Bumabalik

286 20 0
                                    

Pagpasok sa school sa umaga, nasa tapat si Maloi ng locker niya at may bulaklak nanaman.

"Kalachuchi ulit?" sabi niya sa sarili niya.

"Ano yan?" Tumingin si Colet sakaniya. "Bulaklak ulit?"

"Oo, kalachuchi nanaman. Nagagalit nga si Mama eh may putol kasing bunga sa bakuran namin."

Sinara niya ang locker at nilagay sa bag ang bulaklak.

"Baka pag nakita niya ung kalachuchi sa bag ko sabihin niya ako pumipitas!" Angal ni Maloi.

Tumawa si Colet. "Tingin mo galing yan sa bakuran niyo?"

Kumunot noo ni Maloi, "Sana hindi."

Nasa loob na ng classroom si Maloi, akala niya siya mauuna dito pero nandon na rin si Gwen. Tahimik na nakaupo lang ang kaklase niya habang nakamasid sa labas ng bintana.

"Good morning Gwen." Bati ni Maloi.

Tumingin agad sakaniya si Gwen, "Morning!"

Nagulat si Maloi sa taas ng boses ni Gwen. Baka nabigla lang, lagi na lang to nagugulat pag tinatawag ko.

Napangiti si Maloi at tumawa ng kaunti. 

Kita niya si Gwen nag nagaayos ng bangs niya at namumula ang pisngi. Nakatapat pa sakaniya ang sinag ng araw kaya kitang-kita ang pagkinang ng mata niya.

Cute.

"Ay ung jacket mo pala," sabi ni Maloi at binuksan ang bag niya para kunin ang jacket. Inabot niya ito kay Gwen.

"Salamat dito."

Ngumiti siya at si Gwen naman tumango lang.

Umupo na si Maloi at hinintay na dumating ang mga kaklase at teacher nila.

Naglalakad sina Maloi at Colet sa may hallway pagkatapos ng klase nila.

"Ah kay Gwen pala ung jacket," sabi ni Colet. "Dala mo ba ung container? Babalik na natin kay aling Nena."

Lumaki mata ni Maloi, "Ala eh! Naiwan ko!"

"Lagot ka, mahal na mahal pa naman ng mga nanay ang container." Tumawa si Colet.

Napansin ni Colet na dumaan si Gwen at Stacey kaya tinawag niya ang mga ito.

"Gwen! Stacks!"

Lumingon ang dalawa sakanila.

"Anong stacks? Ang baho naman non!" Sinimangutan ni Stacey si Colet.

Lumapit si Colet sa kanila habang nasa likod niya lang si Maloi.

"Anong mabaho don? Bala ka dyan," Tumingin si Colet kay Gwen at inabot ang container galing sa bag niya. Siniko naman siya agad ni Maloi.

"Huy sasauli mo na? Wag muna sabay tayo!" Malakas na bulong ni Maloi.

Pero nakuha na ni Gwen at nagpasalamat. Tinignan ni Gwen si Maloi at ngumiti. "Okay lang, hintayin ko na lang ung sayo."

Nahiya si Maloi at napakamot ng ulo. "Ah eh sige naiwan ko kasi sa bahay, idaan ko na lang sainyo mamaya."

Tumango si Gwen.

"Tara na," sabi ni Stacey. "Gusto niyo sumama?"

"San ba yan?" Tanong ni Colet.

"Ngayon balik ni Jho galing competition ng radio brod. Kakain kami kela aling Nena."

"Sino kasama? Hinihintay pa namin si Shee eh."

"Kami kami lang nina ate Aiah at Mikhs. Sunod na lang kayo!" Masiglang alok ni Stacey.

Si Gwen pasulyap-sulyap lang kay Maloi na nakikinig sa dalawa.

"Sige sige, punta kami. Para rin mabalik na ni Maloi ung container." Inasar ni Colet si Maloi.

Umirap naman ang babae. "Geh."

Napatingin si Maloi kay Gwen at napansin na nakatitig ito sakaniya. Bigla naman umiwas ng tingin si Gwen kaya nagtaka siya.

Huh.

Naglakad na palayo ang dalawang magkaibigan at naiwan na si Colet at Maloi na naghihintay kay Sheena.

Bumalik at hinabol ng tingin ni Maloi si Gwen. Hindi niya alam pero may parang magnet sa babae na nagpapalingon sakaniya.

Tsaka ung amoy, ung pabango ni Gwen sobrang pamilyar na bulaklak.

KalachuchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon