nila Gwen. "Ayun si Gwen oh bigay mo sakaniya."

Nasa kabilang lamesa lang si Gwen kasama sina Aiah, Stacey, Jhoanna, at Mikha.

Tahimik sila Mikha at Gwen na nakikinig sa tatlong nagkukwentuhan at kumakain.

"Ikaw na Shee magbigay." Sabi ni Maloi kay Sheena.

"Eh ikaw na ate Maloi ayan lang siya ohhh."

"Akala ko pa naman sayo to..."

Siniko naman ni Colet si Maloi, "Bigay mo na."

"Oo nga ate Maloi bigay mo na." Ngumiti pa si Sheena ng pang asar kaya kumunot noo ni Maloi.

"Teka nga bat nyo ba ako pinipilit may balak kayo noh?!"

"Wala ah? Eto tamang hinala, puntahan mo na lang si Gwen!"

Napalakas ang sabi ni Colet kaya lumingon sila Gwen sa lamesa nila.

"Ano yon Colet?" Tanong ni Gwen.

Tinuro niya naman si Maloi, "May sasabihin daw to."

Pinandilatan ni Maloi si Colet. "Imbento ka."

Tumingin na si Maloi kay Gwen na nakatingin din sa kaniya. Kaya tumayo na siya at lumapit sa kaklase.

"Sayo pala tong panyo sabi ni Shee, thank you."

"Ah thank you." Sabi ni Gwen at kinuha ang panyo.

Ngumiti si Maloi. Cute, nag thank you din siya.

"You're welcome." Biro niya.

Napakamot naman sa ulo si Gwen.

Maykakaiba sa kaklase niya ngayon. Madalas napapansin ni Maloi si Gwen. Napapalingon na siya lagi kapag nandiyan siya, kapag nakakasalubong sila sa hallway.

Maamo ang mukha tas malambing sa kaibigan. 

"Magaling pa sumayaw..." Bulong ni Maloi sa sarili habang nakaupo siya sa bench. Nasa Gym siya ngayon dahil may practice ng sayaw sila Colet. Pero dumaan lang siya kasi kailangan niya din umuwi agad dahil tutulungan niya pa Mama niya sa bahay.

Kaya hindi na niya pinatapos ang practice, kumaway na siya kela Sheena at umalis na. Hindi niya rin napansin kung nasaan si Gwen kasi biglang nawala.

Umuwi na siya at nagsimula na tulungan ang kaniyang nanay. 

Pero nung magdidilig na siya sa bakuran narinig niya na parang may yapak ng paa sa labas. Lumabas siya agad at tinignan kung sino yon.

Nakita niya si Gwen na nakahawak sa bunga ng kalachuchi nila at akmang mag pipitas nito.

Nanlaki ang mata ni Maloi at tinuro si Gwen. "Ikaw ung namimitas?!!"

KalachuchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon