Salamin, salamin, iyong palabasin
Ang aking hinahangad at ang aking ninanais,
Mata sa mata mo ako tingnan,
Patak ng kulay pulang likido mula sa aking balat iyong hagkan.Salamin, salamin, ipakita mo sa akin
Ang lihim na 'ako' na siyang nananalangin.
Makinis na kutis ko'y kabighabighani,
Mula sa hiram na balat mula sa akong alipin.Salamin, salamin kamay ko ay iyong hawakan,
Ako'y dalhin mo kung saan ang kaliwa ay kanan.
Salamin, salamin ang ilusyon ng mundo,
Mata sa mata mong makikita kung ano ang totoo.
YOU ARE READING
Under the Stars I Write
Poetry[A POETRY COLLECTION] "Under the stars I write, Under the moon so bright. In the darkness of my heart, I hold on to the light. Thoughts in my head written in paper and pen. Voiceless words composed of memories by fate." - Hannah Redspring [PUBLI...